Chapter 9 Behind that door

211 7 2
                                    

Ang nakaraan..

"Pero Ma'am! Teka lang po! Hindi po talaga kayong pwede lumabas kasi--.."

Hindi ko na pinatapos yung sinabi ng guard at binuksan ko na yung pintuan ng main door ng building at naagaw ang atensyon ko ng nakita ko ang nasa labas..

Lumaki na lang yung mga mata ko at napa nganga sa nakita ko.

O_O

Sana pala..

Sana..

Sana hindi...

SANA HINDI KO NA LANG TALAGA BINUKSAN YUNG PINTO. Pano na ngayon 'to?!

KAYA PALA HINDI NIYA AKO PINILIT.

Dahil alam na pala niya na hindi talaga ako makaka alis dito.

Saktong pagka bukas ko talaga sa pinto ay....

nabasa ako! >_< Ano na ngayon susuotin ko?!

ANG LAKAS NG ULAN SA LABAS! Sa lakas ng ulan, nabasa nga ako kahit hindi naman ako nagpaulan. Sobrang lakas kasi ng hangin eh! Parang bumabagyo na talaga sa labas! Ang lakas talaga ng hangin sa labas saka yung ulan ang laki ng patak at ang ingay bawat bagsak ng ulan.

Ang sama talaga ng taong yun! Hindi man lang niya ako sinabihan! Pinapagod lang niya ako na bumaba dito. Iniinis talaga ako ng lalaking yun ah. PUCHA TALAGA. Lagot talaga siya sakin pag nakabalik na ako dun.

Dali dali na akong bumalik sa kwarto niya. Sumakay na rin ako ng elevator at ngayon nandito na ako sa harapan ng kwarto niya na parang isang basang sisiw na walang ibang choice kundi ang manghiram ng damit sa pesteng lalaking yun. Teka nga lang, ba't ba palagi na lang akong walang choice? Bahala na nga!

Kumatok na ako sa pintuan...

*knock* *knock*

Binuksan na niya yung pintuan at..

"Why the heck are you here? I thought you wanted to go home." pang-iinis niya sakin. Tulad ng sinabi ko kanina, wala na akong ibang choice kundi ang magpakumbaba sa mga panahong ito kahit labag man sa aking kalooban.

"A-ah. hehe.. Ano kasi.. Ah.. eh.. Pwede bang pahiram ng damit? hehe.." nahihiyang sabi ko sa kanya. Pero deep inside gusto ko siyang buhusan ng mainit at kumakalam na tubig! Pinipilit ko lang talaga yung sarili ko! >_< Bwisit talaga siya!

"One condition. Clean up my room!" sigaw niya sa'kin. Leche flan talaga! Hindi niya talaga ako titigilan hangga't di ko nalilinis yung kwarto niya. Parang nag-uusok na ang ulo ko sa galit ko sa kanya. Kumukulo na talaga yung dugo ko! Grrrrrrrr!

"Hoy SUNGIT! Siguraduhin mo lang na papahiramin mo ako ng damit, kundi mapapatay talaga kita!"

Nag abot na yata yung kilay ko sa init ng dugo ka sakanya. Sino ba naman kasi ang di maiinis sa lagay ng sitwasyon ko?!

"As if you could.. You're freaking weak. Tss." pang aasar niya. Hindi ko na talaga kaya! Punong-puno na talaga yung pasensya ko! GRRRRRRRR! Mag ta-transform na talaga ako! HUMANDA TALAGA SIYA!

"ANONG AKALA MO SAKIN HA?! HOY! WAG MO NGA AKONG MALIITIN! KANINA PA TALAGA AKO NAIINIS SAYO EH! PINUNO MO NA YUNG PASENSYA KO! HINDI KO NA TALAGA KAYA! KALA MO KUNG SINO KA KUNG MAKA-ASTA! HOY! TUMIGI-.."

"SHUT. YOUR. MOUTH!"
*DEATH GLARE*

*gulp* T___________T

Shemay! Nakakatakot na siya ngayon! Para na siyang isang leon na nakawala sa kanyang kulungan. Parang mangangain na yata siya ng tao! T_T PLEASE! WAG MO'KONG KAININ! MAAWA KA! PANGAKO, LILINISIN KO NA TALAGA YUNG KWARTO MO! WAG MO LANG AKONG KAININ!

"A-ah.. S-sorry naman.. m-maglilinis lang pala? yun lang ba? a-ang d-dali lang kaya nun. *gulp* si-sige m-maglilinis na po ako.." Nanginginig pa yung boses ko sa kaba. Hindi ko na talaga alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Parang lalabas na yata yung kaluluwa ko sa sobrang kaba.

"I'll get back here later. Be sure everything will be clean after I get back or else you'll be seen by people floating in the river."

*gulp* Nakakatakot naman siya! Oo na nga! Sige na! Susunod na po ako! X____X

Hay! San ba ako dapat magsimula? Eh, ang daming kalat dito eh. Nagmumukhang isang abandonadong kwarto nga dito dahil sa kalat eh!

Siguro dito muna ako magsisimula sa kusina. Ano ba naman tong klaseng kusina na to?! Ba't ang daming plato, kutsara, tinidor, at iba pa dito na hindi nahuhugasan? Lintik naman oh. May mga sebulok pa talaga! Leche.

Parang isang dekada lang na hindi pa nahuhugasan. Sigurado ako, mahirap tong hugasan ang mga plato na 'to. >_<

*after ilang minuto*

Ang sakit na ng likod ko kakahugas tapos ang hirap pang tanggalin ng sebulok.

Dito naman ako sa sala. Dito yata sa sala ang pinakamaruming parte ng condo niya. Mga bottles ng inumin, nagkalat, mga pagkaing nasayang, kung saan-saan na napadpad, tapos may mga natapon na softdrink pa sa sahig. Ang sayang naman ng mga ito. Hindi niya ba alam na maraming namamatay na mga tao dahil sa gutom?!

Pulot dito, pulot doon. Walis dito, walis doon. Mop dito, mop doon. Hay! Kailan pa ba matatapos to?! AYOKO NA!

Dito naman ako sa kwarto niya. Ang daming nagkalat na damit dito! Eto pa naman ang pinaka ayaw ko sa lahat, ayokong maglaba! >____<

Tapos may mga bedsheet pa, mga kumot, tapos may mga mabigat na pantalon! X______X AYOKONG MAGLABA! Gusto kong mag reklamo pero... GRRRRR! -_____-

Kuskos dito, kuskos doon. Banlaw dito, banlaw doon. Sampay dito, sampay doon.

Inulit ulit ko lang yan hanggang sa matapos na lahat matapos ang isang napakahabang oras ng paglalaba. Bundok-bundok na damit yung linabhan ko. Kaya ang resulta, parang mawawalan na yata ako ng mga kuko kaka kuskos ng mga damit. Tapos ang layo pa ng sampayan niya dito. Kailangan ko pang umakyat sa taas. Parang bibigay na yata yung mga kamay at paa ko. Ang sakit na talaga ng katawan ko!

Naglinis na naman ako sa c.r, sa storage room, at sa iba pang parte ng condo niya. Ang laki laki din naman kasi ng unit niya parang kasya ang sampung tao na titira dito! -_-

Walis dito, walis doon. Arrange dito, arrange doon. Mop dito, mop doon. Linis dito, linis doon. Inu ulit ko lang ang routine na ito hanggang sa natapos na ang aking kalbaryong mga oras.

PHEW! TAPOS NA TALAGA! NATAPOS KO NA TALAGANG MAGLINIS NG HALOS LIMANG ORAS! >____< Oo. Limang oras ng paghihirap!

Para na akong naliligo sa sarili kong pawis sa sitwasyon ko ngayon. Sobrang PAGOD na talaga ako. Parang kahit anong oras, bigla na lang akong mahimatay sa pagod. Ang sakit ng kamay ko, ng paa ko, ng leeg ko, ng batok ko for short- ANG SAKIT NG KATAWAN KO. Para akong sumali sa isang fraternity nito, at parang na hazing. Grabe! Sobrang sakit na talaga, kung alam niyo lang >____< Napahiga at napa buntong hininga na lang ako sa kama niya, at napapatitig na lang sa kisame.

Ako Ay Isang LonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon