Chapter 10

8.9K 192 6
                                    

3 weeks later...

Matapos ang nangyaring insidente sa condo ni Ava ay nagdesisyon ang Papá nya na manatili muna sya sa mansyon habang hindi pa nahuhuli ang babaeng nagtangkang kumitil sa buhay nya. Nang magkaroon sya ng malay ay halos tumalon sya sa tuwa sa sobrang saya. Kung dati ay mas mahalaga sa kanya ang kalayaan, ngayon ay mas mahalaga na sa kanya ang buhay nya.

Paggising nya sa ospital ay kaagad nyang hinanap si Benedict. Alam nyang ito ang dahilan kung bakit sya ligtas at buhay pa hanggang ngayon. Pero sa di-malamang kadahilanan ay tila umiiwas ito na makita sya at ni hindi man lang sya kinamusta.

She felt her heart shattered into pieces. Ang buong akala nya ay kahit paano ay mahalaga sya sa binata. Ang buong akala nya ay espesyal sya dito. Mali pala sya.

She cried a river these past few weeks. Nasasaktan sya dahil sya lang ang nagmahal. Nasasaktan sya dahil ni hindi man lang ito nagparamdam nitong mga nakaraang linggo. She misses him so much, at wala syang magawa dahil bantay-sarado sya ng mga gwardya at ng Papá nya. She tried to escape but she was always caught by her father's men. Ni wala syang gadgets na pwede nyang paglibangan kaya pakiramdam nya ay bumagal ang takbo ng oras at walang naging laman ang isip nya kundi si Benedict.

Napasubsob sya sa unan at humagulgol sa pag-iyak. Ni hindi man lang nag-effort ang binata para makausap o kamustahin ang lagay nya. Masyado syang umasa na baka pwede siyang maging higit pa sa isang kaibigan. She wanted to be in his arms kahit na alam nyang wala itong nararamdaman para sa kanya.

Hindi pa rin nahahanap ang babaeng nagtangkang patayin sya pero alam na ng mga pulis kung sino ang babaeng iyon. She is Cheska Prieto, isang architect at isang Ex-Convict. Maliban doon ay may sakit din pala ang babaeng iyon sa utak at nanirahan sa isang mental institution sa loob ng apat na taon.

Kahit paano ay naging masaya sya dahil mananagot na ang babaeng iyon sa batas at pinaghahanap na ng mga pulis. Pero hindi nya pa rin makuhang kalimutan ang kalbaryong nangyari sa kanya. Nitong mga nakaraang araw ay nagkaroon sya ng matinding takot sa tuwing makakakita sya ng apoy. Dahil doon ay ikinulong sya ng Papá nya sa kwarto pansamantala para maiwasan na makaranas sya ng mga flashbacks sa nangyaring sunog. Hanggat maaari ay malamig na pagkain ang sine-serve sa kanya dahil nagwawala sya sa tuwing nakakakita sya ng usok. Everytime she sees fire and smoke, her mind would suddenly go back and reminisce what happened to her 3 weeks ago. Kahit pilitin nyang kalimutan ay hindi pa rin nawawala sa kanya ang takot at kabang naramdaman nya sa tuwing naaalala nya ang sunog.

Bumalik sya sa realidad nang makarinig ng malakas na katok mula sa pintuan nya. Nang bumukas iyon ay bumungad sa kanya ang magandang mukha ng Ate Ara nya. Halata na ang pagbubuntis nito dahil sa umbok nito sa tyan. She smiled and welcomed her sister with an open arms. Nagbeso-beso sila at sabay na umupo sa kama nya.

"How are you, mi amor? Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ng Ate nya.

She faked a smile. "Oo Ate. I'm alive, so i guess, yeah."

"Ava, hindi mo kailangang itago ang nararamdaman mo. You can cry if you want. Hindi kita huhusgahan. I know deep inside na may nami-miss ka."

She bowed her head in shame. "Oo Ate meron. Kaso hindi naman nya ako mahal kaya wala ring mangyayari kung iiyak ako. Para ano? Para madagdagan yung sakit na nararamdaman ko? Ni hindi nya ako kinamusta kung okay lang ba ako. Nawala na lang sya ng parang bula. Akala ko ay importante ako sa kanya, mali pala ako." She tried her best not to sob because of that. But to her dismay, a lone tear escaped from her eye, making her show what she feels inside. Marahas nya iyong pinahid gamit ang palad nya.

"Ava, Benedict has his reasons."

Nanlaki ang mga mata nya. "Alam mo?" She never told her Ate Ara about Benedict! Kaya nagtataka sya ngayon kung bakit alalm nito ang tungkol sa bagay na yon.

Matchmaker's Series #3: The Devils Kisses (Raw Version-Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon