#6 I hate it when you make me laugh

128 7 13
                                    

10 Things I Hate About You

© All Rights Reserved 2012

#6 I hate it when you make me laugh

♠♠♠

Para akong ewan na nakatingin lang sa papalayong pigura ni John. Alam ko naman kasi na hindi yun yung sinabi niya pero bakit ba ganun ang mga tao? Sasabihin lang naman nila ulit kung ano yung hindi narinig pero iniiba pa nila. At ang mas nakakainis dun, alam mong namimilosopo pa yung mga sagot nila!

Padabog na sumunod ako sa kaniya at nang magkaagapay na kami sa paglalakad, lumingon siya sakin, "Ano nga yung iniisip mo?"

Aish! Makilit lang ba talaga tong taong to o nananadya lang kasi nakikita niyang naiinis na ko?

"Wala nga yon. It's none of your business."

"Ang sungit mo. Nagtatanong lang eh."

"Eh sabi na ngang wala tanong ka pa."

Hindi siya sumagot nang sabihin ko yon. And all through out our walk, ni hindi na rin siya nagsalita. Medyo dinapuan ako ng guilt. Bakit ba kasi nagtataray ako? Eh nagtatanong nga lang ung tao di ba? Tsk.

Isang block na lang ang lalakarin namin pero hindi parin siya nagsasalita. Ano bang sasabihin ko sa lalaking to? Eh siya naman kasi yung makulit eh. Paano ko naman sasabihin yung iniisip ko di ba? Paano ko sasabihin na siya ang iniisip ko?

"Hey." nahihiyang sabi ko. Nagi-guilty talaga ako eh. Kaya eto na, here goes nothing.

Nanlumo ako nang hindi siya sumagot. Galit ba talaga siya sakin? Eh siya naman ang nagsimula di ba? Alam ko naman na dapat hindi ako nagtaray pero kasi.. nakakainis eh!

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad ng tahimik habang tahimik din na naglalakad ang mga aso namin. Para lang silang nakikiayon sa aming dalawa ni John.

Nang nasa tapat na kami ng bahay namin, tumigil siya sa paglalakad. Magsasalita na ba siya? Kakausapin na ba niya ko?

Tinignan ko siya just to find him looking down on me. Hindi ko maintindihan kung ano ang gustong sabihin ng mga mata niya. Kasi yung tingin niya parang may gustong sabihin sakin na hindi niya magawang i-voice out.

"Uhm.. John?" lakas loob na sabi ko.

Parang noon niya lang narealize na nakatitig pala siya sakin. Bigla siyang naglihis ng tingin, "Hmm?"

"Thank you."

Napatingin siya sakin. Hindi ba bagay sakin ang mag thank you kaya ganoon na lang ang reaction niya? Tssss.

"Para saan?"

Ah. Saan nga ba? Aish! Ano ba naman to. Pag nagthank you ba kailangan may dahilan pa?

"Ano.. Sa pagsabay sakin sa paglalakad kina Pochie at Posh."

"Posh?"

Bigla akong pinamulahan ng mukha. Ako nga lang pala ang nagbigay ng nickname sa aso niya. "Ahhh. I mean, si Pochie... Sorry, nalilito kasi ako kaya tinawag ko siyang Posh." nahihiyang sabi ko.

Medyo tumawa siya ng unti, "I see. Anyways, had fun walking around with you.... and your dog."

Tumalikod na ito at nakakailang hakbang pa lang nang lingunin uli ako, "Next time ulit."

Nang sabihin niya yon, nagtuloy na siya sa paglakad at ako naman naiwang nakatameme sa harap ng gate namin. Totoo ba yung narinig ko? Gusto niyang maulit to?

"Ate pumasok ka na daw sabi ni Mommy."

Ang boses na yon ng kapatid ko ang nagpabalik sakin sa real world. Si John, gusto akong makasama ulit sa paglalakad. Lihim akong napangiti.

10 Things I Hate About You (T)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon