Chapter 7 Road Trip

216 9 1
                                    

Habang nag d-drive siya ay napatingin ako sa direksyon niya. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Yung sapatos niya nike yung brand, yung pantalon Levi's saka yung t-shirt niya ay v-neck, jockey yata yung brand. Mayaman nga talaga siya. Naka taas yung buhok niya parang ginamitan niya yata ng gel. Tapos medyo red yung buhok niya, pero hindi masyadong halata. Mahahalata mo lang pag nasinagan ng araw, parang highlights lang.

Yung mga mata niya ang cold tingnan. Tapos medyo chinito. Ay mali. Hindi pala medyo, chinito nga walang halong medyo. Pero kahit chinito siya, ang cold parin tingnan! Ang talim ng mga mata niya. Parang isang titig lang niya sayo, ililibing ka na pagkatapos. Ang cold talaga, pramis. Parang walang emosyon. Hindi mo malalaman kung masaya ba siya o malungkot. Mystery type guy kumbaga. Yung ilong niya matangos. Medyo strong din yung jaw line niya. Isa lang ang maihahantulad ko sa kanya na celebrity, si Lee Min Ho! Para talaga siyang si Lee Min Ho dun sa City Hunter. Kasi medyo badboy eh. Ang cool niya tingnan!

Isa lang ang masasabi ko sa mukha niya.. Ang gwapo pala ng nilalang na ito!

Napatitig nalang ako sa kanya habang nag d-drive siya.

"What the hell you staring at?" tanong niya sa akin. Kinausap niya ba ako? Medyo natulala yata ako sa kagwapohan niya. Ano?! Sinabi ko bang gwapo siya? Di naman eh. Di lang talaga siya pangit. Maganda naman talaga sana ako eh, kung di lang sana ako naging pangit.

"Wala." tipid na sagot ko sa kanya at nagpatuloy na siyang bumalik sa focus ng pag drive. Habang tinitingnan ko siya, biglang pumasok na tanong sa isip ko.

"San mo ba ako dadalhin?" tanong ko sa kanya.

Katahimikan.. Di niya ako sinasagot! Kinakabahan ako baka ilagay niya ako sa sako at ihuhulog sa ilog.

"Sagutin mo nga ako! San mo ba kasi ako dadalhin?!" sigaw ko sakanya.

Katahimikan parin. Wala ba talaga siyang plano na sagutin yung tanong ko? Parang wala nga.

Higit isang oras na ang lumipas. Isang oras na rin akong tanong ng tanong sa kanya, at isang oras na rin siyang hindi sumasagot sa tanong ko. Binibwisit niya talaga ako.

"Hoy. Wala ka ba talagang planong sagutin ang tanong ko?! Kanina pa kita kinakausap!" sigaw ko sa kanya.

Parang may something yata sa ears niya. Bwisit. Naka headphones pala ang loko. Nasayang lang ang aking minamahal na laway kakatanong sa kanya, di naman pala niya narinig. Hay, bwisit. bwisit. bwisit.

Haaay. Napabuntong hininga nalang ako dahil wala akong ibang magawa kundi ang maghintay, maghintay, maghintay, at maghintay habambuhay kung kailan siya hihinto sa pag d-drive.

Matulog nalang kaya ako? Tama nga. Mabuti pa kung matulog na lang ako dahil wala namang kumakausap sakin dito.

Hay, pinikit ko na yung mga mata ko ng biglang..

"Brat, we're here."

"Bwisit ka talaga. Kung kailan ako matutulog, dun ka pa nangingi-alam."

"Can you just please quit whinning?!" sigaw niya sa'kin. Di nalang ako kumibo at nag roll-eyes nalang ako sakanya.

Una na akong bumaba sa sasakyan niya at na shock ako sa nakita ko.

Nakita ko ang isang building, condominium building niya yata to? Wtf. Baka rape'in nga talaga ako ng lakakeng to! Tatawag na lang kaya ako ng pulis? Hinawakan ko yung bulsa ko at MALAS, naiwan ko yung cellphone ko sa bahay. >_____< shet.

"Get in." sabi niya sakin.

*gulp*

"A-ayoko! B-bat mo'ko dinala dito?!" sigaw ko sakanya.

"Get in or else I'm gonna break you into pieces." cold niya sabi sakin.

Napalunok naman ako sa laway ko, pang ilang lunok na 'to ah. Pinagpapawisan na talaga ako sa kaba! Pano ba 'to? Wala na akong ibang choice kundi sumunod sa mga utos niya at pumasok na ako sa building. Sumakay na kami sa elevator at ngayon, andito na kami sa harap ng pinto ng condo unit niya.

"You know what I'll do to you if you won't get in right?"

"O-oo." sabi ko sa kanya na may halong panginginig. Ito na ba talaga ang araw na hindi na ako magiging inosente? Ayoko pa!

Kaya pumasok na kaming dalawa sa room niya at sobrang nanginginig ako sa sobrang takot. Nakapikit ako habang naglakad ako papasok sa room niya. Pinagpapawisan ako kahit naka air-con yung unit niya. Eh, sino ba naman ang hindi kakabahan kapag dinala ka ng isang lalakeng hindi mo naman kilala sa isang condo unit? Baka naman ma-Vhong Navarro ako dito? Kung alam ko lang, eh di sana nagdala nalang ako ng pagkain tulad ng ginawa ni Vhong.

Dinilag ko na yung dalawa kong mata at..

What the hell?! Ito ba ang dahilan kung ba't niya ako pinapunta dito?!

Ako Ay Isang LonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon