Chapter Four

26 8 0
                                    

December's Night

Gabi na ng sinabi nila mommy na hindi sila makakauwi ngayon. Kasama nila sina lolo at sa hotel daw sila ng mga Carson mananatili.

Naalala ko na naman ang surname nung nagbigay ng card. Lalake kaya sya o babae? Hays sana naman makita ko sya at makapag thank you man lang ako.

Nasa kusina si ate kasama si kuya Blaze dahil magluluto daw sila ng adabo. Nasa salas naman kami ni kuya, nanonood ng cartoons. Biglang tumunog ang telephone namin kaya tiningnan ko yun.

"Sagutin mo Ley. Baka guard yan sa labas." Sabi ni kuya na hindi man lang sumulyap sa akin, patuloy padin sa panonood at pagkain.

Sinagot ko ang tawag at guard nga iyon, hindi ko pa naman alam kung sinong guard ito dahil wala akong alam kung sino ang duty.

"Hello po? Ano po yun kuya?" Tanong ko habang naka hawak sa bewang.

"Loriel, Si Mang Eddie ito. May delivery na dumating. Para sayo daw, gown yata ito." Aniya na parang sinusuri ang damit.

"Ah Mang Eddie!! Papasukin nyo po akin nga po yan!"

"Sigurado ka ba papapasukin ko na?"

"Opo, mamaya po pala dadalhan na lang namin kayo ng pagkain dyan."

"O sige, salamat nag abala pa kayo meron naman kami dito. Pinapasok na namin Loriel abangan mo na sa labas baka sa bahay pa ng mga katulong tumigil." saad nya bago pinutol ang tawag. Lumingon ako kay kuya at ngumiti.

"Ano daw?" Taas kilay nyang tanong.

Binuksan ko na anh doble door namin, "Nandyan na daw yung gown!" Sigaw ko para marinig na din nina ate. Narinig ko ang pag sigaw ni ate at lumabas ng kusina kasunod si kuya Blaze.

May tumigil na BMW sa harap namin at lumabas ang lalaking naka black. Napasinghap kami sa gulat.

"Ay sosyal!! BMW pandeliver lang at ang pogi ng driver ha!" Bulong ni ate kaya sinimangutan sya ni kuya Blaze at bumulong ng kung ano ano.

"Loriel Aquino?" Tanong ng driver at tumingin samin. Nagtaas naman ako ng kamay at lumapit sa kanya. Kinuha ko na ang malaking box na may laman na gown. I'm so excited!!

"Tol, yaman ng company nyo ah!! BMW pandeliver lang." Sabi ni kuya habang sinusuri ang sasakyan. Ngumiti lang ang lalaki sa kanya.

"Ito po kasi talaga ang ginagamit pag ang biniling gown ay pinagawa doon at pag latest ang napiling gown." Saad nya.

"Sinabi ba sa inyo kung sino ang nagpagawa?" Tanong ko sa kanya kaya napakamot sya sa batok nya.

"Hindi nga po eh. Sa email lang po nya sinend ang design at pera wala pong sinabing pangalan."

"Paano nyo nalaman ang address at pangalan ko?" Kunot noong tanong ko,nakakapagtaka lang.

"Mag nakalagay na din po doon. Lahat po ng gusto nya tungkol sa gown nyo ay sinabi nya by details. Hindi din po namin alam kung babae o lalaki." Saad nya. Nagpasalamat naman kami sa kanya bago umalis.

"Ang yaman ng kompanyanv yun!! Tayo din
naman madaming BMW tig iisa pa tayong tatlo at madami pang extras pero hindi natin pinang deliver!!" Di makapaniwalang sabi ni kuya.

"Tanga ka ba? Anong i d-deliver natin?" Tanong ni ate sa kanya bago bumaling sa akin. "Buksan natin bilis!"  At kinuha sa akin ang box at dinala sa living room namin.

At tama nga ang nasa letter color gray nga iyon. Pero hindi ko inaasahan na ganto itong kaganda. Napanganga kaming lahat sa ganda ng design nung dami.

Pa v-neck sya at may mga pulang maliliit na paro paro na nakadikit sa palibot pag ka v-neck. Sa gitna naman ay kulay dirty orange na mga beads na ginawang hugis flower at may nakapatong na mga maliit na kulay gray na butterfly. At kitang kita ang likod ko dito.

My Time With YouWhere stories live. Discover now