Chapter 3

10.1K 195 13
                                    

Nanatiling tahimik si Ava habang kumakain kasama ang buong pamilya ng mga Salvador at ang Ate't mga pamangkin nya. Maliban doon ay nandoon din ang Papá Alfonso nya dahil biglaang nagkaroon ng salo-salo. Dumating na kasi sila Don Minandro at Madam Victoria galing US at nagdesisyon ang mga ito na magtipon-tipon ang dalawang pamilya. Palihim syang napapamura kung bakit sa dinami-dami ng kamalasan na pwedeng mangyari sa kanya ay nakatabi nya pa ang demonyo sa hapagkainan. Maliban doon ay hindi pa rin nya kinakausap ang Papá nya dahil masama pa rin ang loob nya dito.

"Are you okay, mi amor? You look grumpy." Tanong sa kanya ng Ate Ara nya habang busy ito sa paghiwa ng steak. Mukhang nahahalata rin ng mga tao sa paligid nya na bad mood sya.

She faked a smile. "Im okay, Ate. Don't mind me."

She saw her father faked a cough in her peripherals. "Don't deny what you feel, Felicia bonita. Sabihin mo sa Ate Ara mo na galit ka sakin. I won't bite." Anang Papá nya sa kanya.

She rolled her eyes. Naiinis talaga sya sa Papá nya. "Don't call me bonita! Hindi tayo bati!"

Her Ate Ara chuckled. "Kayo talaga! Ano na naman ba kasing pinag-awayan nyong dalawa ha?"

"Kasi si Papá!" Dinuro nya ang Papá nya na nakaupo sa pinakaunang upuan. "He wanted me to marry that Ronan Creyton guy! Duh! Ni hindi ko nga yun kilala eh!" Napasimangot sya. "He's at it again, Ate Ara! He wanted to mess up my life!" Parang batang magsumbong sya sa Ate Ara nya.

"Papá. Ava is old enough to decide what's good or bad for her. Lagpas na ang edad nya sa kalendaryo kaya hayaan mo na lang sya."

Napangiti sya dahil nasa side nya ang Ate nya. Take that old man! Two is better than one!

"I know that, Lucia. But i am worried about her future. Matanda na ako at kapag nawala ako ay maiiwan syang mag-isa sa buhay. May pamilya ka na at asawa Lucia kaya alam mo kung gaano kasaya magkaroon ng sarili mong pamilya. Don't you want your sister to experience that?" Tugon ng Papá nya sa Ate Ara nya. Her father used to call her eldest sister 'Lucia'.

Her Ate Ara heaved a sigh. "Papá, i know where you're getting it from. Pero it's up to Ava kung gusto nyang mag-asawa. Hindi naman biro ang mag-asawa, 'no. Much better kung bibigyan mo sya ng panahong maghanap ng lalakeng magugustuhan nya. "

"May point din naman ang Papá mo, Darling. Gusto nya lang na magkaroon ng pamilyang mauuwian ang kapatid mo kung sakali." Pagsang-ayon ng Kuya Dominic nya sa Papá nya.

"Tsss... parang hindi mo pinigilan si Papá noon nung ipapakasal nya ako sa iba." Biro ng Ate Ara nya sa asawa nito.

"Iba naman kasi ang sitwasyon natin, darling. Mahal kita kaya ko ginawa iyon. Pero sa sitwasyon ng kapatid mo, wala syang kasintahan na naiipit sa sitwasyon kaya bakit natin pipigilan ang kagustuhan ng Papá mo? Malay mo magustuhan rin ni Ava si Mr. Creyton. Isa iyong kilalang negosyante at tagapagmana ng Creyton Airlines. He's also goodlooking and a Staford University graduate. Walang lugi si Ava." Depensa ni Kuya Dominic.

Napailing-iling sya. Mukhang two versus two na ang labanan sa pagitan nila ng Papá nya. Unbelievable.

"See? Kahit si Dominic ay sang-ayon sakin." Pagmamalaki ng Papá nya.

She rolled her eyes. "Malamang eh close kayo ni Kuya Dom. Mag best bud kayong dalawa kaya syempre kakampi sya sa inyo." It's true. Close ang Papá nya at ang asawa ng Ate Ara nya na si Dominic kaya malamang ay magkakampihan ang dalawang ugok.

Dominic laughed out loud. "Matalino ka rin, Ava. I'm impressed. Magkapatid nga talaga kayong dalawa ng Ate mo. You see, nagpapalakas lang ako sa Papá nyo kaya sa  kanya muna ako kakampi." He winked at her.

Matchmaker's Series #3: The Devils Kisses (Raw Version-Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon