EPILOGUE

13.1K 297 60
                                    

(Author's Note: Yes! Patapos na rin! Hahahaha! I want to cry! Char! Salamat sa mga nagbasa ha? Kung wala man, okay lang. At least may natapos akong series sa tanang buhay ko. Hahaha! Napaka-amateur lang ng dating ng mga stories ko at alam kong medyo marami pang typo at wrong grammar perhaps? But as long as you understand the story naman, it doesn't really matter, right?

See you sa next series na isusulat ko! Labyu all!)







NATATAWA si Ava habang pinagmamasdan ang nakasimangot na mukha ng asawa habang kinakausap ito ng Kuya Dominic nito. Galit pa rin kasi si Benedict sa Kuya nito dahil nagsinungaling ito tungkol sa engagement nya kay Ronan. Kaya pala napasugod si Benedict sa mansion nila dati at galit na galit ay dahil sinabi ng Kuya nito na ikakasal na sya kay Ronan. Nang madiskubre ni Benedict na niloko lang ito ng Kuya nito ay nagalit ito at nainis sa ginawa ng Kuya nito.

"Ikaw kasi. Masyado kang mabagal. Kailangan pang takutin bago gumalaw." Natawa si Kuya Dom dahil sa sinabi at tinapik ang balikat ng nakababatang kapatid. "Im sorry lil' bro. Been there, done that. Kung hindi pa ako tinakot ni Papá na ikakasal si Ara sa ibang lalake ay hindi pa ako kikilos. Dapat pasalamatan mo ako. Dahil sakin kaya naging successful ang lovelife mo."

Iningusan lang ito ni Benedict. "Dont talk to me. Hindi kita kilala."

Natawa si Ava dahil sa pagtatampo ng asawa sa Kuya nito. Benedict is childish when it comes to his loved ones. Nalaman nya iyon matapos nilang magpakasal. Lagi itong naglalambing sa kanya at nagpapa-cute na parang bata. Naniniwala na sya sa sinasabi ng Ate Ara nya na hindi natatapos sa kasal ang getting-to-know-each-other stage ng mga couples. Dahil kahit ilang buwan na silang kasal ni Benedict ay marami pa rin silang dapat i-discover sa isa't-isa.

"Okay, Im Dominic Salvador, your Kuya. Nice to meet you." Pagpapakilala ni Kuya Dominic sa sarili kay Benedict. Maging ang Ate Ara nya ay nakitawa na rin sa kanila ng Kuya Dom nya habang tinitingnan ang nakasimangot na mukha ni Benedict.

"Sige na baby. Patawarin mo na si Kuya Dom." Pagkumbinsi nya sa asawa at niyakap ito mula sa likuran. "Kapag pinatawad mo sya, papayag na ako sa gusto mong gawin natin 'yun' sa kitchen anytime you want." She whispered in a flirty way on Benedict's ear. Kaagad itong nabuhayan ng loob at tinanggap ang alok ni Kuya Dominic na makipag-shakehands.

"Im Benedict. Nice to meet you. Bati na tayo." Kaagad rin binawi ni Benedict ang kamay nito at binalingan sya para halikan sa pisngi.

"Now where's my price?" He whispered huskily. She smiled. Kahit kailan talaga ay manyakis ang asawa nya.

"Mamaya." She whispered back, making him giggle.

"Naririnig namin kayo. Bakit pa kayo nagbubulungan dyan?" Anang Ate Ara nya habang karga-karga si Lucio at umupo na rin sa tabi ni Kuya Dom sa sala.

Natawa na lang sya. "Ate uuwi muna kami ni Benedict sa bahay. May gagawin pa kaming importante." She winked at her sister.

Napailing-iling na lang ang Ate Ara nya sa kanya. "Basta siguraduhin mo lang na huwag kang masyadong magpakapagod ha? Masama sayo ang mapagod ng husto lalo na't dalawa yang dinadala mo."

Kaagad nyang hinaplos ang sinapupunan nya. "Oo Ate. Pangako. Hindi ko hahayaang mapagod ako ng husto. Safe ang gagawin namin huwag kang mag-alala." She smiled. Muli syang napatingin sa medyo malaking tyan nya at hinaplos iyon. Nasa 1st trimester pa lang sya kaya hindi pa gaanong malaki ang tyan nya. Naramdaman nyang niyakap sya ni Benedict mula sa likuran at hinimas-himas din ang tyan nya.

Ilang linggo matapos mag-propose ni Benedict sa kanya ay nalaman nyang nagdadalang tao sya. Nahimatay ang Papá nya nang marinig ang balitang iyon at imbes na magcelebrate sila ay sa ospital sila tumambay dahil kinailangan nyang bantayan ang Papá nya sa ospital. Lagi na lang itong nahihimatay sa sobrang saya sa tuwing makakatanggap ng magandang balita. Minsan ay natatakot na sya sa kaligtasan nito. Masyado na kasing matanda ang Papá nya at baka hindi kayanin ng puso nito ang sobrang excitement.

Matchmaker's Series #3: The Devils Kisses (Raw Version-Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon