04. FEAR (RAW)

45 4 3
                                    

04. FEAR

TILA bomba sa pandinig ni Enna ang kanyang narinig, nakitang patay ang lalaki sa room 214. Sa kabila ng maraming pagkakatulad ng mga nangyayari sa kanyang panaginip ay pilit niya iyong binabale-wala. Pero iba ang sitwasyon ngayon. Nangyari na ang ikinakatakot niya. Hindi na siya maaaring magsawalang-bahala. This is too much for a coincidence. 

"Aira..." Napabulong siya ng maalala niya ang pinsan. Kailangan niyang hanapin sila Ethan. 

Agad siyang lumayo sa umpukan ng mga tao at tumakbo papunta sa tabing dagat. 

"Kuya!... Aira!..." Paulit-ulit niyang isinigaw ang pangalan ng dalawa pero walang tumugon sa kanyang pagtawag. 

Naisip niya ang shower room, kaya dali-dali siyang tumungo doon. 

Pagdating doon ay nakita niya sa labas si Ethan. She can tell na katatapos lang nitong magbanlaw. 

"Si Aira?" Agad niyang tanong sa kapatid. She's in total panic. 

"Nagbabanlaw, bakit?" 

"Kanina ka pa dito?" 

"Kararating ko lang, bakit ba kasi?" 

"Silipin mo... Silipin mo kung nandiyan siya." 

Nagulat si Ethan sa sinabi niya. 

"What?! Nababaliw ka na ba? At bakit ko gagawin yun." 

"Basta gawin mo na lang!" Hindi niya napigilang sigawan ang kapatid. 

Nainis naman ito sa ginawa niya. 

"Bakit hindi na lang ikaw ang gumawa!" 

Ayaw niya. Hindi niya kayang makita si Aira na gaya ng nakita niya sa kaniyang panaginip. 

"A-ayoko. Basta gawin mo na lang kasi, tsaka ko na lang ipapaliwanag." 

Nakipagtalo pa sa kanya si Ethan pero ng mapansin nito ang pagkataranta niya ay sumilip na ito sa maliit na bintana sa bandang itaas ng shower room. Ginawa nitong tuntungan ang isang malaking kahoy na nasa tabi. 

"Tignan mo yung dulong cubicle. May nakikita ka ba?" 

Hindi ito sumagot. Muli niya itong tinanong. 

"Ano? Nakita mo ba si Aira?" 

Lumingon ito sa kanya, namumutla. Kinabahan siya. 

"M-may...may dugo." 

"T-tignan mo k-kung sino." 

Muling sumilip si Ethan. 

"Anong ginagawa niyo diyan?" 

Sabay silang napalingon ni Ethan sa nagsalita. 

Nang makita ni Enna kung sino iyon ay agad niya itong niyakap. 

"Thank God, you're alive." 

Nagtaka si Aira sa ginawa niya. Bumaba naman si Ethan, namumutla pa din ito na parang natutulala. 

"May nangyari ba?" Tanong ng pinsan niya. 

Kumalas siya sa pagkakayakap. 

"Y-yung panaginip ko... Mukhang nagkakatotoo." 

"Eh ano naman kung nangyayari ang panaginip mo ate, what's wrong with that?" 

"Hindi mo naiintindihan. Hindi kasi simpleng naligaw lang kami ni kuya sa mansion. sa panaginip ko, m-may mga namatay...at isa ka dun Aira." 

"T-that's crazy." Ethan said. 

"H-hindi ako sigurado sa pagkakasunod-sunod, pero sigurado akong nangyayari nga yun." 

NIGHTMARE [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon