Chapter 11

9.3K 207 8
                                    

2 years later...








AVA just got home from her 2-year vacation. Dalawang taon syang nanirahan sa US habang hindi pa nahuhuli ang babaeng nagtangka sa buhay nya. Sa wakas ay nakita na rin ito ng mga pulis at ikinulong na ito noong nakaraang linggo. She wanted to celebrate. Sa wakas ay ligtas na rin sya.

She had a phobia with fire kaya pumunta sya ng US para mag-undergo sa treatment. Ilang taon din syang nagtago mula sa babaeng psychopath na nagtangkang pumatay sa kanya at sa wakas ay nakamtan na nya ang hustisya para sa nangyari sa kanya 2 years ago. Ngayon ay uuwi sya dahil kailangan nyang tuparin ang ipinangako nya sa Papá nya------ang pakasalan si Mr. Ronan Creyton.

2 years na ang nakalilipas simula ng nagdesisyon syang mag-moveon mula kay Benedict. Masakit sa una, oo. Pero kalaunan ay nawala din ang sakit at tanging pagtanggap na lang ng katotohanan ang naiwan sa kanya. Tanggap na nyang pinagtagpo lang talaga sila ni Benedict at hindi itinadhana sa isa't-isa. Kaya pumayag sya sa matagal ng kagustuhan ng Papá nya. Wala namang masama kung susubukan nyang kilalanin si Mr. Ronan Creyton. After all, wala namang mawawala kung susubukan nya. Naging mas open na sya sa mga opinyon ng mga tao sa paligid nya lalo na't naging malaking tulong iyon para maka-moveon sya. Now, she came back home to her beloved... the pearl of the orient seas----philippines.

Lupaypay syang umuwi sa mansyon dahil sa mahabang byahe. Dahil nga may jet lag pa sya ay natulog sya buong maghapon. Nagising na lang sya kinagabihan nang makaramdam sya ng matinding gutom. Kaagad syang lumabas at naghanap ng makakain sa kusina, eksaktong nakasalubong nya ang Papá nya.

"Hija! Gising ka na pala!" Nakipagbeso-beso ito sa kanya at mahigpit syang niyakap. "I missed you, bonita."

"Oo Papá. Ang sweet nyo masyado. Ni hindi mo nga ako niyakap nung umuwi ako galing sa France eh." She chuckled.

"Naglalambing lang ako." He cleared her throat. "Anyways, gusto ng Ate Ara mo na bisitahin mo sya doon sa mansyon ng mga Salvador. Panahon na rin para makita mo ang bagong miyembro ng pamilya natin. Finally, nagkaanak ulit sila ng lalake ng Ate Ara at Kuya Dom mo."

She smiled. "Nakakainggit nga po eh. Sana ay magkaanak din ako. Kahit anak na lang." She giggled.

"Don't worrt hija, you will soon be. Ikakasal ka na kay Mr. Creyton hindi ba?"

She faked a smile. "Yeah. Ikakasal na nga pala ako." Sadness coated her being. Pakiramdam nya ay namatayan sya dahil sa balitang iyon.

"Don't tell me hindi ka pa rin nakakapag-move on hija?"

Tumawa sya ng pagak. "Ikaw talaga Papá! Huwag ka ngang nagjo-joke dyan!"

"I can see it in your eyes, hija. Mahal mo pa rin si Benedict."

Her smile faded. Ganoon ba talaga ka-obvious ang pagsisinungaling nya? Yup! She already moved on from her tragic past. Pero kahit kailan hindi nawala sa puso nya ang pagmamahal kay Benedict. Lagi namang nasa puso nya iyon at hindi mawala-wala kahit anong pilit nya. Wala naman syang magagawa kundi itago na lang iyon at huwag ng pagtuonan pa ng pansin.

"I swear Pa. Wala na talaga." Nag-iwas sya ng tingin para itago sa Papá nya ang totoong nararamdaman. Alam nyang kitang-kita sa mga mata nya na nagsisinungaling sya.

Tumikhim ito. "Good. Pupunta tayo ngayon sa mansyon ng mga Salvador. Inanyayahan tayo ng Ate mo na magsalo-salo kasama nila at para makita mo na rin si Baby Lucio."

Bigla syang binalot ng kaba. No! Hindi sya pwedeng makipagkita kay Benedict! Not now! Hindi pa sya handang harapin ito. Hindi nya alam kung paano pakikitunguhan ang binata lalo na't ilang taon din silang hindi nagkita o nag-usap man lang.

Matchmaker's Series #3: The Devils Kisses (Raw Version-Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon