Chapter One

99 9 1
                                    

Dream

"Good morning ma!" Sigaw ko nang pababa na ako ng hagdan natatanaw ko na mula rito ang aking lolo at lola kaya nagmadali ako sa pagbaba.

"Good morning Ley anak." aniya at niyapos ako at hinalikan sa noo. Lumingon naman ako kina lolo at lola na nakatayo sa harap ng double door namin.

"Good morning lolo!" Ngumiti ako kay lolo at kiniss sya sa pisngi bumaling naman ako kay lola na katabi niya. "Good morning lola!"

"Good morning apo."

"Magandang umaga din sa iyo apo."

Ngumiti ako sa kanila at nilingon ang sasakyan sa baba. Sa amin na tumira sina lola simula ng maging sakitin si lolo para may mag aalaga sa kanya antigas kasi ng ulo.

"Saan ang punta nyo lolo? May meeting po ba uli kayo?" Tanong ko sa kanila habang pababa ng hagdanan patungo sa sasakyan namin.

"Mmm, ang papa mo ay nasa Maynila doon sya at kami naman rito sa Laguna para malapit lang." Paliwanag nya inalalayan ko si lola sa pagbaba at ang mga kasambahay naman kay lolo.

Meron kaming business sa iba't ibang bahagi ng bansa at sa ibang lugar kaya lagi silang may meeting nila papa.

'Nasan kaya si kuya? Ang aga naman yata nya umalis.' sabi ko sa isip ko habang kami ay pasakay na ng sasakyan.

Kung lalakarin ko ang palabas ng aming bahay baka abutin ako ng trenta minutos bago makalabas ng gate kaya lagi na lang akong nagpapahatid dahil nalate ako ng sinubukan ko iyong lakarin.

"Good morning mang Pedro!" Bati ko sa aming driver.

"Good morning din Ley." Nakangiting bati niya. Sa backseat ako umupo katabi ni lola at ni ate May na nagaalalay lagi kina lola at si lolo naman sa harap. "Good morning ate May!"

"Magandang umaga din Ley." Nakangiting bati nya. Si mang Pedro at ate May ay naninilbihan na sa amin simula nung baby pa lang ako.

Habang kami ay nasa daan palabas ng aming bahay tinanong ko na kung nasan si kuya at ang sabi nila ay maaga raw umalis dahil may practice daw sila ng basketball.

Ng makarating na kami sa Muntiville ay humalik na ako sa pisngi ni lolo at lola at nagpaalam na rin.

"Bye, ingat po kayo!" Sabi ko ng makababa na ako at kumaway sa kanila habang nakangiti.

"Ingat ka din apo galingan mo!"

Nang nakaalis na sila ay pumasok na ako loob. Pagkapasok ko ay pumunta muna ako sa locker ko at kinuha ang P.E uniform ko para makapagpalit na ako.

P.E lang kami tuwing Wednesday hanggang hapon kaya ito ang pinakagusto kong araw. Pagkatapos ko magpalit ay itinali ko na ang aking buhok ng pa ponytail.

Umalis na ako sa restroom pagkatapos ko magpalit at natali ko na ang buhok ko bumalik ako sa locker para ilagay dun yung damit kong suot kanina at babalikan ko na lang mamaya. Ng nailagay ko na ang gamit ko ay sakto namang nakasalubong ko si kuya na bagong ligo lang.

"Good morning kuya!" Bati ko sa kanya habang kumakaway. Binuka nya ang kanya braso para yumakap ako kaya tumakbo ako at yumakap sa kanya.

"Good morning din Lay-lay," Nakangiting bati nya, "Pasensya kana hindi kita naisabay kanina maaga kasi akong umalis eh may practice." aniya habang kumakamot sa batok.

"Ayos lang naihatid din naman ako, una na ako kuya ha may klase pa ako ih." nakangiting sabi ko.

"Oh sige sabay na lang tayo umuwi mamaya ano oras ba labas mo? 4pm?" aniya kaya tumango lang ako "O sige na bye." hinalikan nya ang noo ko bago nagpatuloy sa paglalakad.

My Time With YouWhere stories live. Discover now