Chapter 7

9.5K 225 9
                                    


NAPANGITI si Ava nang marinig ang pagtunog ng doorbell. Nagmadali syang tumakbo papunta sa pintuan ng condo nya at binuksan iyon. Mas lalong lumawak ang ngiti nya nang makita ang mukha ni Benedict. Medyo magulo ang buhok ng binata at animo'y hindi nakatulog buong araw. He smiled at her, making her heart drum like a drumroll. Ilang araw ng nagkakaganon ang tibok ng puso nya sa tuwing nakikita ang binata at nasasanay na sya doon. Simula ng mag-car drifting sila noong nakaraang linggo ay naging close na silang dalawa at wala ng ilangan sa isa't-isa.

"Good morning!" Bati nya dito at hinila ito papasok sa condo nya. Pagdating sa dining table ay kaagad nyang ipinakita ang mga pagkain na niluto nya.

"Charan!" Aniya na para bang fairy na nag-magic na magkaroon ng napakaraming pagkain sa mesa.

"Hotdog, egg, fried rice, fried chicken, and ham. Gusto mo bang tumaas ang cholesterol level ng katawan ko?" Tanong ni Benedict sa kanya at umupo na sa pwesto nito sa bandang dulo ng table.

"Hindi naman. At isa pa, Extra Virgin Olive Oil ang ginagamit ko kaya asahan mong masarap yan."

Bahagyang umubo si Benedict na para bang nasamid sa sarili nitong laway. Mabilis nyang inabot ang isang baso ng tubig na nakahanda na sa tabi nito para maibsan kahit paano ang pag-ubo nito.

"Okay ka lang?"

"Damn! Why do you have to say the word 'virgin' and 'masarap'?"

"Bakit? Masarap naman talaga ang mga pagkain kapag ginamitan mo ng Olive Oil ah? Mas maganda yung olive oil kapag extra virgin kaya bakit ka nagre-react?"

Napailing-iling na lang ito sa kanya at nag-umpisa ng sumandok ng kanin at kumuha ng ulam. Habang ngumunguya sya ay hindi pa rin maalis sa isip nya ang tungkol sa sinabi nya kanina. Napa-'o' shape ang bibig nya at napatango-tango sya nang ma-realize kung ano ang green version ng sinabi nya kanina.

"Masarap bang makipagtalik kapag Virgin yung babae?" Bigla nyang naitanong. Naibuga ni Benedict ang kaning nginunguya nito at inis na tumingin sa kanya.

"Damn woman! Bakit ka ba nagtatanong ng mga bagay na tungkol sa sex? We're in the middle of eating." Napamura ulit ito bago uminom ng tubig.

Lumambot ang ekspresyon nya. "Sorry. Akala ko okay lang itanong yun."

Nahalata naman ni Benedict ang bahagyang lungkot na sumilip sa mukha nya kaya nawala ang inis sa mukha nito. "Im sorry. Hindi ko sinasadyang mainis. Medyo stressed lang ako sa trabaho kaya madali akong mairita kapag kulang ako sa tulog."

Tumango sya at ngumiti. "Okay lang." Bigla syang may naalala. "Nga pala, kamusta na ang mga pamangkin natin? Nagkakalat pa rin ba sila Tori at Nessa?"

"Yup. Makalat pa rin ang kambal. Si Kuya naman, bili ng bili ng laruan para sa mga bata na para bang balak magpatayo ng swimming pool na puro laruan ang laman imbes na tubig."

Napangiti sya. Kaugali talaga ni Kuya Dom ang Papá nya. Noong bata kasi sya ay makalat din sya at bili din ng bili ang Papá nya ng laruan para sa kanya.

Nang matapos na silang kumain ay mabilis nyang iniligpit ang pinagkainan nila. Habang naghuhugas sya ay naramdaman nyang lumapit si Benedict sa kanya at tila tinitingnan ang ginagawa nya.

Pakiramdam nya ay biglang sumikip ang kusina para sa kanilang dalawa. She can feel his warm breath against her nape and his manly scent just woke up her sleeping desires. Nagsitayuan ang mga balahibo nya nang maramdamang ipinihit sya ni Benedict paharap dito.

"B-bakit? M-may kailangan ka?" Nauutal nyang tanong. Napapikit sya nang unti-unting lumapat ang labi nito sa labi nya. She felt his warm hand gently slid into her hair and pushed her head to deepen the kiss. She moaned in pure bliss when he darted his tongue inside her mouth, savoring her breakfast-flavored saliva. Before she knew it, she was already drowned by his kisses and she's returning his kisses with equal ferocity. Ganoon nya kabilis isinuko ang huwisyo sa halik nito.

Matchmaker's Series #3: The Devils Kisses (Raw Version-Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon