Simula

109 8 6
                                    

Simula

Mabilis ang pagtakbo ko daladala ang maliit na supot na hawak ko. Bwisit! Mabilis rin sila. Wala pa akong perang pambayad ngayon kaya no choice kaylangan kong tumakbo para hindi nila ako mahabol.

"Hoy! Magbayad ka muna ng utang mo"

"Oo mag babayad ako pag nag katrabaho na ako"

Sabi ko habang hindi pa rin tumitigil sa lagtakbo. Baka mamaya pag tumigil ako ay kuyugin nila ako. Mahirap na! Baka kung anong gawin nila sa akin.

Wala kasi akong mapasukang  maayos na trabaho. Meron dati kaso ambaba ng sahod tapos mababa na nga isang beses lang mag pasahod sa  loob ng dalawang buwan.Kaya yon umalis ako.

Nilingon ko ang aking likuran at ng wala na sila ay huminto nako sa pagtakbo at bumuga ng hangin dahil sa hingal at pagod ko. Kaylan kaya hindi magiging ganto ang buhay ko?

Tumigil na ako sa pag aaral dahil nga wala nakong pang paaral sa sarili ko. Mas lalong diko rin kakayanin ang paaralan pag pinag patuloy kopa. Maputi na siguro ang buhok ko kulang pa rin ang pera ko para makapag aral duon.

Ang morinelle academy ang tinutukoy ko kung saan maganda ang turo duon. Pati paggamit ng sariling mahika ay itinuturo nila. Eh kaso nga lang wala akong pera kaya wala.

Umakyat ako ng puno kung saan makikita ko ang kabuuan ng morinelle. Eto ang pinaka gusto kong tambayan bukod sa gusto kong makapasok ng morinelle at natatanaw ko ito  ay dahil rin mahangin at tahimik dito.

Malapit kasi ito sa morinelle mga konting lakad nalang ay nasa harapan mona ang malaking gate ng academy.

Nang maka upo nako ng maayos ay inilabas ko ang isang tinapay at inumin na nasa loob ng supot. Kinagat ko ang tinapay na hinde napuputol ang tingin sa academy.

Pangako makakapasok at makakapag aral rin ako sa academy na yan. Para makalabas ako ng bayan namin at makahanap ng mas magandang trabaho.

Hindi naman sa mababa ang bayan namin. Lahat kaya kami dito ay may mahika. Astig diba. Pag sa morinelle ka kasi nag aral maraming magagandang trabaho ang pwende mong makuha.

Edi magiging isang milyonaryo nako nun. Mapapaayos kona ang bahay ko na sira-sira.

Inubos kona ang kinakain ko para makauwi na rin ako sa bahay. Nang ubos na ay tumalon nako pababa ng puno.

Pinagpag ko ang pwetan ko at inayos ang suot ko. Nang ayos na ang lahat ay tinanaw ko muna uli ang academy at umalis na. Ano kayang kakainin ko mamaya?

Mabuti pa ang mga mayayaman ay  hinde na pinoproblema ang kakainin nila sa pang araw araw. Dahil nakahanda na ang lahat.

Di katulad namin na kaylangan kumayod araw araw para maiahon ang sarili sa kahirapan. Kaya napakaswerte talaga nila.

Napatigil ako sa pag lalakad ng may bumangga saking babae na nag mamadali. Maiksi ang buhok kulay itim ang damit. Dahil sa nabunggo nya ako natumba ako. Pero hinde ko alam kung bakit pati sya ay natumba rin. Baka siguro OA sya kaya ganun.

Agad agad akong tumayo at tinulungan ang babae.

"Miss ok ka lang?"

"Oo tabi"

Iniwas nya ang kamay ko na sana ay aalalayan sya sa pagtayo at biglang tumakbo. Napailing na lang ako sa inakto ng babaeng yon sya na nga ang tutulungan sya pa ang bastos.

Muli akong nag lakad lakad at tinignan ang paligid.

"Taas ang kamay at humarap ka samin"

Napahinto ako sa pag lalakad at nag tatakang lumingon sa likod ko. Nagulat ako sa dami ng mga taong may ibat ibang mahika at lahat iyon ay nakatutok sakin.

"Ha?bakit"

"Anong bakit itaas mona ang kamay mo at sumama ka samin"

"Ako? Wala akong ginawang masama nangutang lang ako kanina yun lang ang tanging naalala ko na ginawa ko"

"Wag ka ng mag sinungaling sumama kana samin"

"Wala nga akong ginawang masama takte naman oh!"

Nag simula na akong mabadtrip sakanila. Wala naman akong ginawang masama ah! ang alam ko lang yung kanina na hinde ako nag bayad sa utang ko.

"Pasaway ang babaeng to kuhanin nyo na"

Lumapit sakin ang mga lalaki at hinawakan ako sa kamay. Napatingin ako sa damit nila at nakita ko ang palatandaan na nakakabit rito. Sa bilis ng pangyayari ay hinde kona nagawang manlaban pa dahil pinosasan na nila ako at pinasok sa loob ng kotse.

Wala akong ginawa sa academy. Pangarap ko lang na makapasok dito para magkaroon ng magandang hinaharap.

Umandar na ang kotseng sinasakyan namin.Kahit alam kong kaya kong silang labanan pero hinde kona sinubukan. Bukod sa marami sila alam kong wala naman nakong magagawa ipipilit lang nila ng ipipilit ang alam nila.

Wala rin namang maniniwala sakin dahil isa lang akong mababang uri ng tao. Dahil sa lalim ng iniisip ko ay hinde ko namalayan na nasa harap kona ang malaking gate ng morinelle.

Unti unting bumukas ito hanggang sa makapasok kami mas lalo akong namangha sa nakikita ko. Akalain nyo iyon nakapasok ako ng morinelle. Kaso sa mali nga lang.

Napabuntong hininga pa rin ako kahit na may konting saya sa aking dibdib. Ano kayang gagawin nila sa akin at ano kayang mangyayari sakin sa loob ng morinelle.

Morinelle Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon