Chapter 5

9.5K 173 1
                                    

"MS. AVA, Nice to meet you. I'm Ethan at intern ako dito." Pakilala sa kanya ng bagitong lalakeng katabi nya sa cubicle.

She smiled. "Nice to meet you too, Ethan." She accepted his hand for a handshake. "So college ka pa lang pala at OJT mo ito ngayon?"

"Opo, Ms. Ava. Isa po ako sa mga scholar ng Sunshine Foundation at dito po ako pinapa-OJT nung founder."

She smiled. "Talaga? Good for you!"

"Ang ganda ganda nyo naman po. Para kayong hollywood actress."

Pinalo nya ito sa braso. "Ikaw bolero ka rin no? Gusto mo lang yatang magpalakas sakin kasi kaibigan ko ang may-ari nito no?"

"Hindi po Miss! Maganda po talaga kayo! Sa totoo po...c-crush ko po kayo."

She giggled when she saw him blush. "Asus! Crush lang pala eh. Okay lang yan. Makaka-move on ka rin. Thank you dahil inamin mo." She really like a straightforward person like the guy in front of her. Sa tingin nya kasi ay matinding courage ang kailangan para sabihin natin minsan ang totoong nilalaman ng isip natin sa ibang tao kaya humahanga talaga sya sa mga taong prangka kung magsalita.

Yeah! Just like that Devil Incarnate guy on the 38th floor.

Napailing-iling sya sa iniisip. She should focus on her work and not on that man! Nagkandaletse-letse ang sistema nya sa tuwing malapit sya o iniisip ang lalakeng iyon. He's trouble in the making.

"Ms. Ava, pwede po ba kitang imbitahin mag-lunch?" Nahihiyang tanong sa kanya ni Ethan. She was about to say 'Yes' nang biglang umalingawngaw ang malakas na pagbukas ng pintuan ng departamento nila at iniluwa non ang gwapong mukha ng demonyong boss nila.

Anong ginagawa nito sa opisina nila?

The devil incarnate's gaze surveyed the whole place until it landed on hers. Napalunok sya nang magtagpo ang mga mata nila. There's anger in his eyes. Tumayo ang lahat ng mga empleyado at binati ito ng Good Afternoon habang naglalakad ito palapit sa kanya. Masama pa rin ang tingin nito sa kanya?? No, scratch that. Masama ang tingin nito kay Ethan.

"Good Afternoon po, Sir." Bati ni Ethan kay Benedict nang makalapit ito sa kanila.

"Did i interrupt something?" He asked with a hint of sarcasm. Nakapamulsa ito at ipinukol ang masamang tingin sa kanya.

"Ahmm...." she cleared her throat. "W-wala naman po, Sir. Maglu-lunch lang po sana kaming lahat pero bigla kang dumating."

"How about you, Mr. Ethan? Naistorbo ba kita?" Tanong nito sa binatilyo sa tabi nya.

"H-hindi po, Sir." Halata ang takot sa boses ni Ethan. Sino ba naman ang hindi matatakot sa awra ng demonyong kaharap nya? Para na itong handang pumatay ng tao sa sobrang dilim ng mukha. Maging ang mga tao sa paligid nila ay natatakot na rin.

"Good. Now, i want you to leave her alone, got it?" He asked with formality but anger is still evident in his voice. Para itong takot maagawan ng pag-aari.

"Y-yes po." Ethan bowed a little to avert from Benedict's deadly gaze.

Anong nangyayari?

"You!" He called her attention. Napapitlag sya sa biglaang pagtawag nito sa kanya. Kanina pa kasi sya nakatingin kay Ethan.

"B-bakit?"

"Follow me. May pag-uusapan tayo." Authority is crystal clear in his voice as he command. Mabilis nya itong sinundan palabas ng opisina at hanggang sa makarating sila sa opisina nito.

"Bakit mo ako pinatawag dito? Pwede namang------" Her eyes widened when he immidiately grabbed her waist and pulled her closer to his body, feeling his heat. Marubdob nitong inangkin ang mga labi nya at marahas syang isinandal sa pader. Her heart banged like crazy. Her system went nuts. Her knees trembled. Gulat ang nag-trigger ng lahat ng iyon. Or as she thought. Dahil maya-maya ay unti-unti nyang naramdaman ang kamay nitong umakyat patungo sa batok nya at mas lalong pinalalim ang halik.

Matchmaker's Series #3: The Devils Kisses (Raw Version-Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon