Chapter Six

19 2 0
                                    

Who are you?

Antigas. Sobrang tigas nitong nahahawak ko.

"Loriel.."

"Lorie.."

"Loriel.." Patuloy ang pagtawag sakin kung sino man iyon. Hindi ko mahakan ng ayos yung matigas na bagay dahil sobrang laki nito. Hindi kaya ng kamay ko.

May humaplos sa buhok ko kaya napadaing ako. "Gumising ka na." Mahinahon nyang sabi.

Dahan-dahan ko minulat ang mga mata ko. Malabo ang aking paningin pero alam kong madami ang nakaharap sa akin. Sinubukan kong umupo; Tinulungan naman ako n'ung lalaki.

Talagang matigas ang nahahawakan ko! Pero ang nauupuan ko ay malambot!

Luminaw na ang paningin ko halos mapatalon ako dahil talagang napakadami ng nakapalibot sa akin.

"S-sino po kayo?! N-nasan po ako?!" Nauutal kong tanong. Inilibot ko ang paningin ko sa silid. Ginto ang pader. Ginto ang upuan. Ginto ang lahat na sa tingin  ko ay pati cabinet ay ganon din.

Naalala ko ang kwento ng lolo at lola ko noon tungkol sa gantong lugar. Sunod-sunod na iling ang nagawa ko habang isa-isang tinitingnan ang mga tao.

Hindi.

Hindi pwede na ito nga iyon!

"N-nasan po ako?!" Tanong ko sa kanila. Tumulo ang mga luha ko; Sinubukan punasan nung lalaking katabi ko ang mga luha ko pero umatras ako. "W-wag nyo po ako hawakan!"

"N-nasa bahay mo ikaw, L-loriel." Sagot nung lalaking katabi ko.

Ang huli kong naalala ay bumangga ako sa puno. Wala akong natandaam na naglakbay ako papunta dito.

Nilibot ko muli ang paningin ko. Kilala ko silang lahat! Mga kamag-anak at kaibigan ko ang mga ito, na pumanaw na. Hanggang sa tumigil ang paningin ko sa lalaking katabi ko na titig na titig sa akin.

"S-sino ka? B-bakit ka nandito?" Tanong ko. Nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Parang gusto ko bawiin ang sinabi ko.

"N-nalimutan mo na nga ako." Mahina nyang sabi. "H-hindi, T-tutulu--ngan kita maalala uli ang mga ala-ala n-natin. Kung sino ako."

"Nasan ako?"

"Ang lola mo ang kailangang magpaliwanag sayo, Ley. Para malinawan ka," Sagot ni Tita Lielle, pinsan ni daddy.

"L-lola? B-bakit h-hindi na lang po kayo? N-nasan po ba si lola?"

"Nasa baba ang lola mo nag aasikaso ng mga kailangan mo." Bigla na lang akong bumangon at lumabas ng kwarto. "Saan ang punta Loriel?! Baka maligaw ka masyadong malaki ang bahay mo!"

Nagulat ako dahil tama nga sila, ang laki ng bahay na ito. "P-pwede po ba m-magpasama?" Nahihiyang tanong ko.

"Samahan mo siya, Iho." Samit ni tita. Tatayo na sana siya ng umiling ako. "Bakit?"

"A-ayako po sana magpasama sa taong hindi ko naman kilala."

"K-kayo ng lang po, Tita Lielle." Nakatungong sabmit nung lalaki.

"S-sige. Halika na Loriel." Nauna na syang naglakad kaya sumunod lang ako. Habang naglalakad kami ay nilibot ko muna ang paningin ko sa paligid.  Napaka daming likuan, mga silid at may nakita pa akong veranda sa may gawing kanan. "Hindi mo ba talaga siya nakilila?" Biglang tanong ni Tita Lielle.

"Hindi po. Siya lamang po ang natatanging hindi ko kilala kanina," Sabmit ko. "Bakit po?"

Ngumiti siya sakin at umiling. "Wala naman,"

My Time With YouWhere stories live. Discover now