Visited
December one ngayon at pupunta kami sa puntod ni lola para maglinis. Hindi naman ito kalayuan sa amin kaya maya maya pa kami aalis nina kuya.
"Anong oras ba tayo pupunta sa puntod ng lola mo, Ley?" si Panya habang sinusuklay ang kanyang basang buhok.
"Pagkatapos siguro ng breakfast, bakit?"
"Matagal na din kasi ang huling bisita ko don" aniya kaya tumango na lamang ako sa kanya. "Oonga pala anong nangyari sayo kagabi? Nagutla ako nung bigla kang gumalaw at nabasa ang palad ko umiyak kaba?"
"Nanaginip kasi ako may isang lalaki na parang nasa liwanag.. Ewan ko ba pero naramdaman ko na lang na umiiyak ako pagkagising pero hindi ko maalala kung anong nangyari pero kumirot ang puso ko non," tumigil muna ako sa pagsasalita at malalim na huminga. "Sinabi nya sa akin na sa araw daw ng pag alis ko ay malalaman ko na kung saan yon."
"Woa that's quite creepy,"
"I know right," sabi ko at tumayo na sa pagkakaupo "Let's go na, baka nandon na sila sa baba."
Pagbaba namin ay wala kaming nadatnan sa salas kaya pumuna kami sa kusina. Wala man lang nakahandang pagkain at wala ding tao.
"Manang? Nasan po sila mama?" Tanong ni panya.
"Nandyan na pala kayo, Nasa may garden sila dun daw kayo mag aalmusal." sabi ni Manang Lelit.
Dumaretso na kami sa garden pagkasabi no Manang. Nadatnan namin silang nagtatawanan at hindi pa nagsisimulang kumain.
"Good morning, everyone!" Maligayang sabi ko.
"Good morning, princesses!" Sabay sabay nilang sabi kaya nagtawanan kami.
"Kumain na tayo para makapunta agad tayo sa puntod ng balae ko." Sabi ni lola. "Bakit nga ba ngayon lang kayong dalawa?"
"Si Loriel kasi ang tagal po maligo," ani Panya, "And nagpaganda pa po ako syempre." sabay tinapik tapik ang pisngi nya.
Natawa na lamang kami sa kanya. Sina Panya ay hindi lola sina lola Vivory, Dahil sa side sila ng mga Aquino pero gaya ng sinabi ko na ganon na din ang turing nila kina lola.
"Magpapaganda pa kayo? Eh ang gaganda nyo na nga lalo na itong Loriel morenang morena palibhasa ay naging laking bukid." Saad ng ate kong saksakan ng kahambogan.
"So mas maganda sya sakin ganon ha ate?" pagtataray na sabi ni Panya kaya tinawanan ko lang sya.
"Parang ganon na nga."
"Ano bang gusto mo ate at ika'y ibibili ko?" saad ko. Kaya tinawanan nya lang ako.
"Kiss lang naman from our baby." aniya at ngumuso. Kaya nagflying kiss na lang ako sa kanya at kumindat.
Pagkatapos namin kumain ay nag ayos na kami para sa pag alis. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin, I am wearing a mustard yellow shirt and a short shorts. Naging morena ako ng tumira ako sa province ng sampung taon. Lagi kami naglalaro sa kahit mainit, naliligo sa batis o ilog at lumulusong sa mga putikan.
Lumaki ako ng walang arte, natuto ako mangabayo at mag alaga ng mga halaman sa paninirahan sa probinsya. Takot nga lang ako sa mga bulati at mga insekto.
Pagkasakay namin sa van ay umalis na kaagad kami.
"Saan naman ang gala nyo ngayon, Loriel?" Tanong ni daddy habang magda- drive.
YOU ARE READING
My Time With You
Roman d'amourLoriel traveled somewhere where she doesn't know, after the incident happened. There's no building or house that made out of rock, she just waked up in her big gold house. She already know this place, but she's not believing she's there without a pr...