#3 I hate it when you call my name

143 6 2
                                    

10 Things I Hate About You

© All Rights Reserved 2012

#3 I hate it when you call my name

♠♠♠

“Irish!”

Napatigil ako sa paglalakad. Two weeks na. Two weeks na akong ganito. Simula nung malaman ni John na Irish ang totoong pangalan ko, yun na talaga ang tinawag niya sa kin. At two weeks na rin akong parang timang na hindi pa rin masanay sa kaniya.

Huminga muna ako ng malalim bago ko siya hinarap, “What now?”

Hindi niya pinansin ang pagtataray ko, as usual. “You dropped this.” Inangat niya yung penguin na keychain ko. Nang icheck ko yung bag ko, wala nga dun.

Kinuha ko sa kaniya yung keychain ko bago ako tumalikod, “Thanks.” Sabay lakad palayo sa kaniya. Pero di pa man din ako nakakalayo ng ilang metro, nakita ko na si John sa may entrance ng school namin. How did he manage to do that?

“Ira!”

Wala na ba talagang privacy ang pangalan ko? Wala pa kong thirty minutes dito sa school, siguro halos lahat ng kakilala ko pinagsisigawan ang pangalan ko.

“Hi Lyks!” nakangiting bati ko sa kaniya.

“Naks. Mukhang okay ang mood natin ngayon Pres ha.” Komento niya matapos umupo sa silya katabi ng sakin.

“One of the good days. I think?”

“Ohhhh.” She cooed, “I thought wala ng good sa bawat days mo. Almost two months na kasi lagi kang wala sa mood.”

Yeah. I figured as much. Isa lang naman kasi ang dahilan kung bakit eh, si John. Walang effort pero nasisira niya talaga ang araw ko.

Nagkibit na lang ako, “It’s nice to take a break.”

Hindi na nagsalita si Lyks pagkasabi ko nun kaya tinignan ko siya. Nakangisi na naman siya at sigurado ako na meron na naman siyang naiisip na hindi maganda.

“What?” kunot-noong tanong ko.

“Wala. Masama na bang ngumiti ngayon?”

“Lyks ngisi yun, hindi ngiti.”

“Same thing.”

I deadpanned, “It’s not.”

“Fine!” tapos bigla niyang binago yung topic na super duper tagal pa naman mangyayari, “Excited na ko sa prom!”

See? Prom! Prom sa August? Iniisip na agad niya ang prom sa mga panahong to? “Halata ngang excited ka eh. It’s not til six months from now. Meaning half a year pa.”

Sinimangutan niya ako at nag-pout, “Eh ano naman kung six months pa? at least prepared ako pag dating ng prom!”

Gusto ko ng matawa sa inaakto ng best friend ko. Six months pa. Six months! Beauty pageant lang ang prom teh? Baka nga mas matagal pa ang preparation niya kesa dun eh.

“Wag mo kong tawanan!”

Nagulat ako sa sinabi niya dahil hindi naman ako natawa. Though balak ko naman talaga, nagulat pa rin ako na alam niya.

“Kilala kita Aleina!” nagbabantang sabi niya.

Pero imbis na matakot or kabahan, lalo akong natawa, “Sorry. Ikaw kasi eh. Bb. Pilipinas ba yan at ngayon pa lang pinaghahandaan mo na?”

“Ewan ko sayo!”

Tumayo na siya at bumalik sa pwesto niya. Sakto naman na dumating na rin yung teacher namin.

10 Things I Hate About You (T)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon