Chapter 5
{Mori}Teresa pov
"Ms. Teresa ito napo ang pinauutos nyong file"
Binigay sakin ang folder na nag lalaman ng impormasyon kay mori. Inaayos na rin namin ang naganap na pagpasok dito ng babaeng walang pahintulot at si mori ang isa sa pinagbintangan namin.
Inaaral na namin dahil baka si mori ang babaeng iyon at niloloko lang kami. Binuksan ko ang folder at bumungad sakin ang litrato nya.
Cruz,Cassandra, Morin
18 years old
Female
Light magicHalos mabitawan ko ang folder na hawak ko dahil sa nabasa ko. Kaunti palang ang nababasa ko pero sapat na iyon para makaramdan ako ng kaba sa aking dibdib. Agad kong pinatawag si francisco dahil sa aking nalaman.
Hindi kaya sya ang nawawalang apo. Pero imposible matagal ng nakalibing ang bangkay ng apo ni Mrs. Morinelle Alam ko iyon nakita ng dalawang mata ko ang itsura ng bangkay bago ilibing para masiguro na sya talaga ang apo.
"Teresa pinapatawag mo daw ako"
Walang alinglangan na inabot ko kay francisco ang folder. Nakuha nya naman ang ibig kong sabihin na basahin nya iyon kahit hindi pako nag sasalita. Nang matapos nya ay agad akong nag salita. "Francisco sya ba?sya ba?"
"Nakita ng dalawang mata natin teresa na matagal ng patay at nakalibing ang anak ni Mrs.Moranya"
"Pero ang apelyedo nya francisco Cruz iyon ang apelyedo ni Mr.Franco"
"Baka kaparehas lang teresa"
"Eh ang light magic francisco ipaliwanag mo sa akin"
Hindi agad nakasagot si francisco pati sya ay napaisip kung bakit light magic ang ability ni mori. Minsan lang sa isang tao mag karoon ng ganong ability maliban na lang kung iyon ay namana mo o kaya naman ikaw ang napili.
Si Mrs.Monarya at ang kanyang ina na si Mrs.Morinelle ang may ganong ability. Kung idadagdag si mori ay tatlo na sila. May koneksyon ba si mori sa mag inang ito. Si mori ba ang nawawalang anak ni Mrs.Monarya sa nangyaring pagkasabog ng sasakyan nila noon.
Pero kasama nila noon ang bata.
Kung si Mori ang nawawalang anak sino ang bangkay na pinakita sa amin at sino ang nag utos na sabihing ang bangkay na iyon ay ang anak ni Mrs.Monarya at Mr.Franco."Francisco kaylangan nating paimbestigahan si mori ipatingin mo ang background nya lahat lahat tungkol sa kanya"
"Sa ating dalawa lang to teresa wag mo munang sasabihin sa iba lalo na sa principal."
Tinanguan ko naman si francisco at sumandal sa upuan ko. Hinilot ko ang sintido ko dahil sa nga nabasa ko nyayon. Dagdag problema na naman.
Shawn pov
Napanganga ako sa barrier nya. Gawa sa light magic. Inayos ko ang tindig ko para hindi halatang nagulat ako. Nag mulat sya ng mta at saktong tumama sakin.
Pamilyar sya sakin. Sya sya yung babaeng pinaiimbestigahan nila teresa na pumasok sa kwarto ko.
"Ikaw yung babaeng pumasok raw sa kwarto ko"
"Hindi ako yon"
"Talaga"
"Kung hindi ka maniniwala wala akong pake"
"Hindi moba ako kilala"
"Bakit kaylangan paba kitang kilalanin. Asan na yung aura mong parang nasayo na lahat ng problema ha"
Sabay ngisi nya sa akin . Kumunot ang noo ko sa sinabi nya. Eh ano ngayon kung badtrip na badtrip ako at hindi gaya dati na walang emosyon ang muka ko.
"Wala kang pake"
"Wala naman talaga akong pake sayo"
Sabi nya sabay biglang alis. Tsk! Masyado kang mayabang. Umalis na rin ako sa library habang badtrip na badtrip pa rin.
--
"O shawn badtrip na badtrip ah"
"May nagbago ba"
"To naman ang init lagi ng ulo mo sakin"
Dirediretso akong umupo sa sofa at pumikit. Pagkadilat ko ay bumungad sakin ang muka ni mark na nakatingin sakin.
"Mak i want you to research about Mori Cruz"
"Ok"
Umalis na sya at dumiretso sa kwarto nya. Kanina nung nag sasagutan kami nung babaeng yun ay pasimple kong tinignan ang ID na suot nya.
Mori Cruz huh
Mori pov
May klase na kami ngayon pero eto ako nakatunganga at hindi nakikinig sa guro na nasa harap. Wala akong ganang makinig ngayon lalo na sa ngyari kanina.
Kakakwento lang sakin ni jae kanina ang mga nasa rank at kanina lang din ay nakaharap ko ang pinakamataas sa kanila. Sya rin pala yong nakita ko nung gabing kinuha nila ako.
Tsk! At sya rin yung pinasok ung kwarto. Sa sobrang bored ko ay sinubsuob kona lang ang muka ko sa desk at pinagpatuloy ang naputol kong tulog kanina.
--
"Mori uyyyy mori uwian na"
Kinusot kusot ko ang nata ko at tumingin sa paligid. Uwian na nga nilingon ko si jae na nag sisimula nang ayusin ang kanyang gamit ganun rin naman na ang ginawa ko.
"Nag lecture lang ba"
"Oo"
"Napansin ba nila akong natutulog"
"Oo pero ang sabi ko nahihilo ka tapos ayaw mong pumunta ng clinic kaya sumang ayon sila"
Nginitian ko si jae at umalis na kami ng classroom. Napasobra ang tulog ko kaya paniguradong hindi ako makakatulog agad mamaya.

BINABASA MO ANG
Morinelle Academy
FantasySi Morin Cassandra Cruz o mas kilalang "MORI" ay mapapasabak sa isang paaralan kung saan ang panglan ay "MORINELLE ACADEMY" mabilis ang pangyayari dahil bigla na lang syang napadpad sa morinelle. Maraming sikreto ang mabubunyag mga sikretong mas ma...