"Ate Enna.... Ate Enna.... Gising"
Naramdaman ni Enna ang marahang pagtapik at pag-alog ng kung sinumang tumatawag sa kanya.
"Ate Enna.... Ate Enna...."
Muling sabi ng may ari ng boses.
Napakahina niyon sa kanyang pandinig na tila ba nagmumula iyon sa malayong lugar.
"Ate Enna.... Ate Enna.... Gising"
Paulit-ulit na pagtawag sa kanya.
Habang tumatagal ay palapit ng palapit ang tinig na kanyang naririnig. Palakas din ito ng palakas.
"Ate Enna... Ate Enna...."
Dahan dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata.
May nakita siyang babae sa kanyang harapan.
Mukang doon nanggagaling ang boses na kanina pa niya naririnig.
Ngunit hindi niya maaninag ang mukha ng babae dahil nanlalabo ang kanyang paningin.
Pumikit-pikit siya upang mawala ang panlalabo ng kanyang mata.
She focused and set her eyes at the girl in front of her.
"A-Aira?" Aniya.
Confusion in her voice and face.
Kinusot niya ang kanyang mga mata upang makasiguro.
Si Aira nga ang nasa harapan niya.
Kunot na kunot ang noo nito. Nagtataka.
"Finally, you're awake! Ano ba nangyari sa'yo te. Ba't ka umiiyak habang natutulog?" Anito.
Nanlaki ang kanyang mata.
Bigla siyang napabangon at hinawakan niya ito sa magkabilang pisngi.
Nagulat naman ito sa ginawa niya.
Tumingin siya sa kanyang tabi ng hindi binibitawan si Aira.
Walang Ethan na naliligo sa sariling dugo.
Ibinalik niya ang paningin kay Aira.
"Ok ka lang ba ate?" Tanong nito sa kanya.
Hindi siya sumagot, sa halip ay yinakap niya ito ng mahigpit. Hindi niya napigilan ang sariling maluha.
It was such a relief to know that everything was nothing but a bad dream.
"May nangyari ba?" Muli nitong tanong habang nakayakap pa rin siya dito.
Umiling siya bilang tugon.
Inilayo niya si Aira sa kanyang sarili upang makita ang mukha nito.
Paano niya nga ba ipapaliwanag ang kanyang naging reaksyon.
"I... I... Just... Missed you. Yun. Tama, yun nga. Na miss kita. As in sobra." Bahagya siyang ngumiti para ipakita dito na talagang ok lang ang lahat.
May paghihinala naman itong tumingin sa kanya.
Itinaas niya ang kanyang kanang kamay para mistulan siyang sumusumpa na wala talagang problema.
"Kakakita lang natin four hours ago diba? Tapos miss mo na ko? Agad agad?" Sabi nito.
Inalis niya ang pagkakahawak sa balikat nito at sumimangot.
"Bakit? Masama ba yun?"
Umiling ito.
"Nope... But it's wierd."
Huminga siya ng malalim.
"Well anyway," sabi niya. "Asan ba si kuya?"
BINABASA MO ANG
NIGHTMARE [completed]
Mystery / ThrillerNagising si Enna mula sa isang malagim na panaginip. Ang kakaiba, tila ito'y nangyayari sa totoong buhay. Later on, Enna face reality to fight death and to prevent her dreams from becoming real. Magawa niya kayang baguhin ang kanyang panaginip at ma...