Candidacy

17 1 0
                                    

"Retention at better best ang pangako ng tatakbo ngayong nalalapit na eleksyon bilang Mayor ng bayan ng Sta. Lucia ang nagiisang anak ng dating Mayor Eusebio Romulo. Kung papalaring manalo ang tumatakbong Mayor Joseph Romulo, siya na ang magiging pinakabatang mayor sa kasaysayan ng bansang Pilipinas... "

Patuloy ang ugong ng tunog ng aming telebisyon. Kampanyahan na naman kaya't bawat istasyon, puro pangalan nila ang aming naririnig.

Heto na naman ang season ng pangangampanya. Mapipilitan na naman kaming umattend ng mga event lalo't higit ay tatakbo ang asawa ng nagmamay-ari ng kumpanyang aking pinagtatrabahuhan. Siguradong bukas, sa halip na trabaho ang aming inaatupag ay makakasama kami sa kampanya.

~~~

"Ating bigyang palakpak muli ang dalawang mayoral candidate ng Sta. Lucia..."

Dinig kong closing ng master of ceremony ng kasalukuyang ginaganap na debate dito sa central gym ng Sta. Lucia. Tanaw kong bumaba ang mayoral candidate na si Joseph Romulo. Kung di nga naman minamalas, kasalubong ko pa siya dito sa isle. Panay ang kaway niya sa tao. Tumigil na lamang ako para hindi kami sa mismong gitna magkasalubong. Nang malapit na siya sa akin ay patuloy pa din si Joseph Romulo sa kanyang pagkaway sa mga tao at hindi sinasadyang nabunggo niya ako at natapon ang orange juice sa puti niyang polo. Pinagtinginan kami ng tao dahil sa nangyaring ito. Naglakad ako palabas at patungong parking lot para makalayo sa atensyon ng tao. Sinundan naman ako ni Joseph Romulo at ng mga body guards niya.

"You should apologize, Missy."

"At bakit naman? Ikaw itong hindi nakatingin at kung saan saan kaway ng kaway."

"Hmmm... wearing orange, drinking orange juice. You must be from the other party."

"Unluckily. So if you'll excuse me, aalis na ako. Paalam."

Agad akong naglakad palayo sa kanila. Ayoko silang kausap. Ayoko sa mga taong katulad nila.

Ramdam ko ang tingin ang sunod nila sa likod ko. Bahala sila.

PinakomplikadoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon