Better
Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking muka. Ininat ko ang katawan ko at biglang umupo sa kama.
Kinusot ko muna ang mata ko bago ito minulat.
"Good morning," Bulong ko.
"Good morning!" Nagulat ako ng may biglang nagsalita sa tabi ko. Si Lucas ang nakita ko nakaupo ito sa sofa. Tinakluban ko ang muka ko ng kumot at masamang tumingin sa kanya.
"What are you doing here?!"
Tumayo sya bago nilagay ang kamay sa bulsa. Bagong ligo ata 'to, fresh na fresh eh. Ang gwapong nilalang naman nito.
"Waiting for you to wake up," Ngumiti siya at lumapit na sa may pintuan. "Bumaba ka na, nandon na sila hinihintay lang tayo. Igagala ka namin."
Tumango lang ako. "Go!"
Pagkalabas ni Lucas ay tumayo agad ako at lumapit sa may veranda. Pagkabukas ko ng pintuan ay sariwang hangin agad ang bumungad sa akin. Sinilip ko ito at napangiti ako ng mapansin kong wala itong mga gusali.
Madami. Madaming bahay ang nakikita ko lahat talaga ito ay ginto. Walang mga bagay o ano 'man ang nakakasira sa lugar na ito.
Tumakbo agad ako at pumasok sa banyo. Hindi ko na pinansin ang mga bagay na nan'don at naligo agad.
Pagkatapos ko maligo ay sinuot ko na ang simple white dress na nasa closet ko. Pinatuyo ko muna ang buhok ko at nilagyan ng hair clip sa may taas ng tainga.
Pagkatapos ay tumakbo na agad ako palabas ng kuwarto. Pagdating sa may hagdan ay umupo ako doon sa railings at nagpadulas. Ngayon ko lang uli 'to nagawa! Ang saya!
"Loriel! Jusko pong bata ka! Mag-ingat ka!" Sigaw ni Manang Cita.
"Opo!" Sigaw ko. Tumalon na ako pagkadating ko sa dulo. Humarap ako sa kanya at natatawang ngumiti. "Good morning po!"
"Magandang umaga. Pumunta ka na doon sa hapag mo nan'don na sila."
"Opo,"
Tumakbo ako papunta doon at nakita ko ang dami ng tao na nandon. Puro kamag-anak ko, pati si Lucas.
"Good morning!" Bati ko sa kanila.
"Good morning!" Bati din nilang lahat.
Nagkiss ako kina lolo at lola bago naghanap ng mauupuan. May nakita akong bakanteng upuan sa pag-itan nina Lucas at Kuya Matt kaya doon ako umupo.
"Good morning Kuya,"
"Good morning princess,"
Nagtaka ako kung bakit kakain sila kung 'ganon na hindi naman sila nagugutom.
"Bakit kakain pa 'po kayo kung 'ganon na hindi naman kayo nagugutom at ako lang?" Nagtatakang tanong ko sa kanila.
"Mas maganda kasi pag may kasama ka sa pagkain pati miss na namin ang lasa ng mga pagkain kahit di kami nagugutom." Sagot ni Tita Lielle. Sumangayon naman ang lahat.
Kahit pala nandito ako ay hindi ko mararamdamang mag-iisa ako dahil kasama ko sila. Tumango at ngumiti ako sa kanilang lahat.
"Thank you,"
Habang nakain ay nagkwentuhan na din kaming lahat. Nalaman ko na lang din na si Lucas lang ang kaparehas ko na may mission na dapat gawin. Lahat sila ay dito lang titira para may makasama ako.
YOU ARE READING
My Time With You
RomanceLoriel traveled somewhere where she doesn't know, after the incident happened. There's no building or house that made out of rock, she just waked up in her big gold house. She already know this place, but she's not believing she's there without a pr...