01. BAD DREAM

131 5 6
                                    

"Enna, bilisan mo na! Ikaw na lang hinihintay namin! Gagabihin na tayo sa daan niyan!"

"Andiyan na po!" Pasigaw na sagot ni Enna sa kanyang ina na nasa labas na ng bahay.

Agad niyang isiniksik sa tote bag ang mga make-up niya at agad ng sumunod sa garahe.

Maagang naggayak ang pamilya Salvacion para sa kanilang out of town trip. At kahit hindi naman talaga interesado si Enna, wala siyang choice kundi ang sumama.

"Ang OA Ma ha? 4:00am lang kaya" sabi niya sa kanyang inang si Elsa ng makasakay siya sa van.

"At bakit, anong oras naman ang late sa'yo? Correction lang, 4:30 na po"

"Whatever, Ethan." Inis niyang sabi sa nakatatandang kapatid na katabi ng kanilang ama sa may driver's seat.

Kapag naiinis siya sa kuya niya sadyang di niya ito tinatawag ng kuya.

"Whatever, Ethan" panggagaya ni Ethan sa kaniya na sinabayan pa ng pag make-face.

Tinignan niya ito ng masama mula sa rear view mirror.

Ever since bata pa sila ay hilig na talaga siyang asarin ng kuya niya. Pero kahit kelan di niya nakasanayan yun.

"Tumigil na nga kayo, baka mamaya niyan magkapikunan pa kayong dalawa. Lahat ba nandito na? Alis na tayo." Sabi ng kanilang amang si Nathaniel Salvacion.

Nang umo-o si Elsa sa tanong ng asawa ay pinaandar na nito ang makina ng sasakyan.

"Si kuya kasi nang-aasar nanaman"

"Anong ako? Sino ba ang cause of delay, ako ba? Hindi diba?"

"Papa oh!" Alam ni Enna na hindi siya mananalo sa kapatid, kaya kesa patulan niya ito ay magpapakampi na lang siya sa kanyang ama. Pero mali ata ang ginawa niya dahil mas lalo lang siyang inasar nito.

"Weh...pa-baby nanaman siya. Bente anyos ka na Enna, act your age"

"Look who's talking. Bente kwatro anyos ka na Ethan, act your age!"

"Stop it you two!" pumagitna na sa kanila si mr.Salvacion. alam niyang hindi titigil ang dalawa kung hindi siya sisingit. "Stop pestering your sister, Ethan. At ikaw naman" sabay tingin kay Enna sa rear view mirror, "Stop calling your brother, Ethan. He's older than you"

Sumimangot na lang si Enna at humalukipkip sa kina-uupuan. Pero nahagip pa rin ng kanyang mata ang sinabi ng kanyang kuya Ethan mula sa rearview mirror. Kahit walang tunog na lumbas sa labi nito ay nabasa naman niya iyon.

"PIKON"

Inis na umiwas ng tingin si Enna sa kapatid at tumingin sa labas ng bintana. Katabi niya sa upuan ang inang si Elsa. Aalis na sana ang sasakyan ng biglang patakbong dumating ang pinsan niyang si Aira. May dala-dala itong isang malaking back pack na nakasukbit sa likuran nito at isang malaking shoulder bag na nakasabit sa kanang balikat nito.

"O, anong nangyari sa'yo?" Tanong ng kanyang ama kay Aira.

Hindi sumagot si Aira, sa halip ay yumuko ito at humawak sa mga tuhod habang itinaas ang isang kamay para sumenyas ng sandali lang.

Ilang malalim na hininga ang pinakawalan ni Aira bago ito makasagot sa kanyang tito Nathaniel.

"Titho...hindi dahw....mahkakha....sama sila mamah..." Hinga ulit ng malalim.

"Kaya...hako na lahng hang...pinasama." Hinihingal na sabi ni Aira.

"Eh bakit ka naman tumakbo ineng, dadaan naman kami sa inyo diba? Pinagod mo pa sarili mo" sabi ni Mr.Salvacion.

NIGHTMARE [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon