#5 I hate how you can read my mind

157 7 2
                                    

10 Things I Hate About You

© All Rights Reserved 2012

#5 I hate how you can read my mind

♠♠♠

Maaga pa pero gising na ako. I know it’s a Saturday pero parang feel ko lang simulan ng maaga ang araw ko ngayon. You know, for a change. Matapos ko maghilamos at magmumog, syempre diretso kusina agad ako. Kailangan ng kumain ng mga alaga ko.

“Goodmorning ma!”

Si mama ang naabutan ko sa kusina na naghahanda ng breakfast. Siya lagi ang unang nagigising sa aming apat nila papa at Jordan. Wala naman kasi kaming alam sa pagluluto eh, kaya pag tapos na si mama magluto, saka lang niya kami gigisingin.

“Ang aga natin ngayon ha? May date ba?” nakangising sabi ni mama.

Oo. Payag ang parents ko na magkaron ako ng boyfriend. Ang kaso lang ako naman ang walang interes sa mga ganung bagay.

“Ma! Sino naman ang makikipagdate ng alas siyete ng umaga?” natatawang sabi ko. “At wala akong date ngayon. Wala ngang boyfriend eh.”

Pinatay na niya yung kalan at kumuha na ng mga plato at kung ano-ano pa. Habang hinahain niya na yung almusal namin sabi niya, “Eh hindi naman kailangan ng boyfriend para makipag-date. Malay ba namin kung may nanliligaw na sayo.”

Eh wala ngang nagkakainteres sakin eh. Gusto kong sabihin. “Wala ma. At kung meron man, edi sana pinakilala ko na sa inyo.”

Tumigil siya sa pag-aayos at tinignan ako. Ewan ko kung ano ang gusto niyang ipahiwatig dun sa ngiti niya at nang sabihin niya na, “Sana nga ipakilala mo na siya sa amin.”

Sino naman ang ipapakilala ko? For all I know, wala pang lalaking nagca-capture ng interes ko. Wala pa akong nararamdaman na kakaiba at hindi ko pa nararanasan ang heartracing moments na sinasabi nila kapag may nagugustuhan ka.

Hindi pa nga ba?

Hindi pa. Hindi pa talaga. Wala pa akong nararamdaman na ganun. Kaya wala pa talaga akong dapat ipakilala. Kung meron man, sila ang pinaka-unang makakaalam. Or mas malamang, si Lyka.

“Wag kang mag-alala ma. Pag meron na, dito ko agad siya dadalin.” Nakangising sabi ko.

I love how I can make this kind of conversation with my mom. Syempre, hindi naman kasi lahat open sa pagkakaron ng relationship ng anak nila at such a young age. I’m just 15, well turning 16 in a few months, pero still, hindi lahat katulad ng mga magulang ko.

Sabi kasi nila, mas lalong pigilan, mas lalong gagawin. Kaya nga hindi sila istrikto samin ng kapatid ko basta alam lang namin ang limit namin.

After magbreakfast, gaya ng lagi kong ginagawa tuwing Saturday, nilakad ko muna si Pochie sa village namin, siya yung alaga kong golden retriever. Usually, bandang hapon ko ginagawa to pero dahil maaga ako ngayon, at wala pa naman akong gagawin, napagdesisyunan ko na agahan na rin ang paglalakad namin.

At dahil malaki si Pochie, kailangan talaga todo hawak ako sa kaniya. Kapag kasi nakakakita ng aso, kahit pa anong aso, mapalalaki or babae lalapitan niya talaga. Ayoko ng maulit pa yung nangyari dati na halos makaladkad na ko sa pagsunod sa kaniya.

Arf! Arf!

Uh-oh. Hindi pa man din kami nakakalayo meron na agad asong naamoy tong Pochie na to. Pero mabuti na lang at hindi siya nagtutumakbo kung nasan man yung asong yun. Wala pa ko sa mood maghabol sa kaniya. Or mas tama ata sabihin na magpakaladkad.

Arf! Arf! Arf! Arf!

So yun pala ang nakita niya. Isang golden retriever din na nakatali sa may poste sa kanto. Nasan naman kaya ang amo nitong asong to at iniwan lang siya? Tsk. Napakasama. Sa labas pa talaga itinali.

10 Things I Hate About You (T)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon