3{RANK 7}

31 5 3
                                    

Chapter 3
{RANK 7}

Umihip ang malakas na hangin kaya sumabog ang buhok ko sa muka ko. Inipit ko ang buhok ko sa likod ng tenga ko at pinagpatuloy ang pag iisip.

Ano kayang mangyayari kung hindi ako pumunta sa tambayan ko. Bukod sa wala ako dito sa loob ng moronelle at nanduon ako sa bahay ko ay ano kaya.

Naputol ang pag iisip ko ng may marinig akong kaluskos. Napaayos ako ng upo at tumingin tingin sa paligid. Malalim na ang gabi kaya posibleng may pumasok na taga labas sa loob ng morinelle. Kung malutusan lang nila ang mga bantay.

Lalo akong naging alerto ng may marinig uli akong kalusos.

"Sino ka? Mag pakita ka wag kang mag tago di ako nakikipag laro sayo maglaro ka mag isa mo"

"Pft"

Napakunot ang noo ko ng  may marinig akong nag pigil ng tawa. Masyado tong malakas kaya posibleng malapit lang to sakin. Tinignan ko ang puno na malapit sa akin madilim ang parte duon pero nakita ko pa rin ang kanyang anino.

"Woi labas na nakita na kita"

Sabay turo ko sa may pwesto duon sa taas ng puno.Biglang may tumalon pababa ng puno at sakto sa harap ko. Isang ngisi ang binagay nya sa akin.

"Nice"

Napatulala naman ako sakanya at saglit lang ay napailing na ako. Syempre para hindi halata na natulala ako. Hindi ko itatanggi na gwapo sya dahil gwapo naman talaga sya Bumagay sa kanya yung pulang hood nya dahil maputi sya.

"Anong ginagawa mo dun sa taas ng puno ha?"

"Eh ikaw anong gibagawa mo dito gabi na"

"Bakit ikaw anong ginagawa mo dito gabi na rin"

"Wag mo ngang ibalik ang tanong"

"Wag mo ngang ibalik ang tanong"

"Wag mokong gayahin"

"Wag mokong gayahin"

Nagulat nalang ako ng bigla nya akong hilahin palapit sa kanya. Literal na lapit talaga maduduling na yata ako sa lapit ng muka nya sa akin.

"Sinabi ng wag mokong gayahin eh"

Bulong nya sa tenga ko. Enebe. Hindi porket may pagka boyish type ako ay hindi nako makakaramdam ng ganto. Pinilit kong umakto ng normal sa harap nya. Kahit gusto ko ng mag lupasay dito.

"Anong trip mo tol at may pabulong bulong kapa?"

"Fuck hindi ka tinablahan"

"Ng alin?"

"The hell"

"Bakit anong meron sa hell"

"Hahahaha"

Bumalik ako sa pag kakaupo at gumaya naman sya sa akin. Myghad. Penge ng hangin hindi ako makahinga. Pero gaya uli ng sabi ko ay umakto parin ako ng normal na parang wala lang.

"Sinabi ko bang umupo ka"

"Ang harsh mo naman babe"

Inirapan ko na lang sya at tumitig uli sa langit na punong puno ng bituin. Itinuon kona lang ang paningin sa langit kesa sa kanya. Sana star na lang ako para marami akong kasama. Mahirap ang lumaki ng hindi mo kilala ang magulang mo kahit pangalan nila.

"Ang lalim naman ng iniisip mo babe"

"Wala to"

"Ano nga palang pangalan mo"

"Mori ikaw"

"Michael nays MM hahahaha"

Naoangisi ako sa sinabi nya. Nilingon ko sya at tinanong. "Bakit ka pala nandito wag mong ibalik yung tanong"

"Ah nag papahangin lang ako"

"Same"

"Bago sa akin yung itsura mo pati hindi ka man lang nagulat nung sabihin ko ang pangalan ko kaya halatang bago ka lang dito sa morinelle"

"Oo bago lang ako dito"

Hindi kona pinansin ang sinabi nyang hindi ako nagulat keme keme. Siguro sikat to sa mga babae  kaya ganyan.

"Anong ability mo?"

"Light"

"Weh edi mas malakas kapa sakin"

"Bakit ano ba ang iyo"

"Invicibility"

Napatango na lang ako at hindi na nag salita pang muli. Hanggang sa maramdaman ko ang antok ay nag paalam naman ako sakanya ganun rin sya. Dirediretso ako sa pag akyat ng puno para walang makakita sakin.

Tong punong ito ay nakakonekta sa bintana ko sa kwarto kaya madali lang sakin ang makababa at makaakyat  gamit ang punong ito. Pag ginamit ko ang hagdan baka may makakita sakin sa gising pa sa oras nato.

--

Kinaumagahan ay ganun uli ang ginawa namin ni jae. Buti na lamang ay hindi nako tinawag ni Ms.teresa dahil busy sila duon. Pag katapos kumain ay dumiretso na kami sa room at nag kwentuhan sa mga lesson kahapon.

Hindi naman ako mahirap makaintindi pag dating sa mga lesson kaya napapadali sakin uli ma meet ang mga ito. Bakante pa rin ang upuan na nasa harapan namin pangalawang araw na ah.

Pinaglabas kami ng papel dahil may surprise quiz kami ngayon buti na lamang ay nakapag basa ako kagabi bago lumabas.

Tok tok

Napatigil sa pag sasalita ang prof ng may kumatok sa pinto. Pati kami ay napabaling rin ang atensyon duon. Syemore nakitingin na rin ako hehehe

Binuksan ng prof ang pinto kung saan may kumtok. Maliit lang ang pag kabukas nya kaya hindi namin nakita kung sino ang kumatok. Nag usap pa sila nung kung sino mang sa labas at maya maya lang ay pinapask nya na ito.

Naka hood na lalaki ang pumasok sa room namin. Teka pamilyar sakin tong hood na ito ah. Kagabi oo tama kagabi tinignan ko ang lalaki at hutek sya nga.

Napalingom rin sya sakij at nginitian ako. Tuloy tuloy sya sa pag lalakad habang sakin pa rin nakatingn. Huminto sya sa harapn ko at duon umupo.

Nag patuloy ang pag bibigay ng tanong  ng prof habang ako ay nakatingin parin sa lalaking naka subsob ang muka sa harapan ko. Siguro natutulog ito. Kinalabit ako ni jae at napalingon naman ako sa kanya.

"Kilala mo si Michael"

"Ah oo pero hindi naman masyado"

"Napakaswerte mo ikaw lang ang tinitigan nya ng matagal ihhhh."

Mahinang sabi sakin ni jae. Mahina lang ang boses naming dalawa para hindi kami marinig ng prof. Nag uusap nga ay ang mga tingin namin ay nasa aming mga papel.

"Bakit naman"

"Si Michael Mars ay ang rank 7 dito sa morinelle. Kaya napakaswerte mo kung ganyan ang pag trato nya sayo."

"Bakit naman swerte eh estudyante rin naman sya estudyante rin naman tayo"

"Nasa rank si michael pag nasa rank ibig sabihin makapangyarihan ka. Isa ka sa tinitingala dito at nirerespeto"

Tinanguan kona lang ang sinabi ni jae at hindi na sumagot pang muli. Dito palang sa morinelle makikita mo ng hindi pantay pantay ang pagtingin sa estudyante. Oo nga lahat sila mayayaman pero mas may angat pa sakanila.

Pano pakaya pag kami ang itinabi sa kanila. Siguro naghihingalo na kami ay wala paring pake ang iba sa amin dahil mababa lang kami.

Hayssss.

---------------------------

Ung jae ay pag sasabihin ay "jey"

Jeongmo_Shipos

Morinelle Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon