Chapter 9

8K 185 7
                                    

(Author's Note: Malapit na itong matapos. Medyo matatagalan ang susunod na series pero ipapangako ko pong mas gagalingan ko pa ang pagsusulat. Alang-alang sa future ng Romance Novels!! Alang alang sa future ko! Char!

Maraming salamat kung binabasa mo ito ngayon. Ibig sabihin lang nun naintriga ka sa mga stories na sinusulat ko. Hahaha! Joke lang. Kitakits tayo sa next series!)















BENEDICT doesn't know what to do. Simula ng isugod nya sa ospital ang walang-malay na si Ava ay nataranta na sya at hindi mapakali. He tried to pray and call all the saints in the world just to make sure she's going to be okay pero wala iyong nagawa. Natatakot syang mawala si Ava sa kanya. Natatakot syang may mangyaring masama dito ng dahil sa kanya.

"Benedict, calm down." Tinapik-tapik ng Kuya Dominic nya ang balikat nya at pinaupo sya sa upuan na nasa labas ng ER. Hindi muna sya pinapasok sa ER dahil nagwawala sya kanina sa sobrang pag-aalala. Ilang doktor na lalake na rin ang nasuntok nya dahil lang sa paglapat ng mga ito ng stethoscope sa dibdib ni Ava. She was just wearing his oversized polo and panty. Ni wala itong suot na bra! Gusto nya sya lang ang makakakita at makakahawak sa katawan ng dalaga. Kaya kahit nasa emergency situation na sila ay nilamon sya ng selos at sinuntok ang lalakeng doktor na nagche-check kay Ava. Dahil sa ginawa nya ay hinila sya palabas ng mga nurse. Pasalamat lang sila at biglang dumating ang Kuya Dom at Ate Ara nya para pigilin sya sa mga pagwawala kanina.

Ilang oras na syang naghihintay sa labas ng ER at naghihintay ng update mula sa doktor. Busy daw ang mga ito sa paglilinis ng lungs ni Ava dahil sa usok na nalanghap ng dalaga. Her body is in critical condition dahil imbes na oxygen ay carbon ang nalanghap ng dalaga at nagkalat na iyon sa katawan nito through her blood.

Naiinis sya sa sarili. He wanted to punch himself for leaving Ava for his g*dd*mn work. Kung alam nya lang na mangyayari ito ay sana hindi na sya nagtrabaho at sana sinamahan na lang nya buong araw si Ava.

"This is all my fault." Bulong nya sa hangin. Sinuntok nya ng malakas ang pader sa sobrang frustration. Where is he when Ava needed him the most? Pagkatapos ng nangyari sa kanila kahapon ay iniwan na lang nya ito kinabukasan para sa trabaho nya. Para saan? Para sa pera? Can money save her from dying?

"Benedict! I said calm down!" His brother said with full of authority. Napasabunot sya sa buhok at nanghihinang umupo sa upuan sa waiting area.

"Benedict, this is not your fault." It was his Ate Ara's voice. Napayuko sya at hindi ito tiningnan sa mga mata. Nahihiya syang ipakita ang pagmumukha nya sa harap ng Ate ng babaeng mahal nya. He promised Ava heaven in his arms, but instead, Ava received hell from him.

"No Ate Ara. This is all my fault! Kung hindi ko sya iniwan sa condo nya ay hindi sana mangyayari ito sa kanya! Kung sana ay hindi ko sya hinayaang mag-isa kanina ay sana naiwasan kong mangyari to!" Muli syang napasabunot sa sarili nyang buhok sa sobrang frustration. The blame is all on him! Sya ang dapat sisihin!

"Wait? Ibig sabihin.... nagpunta ka sa bahay ni Ava kanina? At... anong ginawa nyo?" Tanong ng Ate Ara nya.

"We..." he heaved a sigh. "We enjoyed each other's company."

"Ano???! May nangyari ba sa inyo ng kapatid ko??!" Gulat na tanong ng Ate Ara nya. "Jusko!"

"Darling calm down. Makakasama iyan kay Baby." Niyakap ng Kuya Dom nya ang Ate Ara nya pero ni hindi humupa ang galit sa mata ng Ate Ara nya. This is his first time seeing Ara's face coated in anger for almost 16 years. Naiintindihan nya ang overprotective side nito pagdating kay Ava kaya napayuko sya at hinayaang magalit ito sa kanya.

"Benedict, you already know that my sister is too innocent for you! Alam mo yan! Kaya pinilit kong ilayo sya sayo sa mahigit pitong taon! I know you wanted her since i saw you crushing her from the very first time you saw her in my wedding! Kahit ayaw ni Papá na pumunta si Ava sa ibang bansa ay pinilit ko syang payagan si Ava para ilayo sya sayo dahil alam kong sasaktan mo lang ang kapatid ko. No offense, Benedict. Gusto ko lang protektahan ang kapatid ko. She's young, naive, and sometimes gullible. Madali syang mahuhulog sa tukso. Kaya ko sya inilayo sayo. Sana ay hindi ka na lumapit sa kanya. Sana ay hindi ka na nagpakilala sa kanya. Sana hindi ka na naghangad na magkagusto sya sayo kagaya ng pagkagusto mo sa kanya." She stated. "Ang buong akala ko kasi ay simpleng atraksyon lang ang nakita ko sa mga mata mo almost 8 years ago kaya pinilit ko si Ava na umuwi sa pilipinas. Hindi ko alam na mangyayari ito."

Matchmaker's Series #3: The Devils Kisses (Raw Version-Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon