Chapter 1
{WELCOME TO MORINELLE ACADEMY}Habang nakaposas ang aking mga kamay ay pakiramdam ko ay isa akong kriminal. Bakit nga ba ako napunta dito. Wala naman talaga akong ginawang masama.
Nag lakad kami sa isang pasilyo kung saan mayroong isang mahabang pula na carpet. Halos mahiya ang sapatos ko pag kaapak na pag kaapak ko palang dito.
Isang malaking karangalan ang makatapak sa eskwelahan na ito. Pero mali mali talaga. Gusto kong makapasok dito dahil may pera at utak ako na gustong matuto. Hindi yung ganito. Hindi yung pinagkamalan sa hindi ko naman ginawa at hinding hindi ko gagawin.
Halos wala akong alikabok na makita sa paligid talagang linis na linis siguro ako ang alikabok dito.
Kahit gantong trabaho lang ok na.
Tumigil kami sa isang pintuang nakasarado. May dalawang nag babantay na lalaki roon.
Nag senyasana sila at maya maya lang ay pinapasok na nila kami dalawang lalaki lang ang kasama ko sa pag pasok sa kwartong yon. Ano kayang gagawin nila sakin.
Bumungad sakin ang isang maganda at malinis na kwarto. Isang babae at lalaki ang nakita ko roon. Nilapit ako ng mga may hawak sakin duon sa dalawang nakaupo.
"Sya naba yon"
Pinaupo nila ako sa upuan. Hutek! Ang lambot ng upuan nila. Hindi naman sa parang tagabundok ako. Sadyang mas nasanay kasi ako sa mga alam mona sa mga kaya lang namin ganon.
"Bat ako nandito wala naman akong ginawa sa inyo ah"
"Anong walang ginawa ikaw yung babaeng pumasok sa academy na ito ng walang pahintulot at pumasok kapa sa kwarto ng rank 1"
Ha? Pumasok, kwarto, rank 1.
"Ano hindi ko alam ang sinasabi nyo"
"Wag ka ng mag maangmaangan pa"
Ang kulit nitong babaeng to ah hinde ko naman alam ang pinag sasabi nya. Pag talaga ako nainis kakantihin koto.
"Nakita nyo ba yung babaeng sinabi nyong pumasok sa academy nato"
At duon napatahimik ang babaeng kausap ko ano ka ngayon supalpal ka sakin.
"Oh ano natahaimik ka. Oh di nyo nga alam yung itsura ng babaeng yon tapos ako ang ituturo nyo. Wag kasi kayong mamintang agad agad kung hinde nyo naman alam tsk."
"Masyadong matalas ang di-"
"Tama na teresa. Tama ang batang ito wag muna natin syang pagbintangan alamin muna natin kung sino nga ba talaga."
Nginsiian ko ang babae para mas lalo pa syang maasar. Wag mokong kakalabin nahasa yata to sa trashtalk-an.
"Anong pangalan mo miss?"
"Morin Cruz pero pwede nyo kong twaging mori para cool"
Sinenyasan nung lalaki yung mga nag kuha sakin kanina at may binulong. Ano kaya yon? Pero syempre hinde kona itatanong dahil baka naman isipin nila chismosa ako.
Nag kwentuhan kaming tatlo naptuol lang ng pumasok ang tatlong lalaki. Yung dalawa yun yung mga kasama nung kumuha sakin kanina tapos yung isa hinde ko kilala.
Matangkad,maputi, at seryosong muka. Grabe naman toh seryong seryoso parang lahat yata ng problema ay nasa kanya na daig nya pa ako na maraming problema pero happy happy pa rin.
Kaylangan cool pa rin. Lumapit ang lalaking iyon at umupo sabay lumingon saakin. Nagulat ako ng kaunti dahil napatingin sya sa akin.
"Sya ba yon?"
"Hinde pa namin alam dahil hinde rin namin alam ang itsura ng babae"
"Ikaw ba natandaan moba?"
"Hinde nakapatay ang ilaw sa kwarto ko non. Kung hindi sya bakita sya andito?"
"Sya ang isa sa pinag kakamalan namin kaya sya andito"
"Sabi na ngang hinde ako yun"
Pag singit ko sa pag uusap nilang tatlo. Ang kukulit talaga nila sinabi ng hinde ako yun eh. Pahamak yung babaeng yun bwisit.
"Dahil sa hinde pa namin alam ang totoo mananatili ka muna sa loob ng morinelle"
Nanlaki ang king mata at napaawang ang bibig. Manantili ako sa loob ng morinelleeeeeeee. Wahhhh! Eh kaso. Sa mali nga lang. Kaya ako andito ay pinag kakamalan nila ako.
Dahil duon ay nawala ang sayang naramdaman ko kanina. Napatingin ako sakamila at napabuntong hininga.
--
Sinamahan ako ng babae papunta sa magiging kwarto ko sabi nila ay mag papanggap akong isang estudyante dito at sila na daw ang bahala duon. Nakwento nya rin sakin kanina na lahat ng estudyante dito ay maykanya kanyang kwarto. Ayaw daw nila ng may kasama or nag sheshare ang mga estudyante sa iisang kwarto dahil daw mawawalan ng privacy.
Sumangayon naman ako sa sinabi nyang iyon dahil mahalaga rin naman iyon kahit na parehas kayong babae o lalake. Sabi nya ay bukas daw nila ibibigay sa akin ang mga gamit ko at damit na gagamitin ko sa pang araw araw. Parang hinde kriminal ang turing nila sakin kahit hinde naman talaga.
Kasi diba sa iba hinde ganto ang trato nila sa mga tulad ko lalo na at mababang uri lang ako ng tao. Nang makarating na ako sa kwarto ko ay sinabi nya sa akin na nasa aparador lang daw ang gagamitin kung uniform para bukas tapos mag pahinga na daw ako.
Pag kapasok na pagkapasok ko palang ay halos malaglag ang panga ko sa nakita ko.
BINABASA MO ANG
Morinelle Academy
FantasySi Morin Cassandra Cruz o mas kilalang "MORI" ay mapapasabak sa isang paaralan kung saan ang panglan ay "MORINELLE ACADEMY" mabilis ang pangyayari dahil bigla na lang syang napadpad sa morinelle. Maraming sikreto ang mabubunyag mga sikretong mas ma...