#8.2 I hate it when you lie

135 5 10
                                    

10 Things I Hate About You

© All rights reserved 2012

#8.2 I hate it when you lie

♠♠♠

Umiling ako, "Ma, ano na namang joke yan? Tama na nga kayo sa pagmamatch make niyo samin ni John. May girlfriend na yung tao."

Pagkasabing pagkasabi ko nun, parang may kung anong tumusok sa dibdib ko dahil bigla na lang sumakit. Ang sakit sakit talaga to the point na napahawak na ko sa dibdib ko at parang gusto ko ng dukutin kung ano man ang nasa loob at nagpapasakit dun.

Niyakap ako bigla ni mommy at hinimas ang buhok ko. Hindi ko namalayan na namamasa na ang mga pisngi ko dahil sa napaluha na pala ako, "Hindi ko ineexpect na ganito ang magiging unang experience mo Ira. Bata ka pa and you should've enjoyed the feeling. Pakiramdam ko tuloy naging masyadong maluwag kami sa iyo."

Ano bang sinasabi ni mommy? Anong experience? Anong i-enjoy? Wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya. Wala akong magets ni isa. Sinabi niya na may gusto ako kay John. Paano naman niya nasabi yun? Eh kung ako nga hindi ko alam. Paano pa siya?

"Ira, anak, hindi si John ang huling lalaki sa mundo okay? Kung may girlfriend man siya ngayon, hindi ibig sabihin na lahat ng lalaki na magugustuhan mo matutulad ngayon. Siguro pinakitaan ka ni John ng mga magagandang bagay kaya nahulog ang loob mo sa kaniya, pero tandaang mong hindi lahat ng gagawa sayo nun, iiwan ka at magkakaroon ng ibang nobya." mahabang sabi ni mommy.

Kumalas ako sa yakap niya at pinahid ang mga luha ko, "Ano bang sinasabi mo mommy? Wala akong gusto kay John okay?" natatawang sabi ko. Pero alam ko naman na deep inside, sobrang pilit lang nung tawa na ginawa ko.

"Sakin ka pa ba magsisinungaling? You know you could always tell me. At kung hindi mo pa alam, siguro time na para marealize mo yang nararamdaman mo. Ayaw kitang masaktan Ira pero ayoko rin naman na itago mo lang yan dahil lang sa alam mong walang patutunguhan. Hindi ko sinasabing magtapat ka sa kaniya, ang gusto ko lang, maging totoo ka sa sarili mo."

Ano bang gustong iparealize ni mommy sakin? Na may gusto ako kay John? Eh wala nga eh. Wala talaga. Bakit ba ipinagpipilitan niya pa yung ideyang yun sa utak ko gayong ni wala naman sa bokabularyo ko ang salitang "magkagusto"?

"Mommy pwede ba? Wala akong gusto kay John o kahit na kanino pa man. Ayaw niyo ba ng ganito? Wala paring nakakakuha sa puso ng napakagandang anak niyo?" pabirong sabi ko.

Natatawang napailing na lang si mommy, "Sinasabi ko sayo. Meron na."

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni mommy at nagpalaam na lang na magtutungo na ko sa kwarto para makapagpahinga na. Pero nang nasa kwarto na ko, isang bagay lang ang tumatakbo sa isip ko.

Totoo bang nagkakagusto na ko kay John? Pero ni wala nga siyang ginagawa para magustuhan ko. Tapos lagi pa akong asar sa kaniya kaya paano?

Kesa pahirapan ang sarili ko, dinaan ko nalang sa tulog ang lahat.

"Ano ba naman yan Irish? Paskong pasko eh kala mong byernes santo yang mukha mo." Puna ni mommy nang makita niya kong pababa ng hagdan.

"Wala to my. Di lang ako masyado nakatulog."

Totoo naman yun kasi di talaga ako naktulog ng ayos. Paulit-ulit na nabalik sa isip ko yung mga sinabi sakin ni mommy. At ngayon, medyo nalilinawan na ko. Sa tingib ko alam ko na kung ano ang nangyayari sakin.

"Dumaan si John kanina. Ang sabi ko tulog ka pa kaya babalik ba lang daw siya."

"Anog oras daw my?" Agad kong nasabi bago ko pa mapigilan.

Hindi man ipahalata alam kong napangiti si mommy sa naging reaction ko kasi halata sa tono ng boses niya, "Wala siyang sinabi eh. Basta babalik daw siya"

"Ahhh okay po. Sige my akyat muna ako."

Tumalikod agad ako para bumalik sa kwarto ko para maligo at magayos.

3pm na pero hindi pa rin nabalik si John. Pero sabi niya babalik siya.

"Anong oras ka ba pupunta ha Juan? Kaninang kanina pa ko naghihintay." Wala sa sariling nasabi ko.

"Bakit mo naman ako hinihintay?"

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses just to find John smirking, staring at me.

Inalis ko yung tingin ko sa kaniya dagil natatakot akong makita niya ang pamumula ng mga pisngi ko.

"Assuming. Di kita hinihintay mo."

"Eh sino pala yung Juan na hinihintay mo?"

"Wala akong hinihintay. Bakit andito ka?"

"Naramdaman ko kasin gusto mo kong makita kaya pinuntahan kita."

Naramdaman kong katabi ko na siya nag mga panahong yon. Simula nag sabihin ni mommy yon, ngayon lang uli ako naging ganito kalapit sa kaniya ang I hate how I'm feeling nervous with our proximity.

"Ewan ko sayo. Bakit ka nga andito?"

"Masama ka na bang puntahan dito ngayon?"

Oo dahil may girlfriend ka na kat baka pagselosan niya pa ko,. Isip-isip ko.

"Hindi. Pero sigurado akong may dahilan." Sabi ko nang hindi parin natingin sa kaniya.

Sa paggalaw niya, alam kong pinatong niya yung mga kamay niya sa ulo niya.

"Meron nga."

Oh my God. Sasabihin na ba niya na may girlfriend siya at lalayuan na niya ko?

"Oh, ano nga yun?"

"Namiss kita."

Napatingin ako sa kaniya at nun ko lang nalaman na nakatingin din pala siya sakin.

"I missed you, Irish"

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Namiss niya ko? Eh ni hindi niya ako nagawang pansinin kagabi tapos namiss niya ko? Ano to? **guhan?

Tumayo na ko at hindi na siya hinintay na makagawa ng paraan para pigilan ako. Ano ba ang gusto niyang mangyari? Bakit ba mas pinapagulo pa niya yung nararamdaman ko. Okay tanggap ko na nga na gusto ko siya. Pero wag naman niya ko gawing tanga para paasahin sa mga salita niya na hindi malinaw kung ano ang ibig sabihin.

Siya ang kauna-unahang lalaki na nagustuhan ko ang I won't settle being just his other girl. Hindi ako magpapakababa para lang magustuhan niya ko.

"Irish! Teka ano bang problema?"

Sa sobrang lalim siguro ng iniisip ko, hindi ko na namalayan na naabutan na niya ko.

"Walang problema John. Wala. Gusto kong matulog uli. Sige na."

"Matulog? Eh 12noon ka na nga nagising. Ano ba talagang nangyayari sayo?"

"Wala nga. Saka bakit ba mas marunong ka pa? Eh sa inaantok ako."

Sa sobrang inis ko, nilayasan ko na lang siya at nagdirediretso sa kwarto.

"Bakit ba kasi ikaw pa John? Bakit ba kasi ngayon pa? Bakit ngayon lang?"

Bakit nga ba kasi ngayon ko pa narealize kung kailan hindi na pwede. Kung kailan wala na kong takas sa sakit? Kung kailan kahit na ano pa ang gawin ko, hindi na posible ang salitanh 'kami'.

He's taken. The very first guy who has captured my heart is taken. And it hurts so much to know that I can't do anything about it. I couldn't erase how I feel for him. Hindi rin mapapalitan. Ang sakit malaman na ang katotohan, hanggang dito na lang.

Hanggang dito na lang

10 Things I Hate About You (T)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon