Proud
Nagising na lang ako dahil may biglang tumalon sa kama ko, dinaganan ako. Nilingon ko kung sino yun at nakita ko si kuya at ate na naka pajamas.
"Gising na mahal na prinsesa!!" sigaw ni kuya habang gumugulong gulong sa tabi ko. Si ate naman ay ginagalaw ang mga gamit ko.
"Paano ba kayo nakapasok dito? Anong oras na ba?" Tanong ko habang kinukusot ang mga mata. Tumigil naman si kuya sa paggulong at hinarap ako.
"6:00 a.m pa lang naman." sagot ni kuya habang inaayos ang kama ko. Tumayo ako at pumunta kay ate ng sinubukan nyang buksan ang secret box ko.
"Tsk, bawal yan ate! Ang aga nyo naman manggising 6:00 palang pala," nakasimangot kong sabi. "Lumabas na nga kayo!"
Humarap sa akin si kuya at nag taas ng kilay, "Sabihan na po kasi ngayon ng honor society, ma'am," tumigil si kuya at sinundan na si ate palabas. "At baka po malate tayo."
Nanalaki ang mata ko nang maalala ko iyon, "Oo nga pala sorry! Labas kana kuya maliligo na ako, bilis!!" sabi ko habang tinutulak si kuya.
"Bilisan mo hihintayin ka muna namin ni ate bago kumain." aniya tumango lang ako at sinarado na ang pinto. Dumaretso na ako sa banyo at pinagmasdan muna ang sarili ko sa malaking salamin. Ako parin kaya? Sana ako pa talaga.
Pagkatapos ko maligo ay naghanap na ako ng masusuot, free style naman kami ngayon dahil Friday. Pagkalabas ko ng walk in closet ko nakita ko agad ang sarili ko sa salamin, wearing tucked in plain white v-neck shirt, black pants and running shoes.
Lumabas na ako ng kwarto habang magulo at basa ang buhok. Naabutan ko sila na nagtatawanan at hindi pa nagsisimula kumain. 6:30 palang naman kaya paniguradong di kami male-late.
"Good morning po!" nakangiting sabi ko, nagmano ako kay lolo at lola; Humalik naman ako sa pisngi nina mommy at daddy, umupo na ako sa gitna nina ate.
"Good morning din, ija, bakit ganan ang itsura ng buhok mo hindi ka man lang magsuklay." ani daddy, nakakunot ang noo.
"Nagmamadali po kasi ako, dad." saad ko habang nagsasalin ng kanin sa pinggan ko. Nilagyan naman nina ate ng ulam ang pinggan ko. Lumingon ako sa kanila at ngumiti, "Thanks," ngumiti lamg sya sakin at kumindat.
"Sa sobrang pagmamadali hindi na makasuklay?" Nakataas na kilay na tanong ni daddy, "Oh baka naman may inaabangan kang tao sa school nyo?" Tunog ang panunuya ni daddy sa boses nya.
"Dad! Wala po ah! Saka sino naman aabangan ko dun." Nakanguso kong sabi kay daddy na tawa ng tawa.
"Nako kung meron man, Dad." Biglang sabat ni kuya, nakasimangot. "Yari sakin yun dahil aagawin nya ang attention sakin ni Loriel!"
Natawa lang kami sa simabi ni kuya Laurent, "Bawal pa naman talaga kasi, kaya wag kang maarte dyan." saad ni ate Lorie.
Pagkatapos namin kumain ay lumabas na kami at nag paalam na kina mommy. Sumakay ako sa backseat ng sasakyan ni kuya at si ate naman ay sa harapan. Papasok na sa trabaho si ate, malapit lang naman kaya sya muna ang ihahatid namin.
Tatlong taon ng doctor si ate, ganon
na din sila katagal ng boyfriend nya, si kuya Blaze. Hindi pa sila nagkikita dahil kadadating lang din ni ate, doctor din sya katulad ni ate kaya lagi silang nagkikita.Pagkadating namin sa hospital ay hinatid muna namin si ate sa opisina nya. Kulay Gray and White ang color ng opisina nya at may isang mahabang lamesa kung saan ang pwesto nya. May side na pangbata at may side naman ng pangmatanda, may maliit na kwarto din dito si ate, dito na ako minsan nakatulog kakaintay sa kanya.
YOU ARE READING
My Time With You
RomantikLoriel traveled somewhere where she doesn't know, after the incident happened. There's no building or house that made out of rock, she just waked up in her big gold house. She already know this place, but she's not believing she's there without a pr...