2{BYE BITCH!}

28 5 0
                                    

Chapter 2
{Bye bitch!}

Hanggang ngayon ay nakatingin pa rin ako sa salamin. Tinitignan ang aking sarili suot suot ang uniporme ng morinelle. Isang napalaking karanglan uli ang masuot ang uniporme nila.

Napagawi ang tingin ko sa paldang suot ko at napangiwi. Ang iksi ang upuan ko pa naman ay nakabukaka o kaya naman naka pang dekwatrong lalaki.

Ang mga lagi ko kasing sinusuot ay mga mahahaba gaya ng pantalon at mahabang shorts. Saka sa dati kong school ay mahaba ang palda ko.

Binabaan ko ng kunti ang palda ko ngunit walang nangyari ganun na talaga sya hinayaan kona lang at pinaalalahanan na lang ang sarili ko na maging maayos na lang sa pag kilos. May maiksing shorts naman ako na suot kaso wala talaga hinde sanay.

Sinuklay ko ang buhok ko at pagkatapos ay kinuha ang papel kung saan nakasulat duon ang schedule at room ko. Paktay pano nga pala toh hinde ko alam kung nasaan ang nga room dito.

Lumabas nako ng kwarto ko at saktovg kakalabas rin lang nung estudyante sa katabi kong kwarto.

"Hello miss good morning pwede bang mag tanong"

"Hello good morning rin bago ka dito no"

"Oo eh san ba to"

Turo ko sa dapat kong room na nakasukat sa papel. Kinuha nya naman ito at ngumiti sa akin.

"Mag kaklase tayo sa lahat ng subject"

Napangiti naman ako sa sinabi nya. Atlis may kakilala ako siguro sasabay nalang ako sa kanya.

"Syempre bago yan kakain muna tayo ng almusal"

Humawak sya sa braso ko at sinimulan na naming mag lakad. Mag kasing tangkad lang kami mas mahaba ang buhok ko kesa sa kanya. Mas maputi naman sya kesa sa akin.

"Anong pangalan mo"

"Morin Cruz pero mori nalang"

"Ah ako si Jaenah kyle Jae na lang"

Sabi nya pupunta daw kami muna sa cafeteria para mag almusal. Ganun daw ang araw araw na gawain dito bago pumasok halos lahat ng estudyante ay pumupunta ng cafeteria. 'Malamang'

Sabi nya maraming lamesang pwedeng pagkainan maliban lang yung nasa gitna dahil dun daw kumakain ang mga nasa rank at mga head.

Nang makarating na kami sa cafetria na sinasabi nya ay halos malaglag ang pabga ko sa sobrabg laki. Putik andaming pagkain. Kung sana pati ang mga nasa labas ng paaralang ito ay nakakakain ng ganto. Hinila ako ni jae sa pilahan para kumuha ng pagkain.

Dahil hinde ako pamilyar sa mga ibang pagkain na andito ay puro gulay ang kinuha ko. Pero kahit gulay lang ay ang sosyal na.

"Lah puro gulay naman yan mori"

"Mas sanay ako sa ganto hehehe"

Nasabi kona lang sa kanya pumunta kami sa isang mahabang lamesa at duon umupo. May nga ibang estudyabte rin ang nanduon pero hinde na namin pinansin. Tahimik lang kaming dalawang kumain hanggang sa.

"Mori halika"

Napaangat ako ng tingin sa nag tawag sakin. Halos lahat ng  estudyante ay nag tataka kung sino iyong tinawag na iyon. Potek naka mic pa kaya ang lakas lakas.

"Mori asan ka"

Nag tatakang napatingin sakin si jae at ako naman ay pikit matang tinaas ang kamay ko.

"Andyan kalang pala tara dalahin mo yang pagkain mo"

Sabi ni Ms. Teresa yung kagabi yung babae. Nginitian kona lang si jae at tumango naman sya dala dala ang pagkain ko ay sinundan ko sya. Nagtungo kami sa lamesang sinabi sakin ni jae na ang mga heads at mga nasa rank lang ang pwedeng kumain.

Morinelle Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon