Ngiting-ngiti ako na pumasok sa first day of school...
Namiss ko na yung mga chakang bestfriends ko ehh,hindi naman sa bored ang bakasyon ko kasi nagibang bansa naman kami pero iba talaga ang saya pag sila ang kasama...
Para bang mamatay ka na bukas kaya ang saya-saya niyo ngayon,parang ganon...
Erase!Erase!
Tigilan mo nga kadramahan mo Lyrea Eliz Salvador ,pwede ka ng best actress of the year!
Hinanap ko na lang ang room ng Grade 10 at tinignan ang pangalan ko sa isang listahan bago pumasok..
Nung nakita ko na yung pangalan ko,nakita ko na andun din mga barkada ko!Happy school year na talaga tohhh!
Pero nung tignan ko ulit yung listahan parang mahihimatay na ako nung makita ang isang pangalan dun...
Eto na talaga yun..Binigyan ako ng maraming oras ni tadhana..Naka move on na ako,wala na...Oo wala na!
Isang pangyayari yun na hindi ko ineexpect.Walang may gusto nun...
Mukha akong timang kasi kinakausap ko sarili ko dito sa corridor buti na lang talaga maaga akong pumapasok at hindi ako pagkakamalan na baliw ng ibang mga estudyante....
I straighten up my body at confidently na pumunta papasok ng classroom pero isang hakbang ko pa lang nakita ko na agad pagmumukha niya!Wahhhhh!Nawala agad yung confidence na sinasabi ko.Nubba:/
Bakit kasi sa first row siya umupo?!Sarap niyang gulpihin ehh.Lintek na yan.
Gusto kong bumalik ulit sa pinanggalingan ko kanina kasi nandito siya!Parang may sariling utak yung mga paa ko kaya naestatwa lng ako dun pero huli na nung nakita niya ako..
Pero no smile or greetings ang narinig ko sa kanya..I guess he is the same old Olwen.
Kaya pumunta ako sa designated place ko talaga which is last row. Para di ako masyadong exposed.
Nakaearphones siya at nakatingin sa malayo, parang walang pakialam sa mundo...
Kaunti palang kami dito, wala pa rito yung mga chaka...Parati kasing late:(
Nubayan,wala tuloy maglilibang sa akin..Lumabas na lang tuloy ako ng classroom at maglilibot muna sa school tutal 30 minutes pa naman bago magstart ang klase.
Pumunta ako sa quadrangle at umupo sa mga bleachers..Nagpapahangin lang at nagpapa-araw para naman may vitamin D din ako...
Pinapanood ko yung mga grupo ng mga lalaki na naglalaro ng soccer,may mga estudyante rin na nandito at pinagmamasdan ko sila ng mabuti...
Ang saya nila.
Ehhh ako ngay???Wapakels!Bakit kasi kaklase ko pa yung Lamig na yun!Ang lamig parati ng tingin, yun tuloy naging crush ko siya,DATI.
Oo dati lang, wala na dapat...
Pero bakit ganito yung reaksyon ko nung nakita ko siya?!
Tiningnan ko yung wristwatch ko at 10 minutes na lang magiistart na yung klase.Malayo layo pa kasi yung building ng HS Department kasi may Old building pa na daraanan tapos may isang building pa na ang laman lang halos ssg and clubs na sasalihan ng bawat estudyante .
Nakababa na ako sa bleachers at naglalakad na ng may biglang sumigaw,"Miss umilag ka may bola na tatama sayo!"
Lumingon ako at konti na lang tatama na nga sa akin.Pinikit ko na lang mata ko at tinakpan ang mukha gamit yung dalawang kamay ko para hindi masakit ang impact..Ayoko magasgasan yung cute na mukha ko noh!
10 seconds na akong nakapikit pero wala pa rin tumatama na bola sa akin.Ano yun guni-guni ko lang ba??
Kaya unti-unti kong binukas yung mata ko at una kong nakita ang isang lalaki na tinitignan ako..Ahyy mali "tinititigan" yung cute na face ko.
Ano tohh?Nagpapacute rin siya sa akin?
Crush ko na rin yata tohhh!Ganon na ba ako karupok?:/
Joki joki lang hahahhaha.
"Yung bola pala asan???"
"Andito miss",sabi ni cute guy..
Tinignan ko andun nga yung bola..Halla!!!Napalakas yung pagsabi ko!Akala ko nasa utak ko lang!!!
"Pre!Pasensya na, hindi kasi nagiingat itong kasamahan namin,pakisabi na lang din diyan sa kasama mo",sabi nung isang naglalaro ng soccer.
At nakita kong nag nod lang si cute guy..
"Okay ka lang miss?Kanina ka pa kasi nakatulala sa akin.Wag mong sabihing crush mo na agad ako?",sabi ni cute guy.
Bigla na lang nag-iba yung expression ko at sinabing,"Halla siya."
Ang taas ng confidence nito ah.Hindi na pala cute guy tawag ko dito.Mr.Hangin na lang
Humagalpak siya ng tawa at tinignan ko siya ng masama, nung okay naman na siya bigla niyang sinabi,"Sorry ,ang cute mo kasi pag ganun, natawa lang ako."
Enebe...Elem ke nemen ne cute eke,ang humble ke nge ehhh.
Pinapalaki nito ang ulo ko heh..
"Thank you"
Yun lang ang sinabi ko at tumalikod na ako sakanya.Nakailang hakbang na ako ng sinabi niyang,"Welcome Lyrea!"
Nagulat ako paano alam ni mr.hanggin ang pangalan ko?!Tumingin ako sa kanya at nakita ko siyang nakangiti...
At ewan ko lang kasi ngumiti rin ako.Nakakahawa ehhh baka bawiin pa yung sinabi nyang cute ako mahirap na hahahahh.
***
Nakarating na ako sa classroom namin at nakita na andun na yung dalawang matalik kong kaibigan, wala pa si Ice hahahaha (codename lang yun).Mahilig kasi kami magcodename hahaha!
Nakita ko si ughhhh never mind.. Civil na lang ako sa kanya.Tama yunn
Nung nakarating na ako sa pinakalikod, nakangiti yung dalawang loka. May meaningful look yun ehhh argghhh.Sarap nilang ihulog sa bangin, joki joki.
Bago pa silang magsalita narinig ko na lang ang bati ng aking mga kaklase sa adviser namin.
"Okay class good morning"
BINABASA MO ANG
A Hundred Sixty-eight Hours With You
Novela Juvenil[Slow Update] Akala ko siya na talaga ang gusto ko kahit paulit-ulit na akong nasasaktan ng hindi niya sinasadya. Akala ko one-sided love story lang talaga ang mangyayari pero may ibang plano pa pala ang tadhana para sa akin. Akala ko lang pala...