#8 I hate it when you lie

149 7 2
                                    

10 Things I Hate About You

© All rights reserved 2012

#8 I hate it when you lie

♠♠♠

"Hoy Juan! Baka malimutan mo may lakad tayo next week! Sinasabi ko sayo. Pag ikaw biglang umeskapo ha!" paalala ko kay John.

Hindi naman sa galit ako. Ganiyan lang talaga kaming mag-usap na dalawa. Since siya naman di parin ako tinitigilan sa pagsusungit niya. Kaya ang ginagawa ko, dinadaan ko sa dahas. LOL charot lang!

"Oho Kamahalan. Akala mo naman eh iindianin kita. Wala ka bang tiwala sakin?"

"Wala. Kaya siguruhin mong bakante ka!"

Pagkasabi ko nun tinalikuran ko na siya at nagdiretso na papunta sa bahay. Kauuwi lang kasi namin galing school at sobrang hectic na dahil malapit na ang Christmas break. Oh di ba ang bilis? Christmas na kaagad.

December 16, 2010

Do I need to say kung anong meron? Syempre start na ng simbang gabi at ito rin yung tinutukoy kong lakad namin ni John. Medyo nagkabangayan kami kaya kami napunta kami sa usapan ng simbang gabi. Malayo nga sa topic namin yun eh kaso bigla na lang sumulpot.

"Eh ano ba kasing problema dun? Parang magpeperform ka lang naman John eh. Kakanta, sasayaw. Bakit ba ayaw mo?" naiinis na sabi ko sa kaniya. Kasi ba naman, ilang araw ko na siyang pinipilit na sumama sa performance namin para sa 2011 Welcome Party namin pero ayaw niya parin. Ang arte lang!

Umupo siya sa duyan sa may backyard namin saka ako tinignan, "Wala akong talent Irish okay? Ano ba ang gusto mong gawin ko dun? Magwala?"

Umupo ako sa tabi niya sa duyan. Hindi kasi yung duyan na nakikita sa park to. Kahoy siya at ginawa para sa dalawa hanggang tatlong tao. Kaya nga tumabi ako sa kaniya eh, "Hindi mo naman kailangan kumanta eh, mag lip sync ka. Kunwari nakanta ka talaga. Sige na naman John oh."

"A-YO-KO. Irish naman. Ano ba ang mahirap intindihin sa ayoko? Mapapahiya lang ako kapag kumanta ako saka sumayaw." 

Naiinis na nag-pout ako. Ano ba ang kailangan kong gawin para pumayag tong lalaking to? Kulang pa kasi kami ng isa sa group eh. Kaya no choice ako kundi pilitin siya. Kumpleto na kasi yung ibang group eh. At ang nakakabanas pa, may 5 groups kami which should consist of 6 members each. Eh 30 lang kami sa class. Aish! Nakakairita talaga. Tapos ang maiiwan pa para suyuin mo eh isang napakaarteng nilalang tulad ni John Paulino. Kuuuu! Buhay talaga oh!

"Alam ko na!" bigla kong nasabi.

"Mabuti naman at alam mo na hindi mo talaga ako mapapapayag!"

"Abno! Alam ko na kung paano kita mapapasama." Nakangising sabi ko.

"Paano aber?"

"Simbang gabi."

"Simbang gabi?"

"Oo. Kapag nakumpleto mo. Hindi na kita pipilitin. Pero kapag hindi. Sasama ka samin." Hindi naman sa kampante akong hindi niya makukumpleto. Pero wala na kong ibang choice eh. Kailangan ko ng sumugal!

Bigla siyang natawa. "Yun lang ba? Sus. Sisiw!"

Kinabahan ako nang sabihin niya yun. Mali ba ang desisyon ko?

At ayun nga. Kaya heto kami ngayon ni Juan sa simbahan para sa unang araw ng simbang gabi. Syempre ang pinili ko yung morning mass kasi kung gabi, malamang madali siyang makapunta. Kaya ang pinili ko yung mahirap ang gisingan.

10 Things I Hate About You (T)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon