Papunta na ako sa classroom namin tutal snacks na namin.
Ng nakapasok ako, sermon ang naabutan ko juskopo!
Kanino pa ba?Sa mga kaibigan ko.Akala mo naman mga nanay ko.
"Lyrea!Bat ngayon ka lang?Saan ka pumunta?!",tanong ni Tanya.
"Uhh kasi ---"
"Ano ba naman yan Tanya, chill ka lang, daig mo pa nanay niya",sabi ni Sab.
"Ehh concern lang naman ang tao !",sabi ni Tanya.
"Tama na Tanya nakikita mo naman ako diba?Walang galos ang katawan, hindi duguan.Kaya wag ka na mag panic diyan"
Nilibot ko ang paningin sa classroom,bakit dalawa lang sila na nandito?Asan yung isa?
"Ayyy asan pala si Serene?",dagdag ko.
"Siya na yung bumili ng pagkain sa cafeteria",sabi ni Sab.
"Ahh okay.May ginawa pala kayo kanina habang wala ako?"
"Wala naman,reference lang",sabi ni Tanya.
"Bakit wala ka kanina?Saan ka pumunta?",tanong ni Tanya
"Ahh kasi ---"
Bago pa ako nakapagsalita sumulpot nanaman si Sab.Nakita niya kasi na may dalang pagkain yung kaklase namin.Humingi siya, not just one but three!Buraot talaga> _ <
"Uyy ano yan?Baka naman Sean.Pahingi nga sigurado akong masarap yan",sabi ni Sab sa kaklase namin.
"Mahiya ka nga."
"Food is life,sorry!Hahahahahaa ",sabi niya sabay subo sa pagkain.
"Okay lang Lyrea",sabi ni Sean.
"Ayy oo nga pala, bakit wala kayo ni Olwen kanina?Si teacher pa tuloy nagsulat nung reference.",dagdag niya.
Owemji.Abangan ko nga toh sa kanto na kaklase ko.Pinaalala pa ehh.Juskopo!
Tapos may bigla na sumigaw na kaklase kong lalake,"Si secretary namin pumapag-ibig!"
"Yieeeee Lyrea ahhhh",sabi naman nila sa akin.
Nakakahiya.Buti wala dito si Olwen.
"Walang ganyanan classmates, porket may mga jowa na kayo ginaganyan niyo ako ahh"
Tumawa naman sila.Juskopo!
Nawala ang tawanan ng nagsalita yung kaklase ko na si Marc, "Saglit diba si Olwen yun?"
Tumingin naman kami kung saan siya nakatingin at tama nga si Olwen yun pero nilagpasan lang niya ang classroom.
Pagkatapos nun tumahimik ulit ang classroom, wala nang pagtritripan eh tapos pumunta na sa canteen yung mga ibang kaklase ko pero binasag ni Sab ang katahimikan,"Uyy Serene buti dumating ka rin kanina pa ako gutom eh"
"Mahaba ang pila sa baba sorry",tapos inabot niya na yung mga pagkain nila.
At kumain na sila nakikihingi na lang ako hahahahaha.
Kung titignan mo kami na magkakaibigan.Magkakaiba ang aming ugali pero nagkakasundo naman kami.Maglilimang taon na rin kami magkakaibigan,since grade 6 yata.Tapos tignan niyo grade 10 na kami.Matatag kami na mga bata hahahaha.Nag-aaway din kami minsan pero nagkakabati rin agad.
Si Tanya siguro siya yung the mysterious one.Parang nakalagay na sa mukha na "not an open book"
Sa appearance niya mukha siyang mature pero childish pa rin siya.Hindi naman yung isip-bata pero the way she looks at things parang pang close-minded na tao.Complicated siya mag-isip,pabago-bago ang desicions.Pero pag may problema andiyan siya parati na pwede mong sandalan.Sa aming apat,siya rin yung unang nagkaboyfriend pero brineak niya rin after 1 week kasi nalaman ng mudra niya.Pero nakamove on na rin siya, 3 years ago na yun eh.Si Sab haynako wala pang jowa pero may ka m.u na ulit...Kayang-kaya niya makipagsabayan sa mga lalake.Magaling mag basketball,siya na ata yung captain ball nila sa basketball girls eh.Buraot sa pagkain juskopo.Kakakain lang gutom ulit!Seryoso may bulate ba sa tiyan niya?:/Walang matino na advice pag may problema halos lahat may kalokohan na halo.Parating lutang.At mas matagal ang friendship nila Serene kaysa sa amin.Parang naging extra lang:/Half-chinese pala yan kaya may halong pagkafake.Hahahahha joki joki lang yan baka seryosohin.Mature rin pala siya,siya siguro pinaka mature na mag-isip sa amin,di lang halata.
Si Serene,siya yung malapit na sa heartless na word yung ugali.Dont get me wrong ha?Sa mga manliligaw niya lang pero sa mga friends niya di sya ganun.Cheerful siya parati at mahilig mag roast hehez.Matalino,mabait, minsan nagloloko or seryoso.Isa rin siya sa mga source pag exam.Pag nagkacrush once in a blue moon, hindi pa kapani-paniwala, wala pang naka m.u,in short nbsb siya.Di pa nainlove, single na single.
Kung titignan mo ang mga love life nila interesado ako kay Serene kasi kapag na in love toh,lintek magpapa lechon baboy ako hahahahaha.Swerte naman nung lalaki hmmmm.
At ako naman hanggang pa crush crush lang kay Olwen ganun hahahha.
"Uyyy Lyrea!Kanina ka pa tulala diyan.Iniisip mo siguro si Olwen",sabi ni Sab.
"Hindi noh,wag ka assuming"
"Oo nga bat wala kayo kanina?",tanong ni Serene.
"Ahh hehe nagcutting classes ako ihh"
"Bakit?",tanong ni Tanya
"Nakakatamad pumasok at inaantok na ako kaya natulog ako sa likod ng building nung SSG at clubs."
"Ahyy ok",sabi ni Sab.
Parang gusto ko sabihin sa kanila ang nangyari ngayon.
"Guysue may ikukwento ako sa inyo.Seryosohin niyo ah"
"Opo opo hahahaha",sabi ni Sab.
"At secret lang ang dadaldal niyo kasi eh"
"Nasaktan naman daw ako,I wont promise but I'll try",sabi ni Serene.
"Sabihin mo na Lyrea.Nacucurious ako.",sabi ni Tanya.
"Nag-usap na kami ni Olwen and we are civil to each other"
"Edi maganda",sabi ni Sab.
Maganda na sana pero narealize ko na may feelings pa pala ako sa kanya.
Tapos na ang breaktime namin kaya umupo na kami sa kanya kanyang puwesto ng dumating na yung english teacher namin.
"Students it will be your acquaintance party next next week.I will not teach you today because I am going to talk to my advisory class about the upcoming party.Same as your advisor,just wait for him."
Umalis na yung teacher namin sa room at excited na ang lahat sa acquaintance party na yan.
Well,except for me kasi every year na yan nangyayari. Wala naman magical na nangyayari katulad ng sa wattpad kung saan makakasama niya at masasayaw yung gusto niyang makasayaw.
At 3 years na rin akong walang ka friendly date.Oo, tama narinig niyo May kadate pa Hahahahah.Ang bitter ko lang kasi wala nagtatanong sa akin nun for the past 3 years.
Pero okay lang it's better to be single;)
BINABASA MO ANG
A Hundred Sixty-eight Hours With You
Teen Fiction[Slow Update] Akala ko siya na talaga ang gusto ko kahit paulit-ulit na akong nasasaktan ng hindi niya sinasadya. Akala ko one-sided love story lang talaga ang mangyayari pero may ibang plano pa pala ang tadhana para sa akin. Akala ko lang pala...