10 Things I Hate About You

847 13 4
                                    

10 Things I Hate About You

© All rights reserved 2012

♠♠♠

Sino ba ang nakakaalam kung kanino sila mai-inlove? Kung kailan? Kung saan?

Sino ba ang nakakasiguro na romantic at nakakakilig ang magiging love story nila?

Sino ba ang makakaisip na maaraing nasa paligid na ang nakatadhana sa kaniya?

Walang nakaalam.

Walang makakapagsabi.

Walang makakaiwas.

♠♠♠

Ako si Ira. Isang common high school student ng Marlowe International School of Science. Nothing out of the ordinary. Nakikipagtawanan, nakikipagbiruan, at may mga baliw na kaibigan.

It was known to all na isa akong dalagang Pilipina kahit pa nakikihalubilo ako sa mga kaklase ko at nakikipagasaran. Hindi naman dapat maging maharot para lang makibagay di ba? We have our ways. At ito ang paraan ko.

"Ira! Antayin mo naman ako!"

Siya si Lyka. Ang pinaka best friend ko sa buong mundo or mas tama sigurong sabihin na sa buong universe. Unlike me, popular siya sa school. She's got the beauty and the brain. Isama mo pa ang 36-24-36 niyang katawan, talagang imposibleng hindi siya makilala.

Abot-abot na lang ang paghinga niya nang maabutan niya ko. Pero syempre pa, si Lyka 'to, kahit pa pawis na pawis at hingal na hingal na sa paghabol sakin, ma-poise pa rin ang lola niyo.

"Bakit ba ang bilis mong maglakad? May karera teh?"

Diretso pa rin ako sa paglalakad at hindi siya tinitignan, "Oo. Kasi male-late na tayo!"

"Ano naman? Wala namang klase ngayon eh."

"Panong wala? May quiz kaya tayo ngayon sa Physics."

Tinapik-tapik niya 'yung likod ko kaya naman napatingin ako sa kaniya. Nailing pa siya nang sabihin, "Hindi ka talaga nakikinig. Puro kasi aral 'yang inaatupag mo. May meeting ang teachers 'til noon."

Napanganga ako. As in bumagsak talaga. Eh bakit pa ako nag-aral kagabi?. Nakakainis lang. Pinagpuyatan ko pa naman tapos ganito. Tssss!

"I feel your pain." Sabi ni Lyka habang hindi pa rin natigil sa pagtapik sa likuran ko.

"And I'm starting to feel pain. Nalakas na ata 'yang pagpalo mo sa likod ko, Lyks."

Bigla niyang tinanggal 'yung kamay niya, "Ayyy! Sorry." Nag-peace sign pa siya. Tsk. Tong babaeng to talaga.

Malapit na kami sa entrance ng school nang mapansin namin na may lalaking nakasandal sa may pader katabi ng gate. Hindi siya pamilyar sakin pero suot niya 'yung uniform namin so siguradong dito siya napasok.

Sa dami ng napasok sa M.I.S.S malamang di mo talaga siya mamukaan! Sabi ng mahaderang parte ng utak ko.

Biglang kumunot ang noo ko. Oo nga naman. Sa dami ng estudyante dito malamang talaga di ko siya makilala. Pero kahit konting hint kasi ng familiarity wala eh. Alam nyo yung kahit sobrang dami ng students sa school mo, alam mo pa rin kung school mate mo siya or hindi?

Nang malapit na kami sa kaniya, nag-angat siya ng ulo. And shet lang. Shet lang talaga! Sana hindi na niya inangat 'yung ulo niya. Hahaha de joke. Gwapo siya. Pero mukang basag-ulo so crossed-out na agad siya sakin. Hindi naman sa madami akong crush or what, kung baga, crossed-out lang siya sa mga posible kong magustuhan.

"Ang weird naman nung lalaking 'yun. Sayang gwapo pa naman." Komento ni Lyka.

Tumango lang ako. Enough said. Tama naman si Lyka eh. Weird siya. Pwede naman siyang pumasok na ng school pero nakatambay lang siyang mag-isa dun. Pero siguro may inaantay lang? IDK. Pwede rin naman di ba?

10 Things I Hate About You (T)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon