Black
Dalawang araw na din ang nakalipas ng nangyari ang gabing iyon. Hindi parin mawala sa isip ko ang mga sinabi nya, lalo na ang mga mata nya. At ngayon na din ang alis namin patungo sa Ilocos.
Nag impake na ako ng mga kailagan ko sa loob ng pitong araw. Excited na ako! Baka sakaling malimutan ko ang nangyaring noong nakaraang gabi. Mamayang tanghali pa ang alis namin kaya nakapag ayos pa ako ng madami. Excited na din ako dahil gagamitin ko na naman ang sasakyan ko!Ayakong gamitin ang BMW i8 ko dahil hindi naman ako katulad ni kuya, pabida.
Gagamitin ko na lang yung isa ko pang sasakyan. Pare parehas kami nina ate ng car pero magkakaiba ng kulay. Ang BMW i8 ko ay Gray. Kay kuya at ate naman ay Black and Red. At itong sasakyan na gagamitin ko naman ay pare parehas kami na kulay Black, Audi A5.
Natigil ako sa pag iimpake dahil may biglang kumatok. "Ley!!" Sigaw ni kuya sa labas. Tumayo ako at pinagbuksan sya ng pinto.
"Ano?"
"Mag iingat ka sa pag drive ha!! Ngayon ka lang uli mag d-drive matapos nung tra--" Hindi na natapos ni kuya ang sasabihin ni kuya dahil biglang sumigaw si ate sa kanya.
"Trabaho ni daddy." dagdag ni ate at sinamaan ng tingin si kuya. Si kuya naman ay nakatingin sakin na parang nag aalala.
"Ayos ka lang kuya?" Tanong ko sa kanya kaya napaayos sya ng tayo at tumango. Bumalik na naman ang panenermon nya.
"Dahan dahan sa pag d-drive!! Hindi ka nasa karera pag nasa highway ka!!" Sabi nya, naninigaw. "Bakit ba kasi ayaw mo pang ako ang mag hatid sayo?"
"Kuya ngayon na nga lang kasi uli ako makakadrive!! Two years na din ang nakalipas nung huli nyo akong pinagdrive!" Sabi ko sa kanya. Hindi ko alam o hindi ko na tanda kung bakit nga ba nila ako pagmamaneho. Nagagamit naman ang sasakyan ko kaso hindi ako nagd-drive, kundi sila.
"Dalawang taon? Oh edi hindi kana maalam! Baka nga utot lang kita sa pag d-drive." Sabi nya at pumalakpak pa na parang tama sya sa sinabi nya.
"Marunong parin ako pakita ko pa sayo! Mas magaling ako sainyo magkarera pa tayong tatlo sa village natin sa Palawan, ano?!" Hamon ko sa kanila. Nag iinit ang dugo ko dito sa pabidang kuya ko eh, masyadong mayabang eh utot nga lang sya ng utot ko sa pagd-drive!
"Aba at namghahamon kana ha?! Sige! Sabihin natin kina daddy na dun muna tayo pag uwi mo!!" Galit din na sigaw ni ate, ang ingay!
"Mga weak kayo!"
"Mas weak ka! Bakla!"
"Kaysa naman sayo ate walang pwet!"
"Ang papangit nyo! Mas magaling ako sa inyo!"
"Parang sobrang ganda mo ah?!"
"Epal ka nam--"
Natigil kami ng biglang sumigaw si mommy, patay.
"Ano ba kayong tatlo?! Ang lapit nyo sa isa't isa nagsisigawan pa kayo?! Nagpapahinga ang lolo nyo ang iingay nyo!! Jusko kayong mga bata kayo!!" Sabi ni mommy na nakapagpatahimik sa amin. Nagkatinginan kami nina ate, masasama ang tingin namin sa isa't isa.
"Ikaw kasi nakakainis naman." Bulong ni ate kay kuya.
"Oonga."
"Anong ako? Ang papangit nyo ako pa sinisi nyo!" Galit na bulong naman ni kuya.
"Nagbubulungan pa kayo diyan!! Ang iingay nyo ang sarap nyong kurutin sa singi--" Natigil si mommy dahil biglan nagsalita si daddy sa likod nya at niyakap sya, ang tagal naman dumating ni daddy.
"Ano na naman ba yan? Nagkukulit na naman ba? Hayaan ko na at mga bata yan." Sabi ni daddy at kinindatan kami. Ngumiti naman kami sa kanya bago kay mommy. Nakasimangot na si mommy kaya kiniss sya ni daddy sa cheeks, yays!!
YOU ARE READING
My Time With You
RomanceLoriel traveled somewhere where she doesn't know, after the incident happened. There's no building or house that made out of rock, she just waked up in her big gold house. She already know this place, but she's not believing she's there without a pr...