"NIGHTMARE"
PROLOGUE
Galit na sumugod si Enna sa loob ng lumang mansion.
"Ilabas niyo ang baliw na yon!" Pasigaw niyang sabi sa mga babaeng nag-uusap sa veranda. "Alam kong itinatago niyo siya!"
"Sinong baliw ang sinasabi mo? Walang baliw dito" nakakunot noong sagot ni Aling Lourdes kay Enna.
Nababahala siya sa ikinikilos ng dalaga.
"Wag niyo kong lokohin! Alam ko na ang lihim ng bahay na ito! At alam kong itinatago niyo ang baliw na yun!" Patuloy pa rin sa pagsigaw si Enna.
Di niya alintana ang takot sa mata ng mga kaharap.
"Walang baliw dito. Kung meron man, isa lang yun."
"Sino! Ilabas niyo siya sakin! Asan siya!" Sigaw niya. Matinding galit ang kanyang nararamdaman at nais niyang makita agad ang taong pumaslang sa kanyang mga mahal sa buhay.
Hindi sumagot si Aling Lourdes. Makahulugan lang itong tumingin sa kanya.
Tumingin si Enna sa ibang kasama nito, at katulad ng mabait na ginang ay nakatingan lang sila sa kanya.
Napaatras si Enna sa pagpasok ng realidad. Napatakip sa kanyang bibig. Humawak sa kanyang ulo. Napaupo sa sahig. Unti unting pumatak ang luha sa kanyang mga mata kasabay ng mabilis na tibok ng kanyang puso.
BINABASA MO ANG
NIGHTMARE [completed]
Mystery / ThrillerNagising si Enna mula sa isang malagim na panaginip. Ang kakaiba, tila ito'y nangyayari sa totoong buhay. Later on, Enna face reality to fight death and to prevent her dreams from becoming real. Magawa niya kayang baguhin ang kanyang panaginip at ma...