05. FRUSTRATIONS

57 3 4
                                    

05. FRUSTRATIONS

ENNA felt helpless. Ganun din sina Ethan at Aira. Hindi nila alam kung saan sila pupunta. At mas lalong hindi nila alam ang kanilang gagawin.

"So, what now?" Tanong ni Ethan.

Hindi Alam ni Enna kung sino ang kinakausap ng kanyang kapatid. Nakayuko ito habang ang dalawang kamay ay nasa may batok. Lakad lang ito ng lakad. Paikot-ikot sa harap nilang dalawa ni Aira.

"Anong gagawin natin?" Tanong niya ulit. This time, he stopped and looked at Enna.

Nagkibit-balikat siya, "Ewan."

Bumuntong hininga si Ethan. Tumingin siya sa katabing si Aira. Tahimik lang itong nakayuko.

"Ikaw... May naiisip ka ba?" She asked her.

Umiling lang ito bilang sagot.

Enna tried to think of possible solutions.

Hindi sila pwedeng lumapit sa mga pulis. They would probably just laugh at them. Hindi din naman sila pwedeng umalis doon ng hindi nila nalalaman kung ano ba ang nangyari sa kanyang mga magulang.

Options... Options... Options... Ano ba talaga pwede nilang gawin? Hanapin ang killer? Pag nahanap nila ang killer, mahahanap din nila ang kanyang mga magulang... Siguro. Pero paano nila hahanapin yun? Babalik sila sa mansion? Naalala niya bigla yung unknown person sa room ng parents niya.

"Kuya... About dun sa... Is it a she or a he?"

Saglit na kumunot ang noo ni Ethan. Hindi nito agad naunawaan ang sinabi niya, "I think... It's a she."

"Hindi kaya, siya yung killer?" Aira.

Tumingin siya kay Ethan. Gusto niyang marinig ang opinyon ng kapatid. She always believed in his instinct.

"I don't know. Pero yan din ang hinala ko." He said.

"K-kung... Nandun siya sa kwarto... Does it mean..." Hindi niya maituloy ang kanyang sasabihin. Kahit siya ay natatakot sa ideyang wala na ang kanyang mga magulang.

"Wag naman sana..." Ethan whispered.

"Should we go back?" Aira asked.

"Sa Manila? No." Ethan.

"No. But rather sa room nila Tita." Aira.

"And why should we do that?" Enna, looking confused.

"Kung yung babae nga ang killer at nakita natin siya sa kwarto nila Tita, then there's a possibility na nasa kwarto din na yun sila Tita... Sa C.R"

Napalunok si Enna sa sinabi ni Aira. Alam niyang ayaw nitong deretsahin, pero naintindihan niya ang punto ng pinsan. There's a chance na nasa kwarto ang kanyang mga magulang during the time na dumating doon ang killer. Tumingin siya sa kanyang kapatid. Ngayon, mukhang pare-pareho na sila ng naiisip.

"We should go back." Sabay-sabay nilang nasambit.

Kaya bumalik silang tatlo sa mansion, sa kwarto ng kanyang mga magulang.

"Sandali..." Pigil niya kay Ethan nang bubuksan na nito ang pintuan. "Ingat, baka nandiyan pa siya."

Tumango ang kanyang kapatid. Maingat silang pumasok sa loob. Wala na ang babae... Wala din ang kanyang mga magulang.

~~

Feeling frustrated, lumabas na ng kwarto sila Enna. Asan ang parents niya? Are they still alive? Kung meron lang sanang makakatulong sa kanila.

Nasa labas na sila ng lobby at nakatayo lang. They don't know what to do. Habang tumatagal parang mas lalo lang lumalala ang sitwasyon.

"Baka naman umalis sila." Aira, "Ibig sabihin, they're still alive."

NIGHTMARE [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon