#1 I hate it when you stare

253 9 16
                                    

10 Things I Hate About You

© All rights reserved 2012

#1 I hate it when you stare

♠♠♠

Ang aga aga sira na agad ang araw ko. Sino ba naman ang hindi mabubwisit? Unang subject mo, katabi mo ang tuod na si John. Nakaslouch, nakapangalumbaba. Nakakaimbyerna! Kung ayaw niyang pumasok, edi wag. Hindi 'yung pinapahalata niya pa talagang wala siyang interes sa klase!

"Grumpy much?"

Kunot noo kong tinignan si Lyka. Obvious naman di ba? Tsss. Hindi ko alam kung matalino ba talaga tong bestfriend ko eh. Lagi na lang kasing tinatanong ang obvious. Kailangan ko pa bang i-elaborate na, "Oo Lyks, badtrip ako."?

"Sino na naman yan? Si Aro na naman?"

I rolled my eyes bago ako tumango. Lagi naman siya eh. Lagi na lang si Aro -- si AROgante. Kung pwede lang talaga akong magpalipat ng pwesto ginawa ko na. Bakit ba kasi nauso pa ang alphabetical na seating arrangement? "As usual. Sino pa ba? Siya lang naman ang nasira ng araw ko."

Bigla na lang nagsmirk ang magaling kong bestfriend. Ano na naman kaya ang iniisip nito?

"Alam mo Ira, wag mo kasi masyadong pansinin yang si Aro. Iniinis mo lang ang sarili mo."

"Hindi ko siya pinapansin. Hindi nga kami nag-uusap eh. Talaga lang nakakairita siya!" Naku! Kung di lang talaga ako officer ng student council, malamang nakipagtalo na talaga ako sa John Paulino na 'yon. Nakakapang-init talaga ng ulo!

Isang napakalutong na halakhak ang pinakawalan ni Lyka pagkasabi ko nun.

May nakakatawa ba? Tssss.

Tinaasan ko siya ng isang kilay, "Ano na naman ang tinatawa mo jan?"

Pinilit niyang pigilin ang tawa niya bago siya magsalita, "Wala. Wala. May naisip lang ako."

Lalo namang tumaas ang kilay ko. Tuwing may naiisip kasi siya na ikinatawa niya, siguradong hindi 'yon maganda. Napailing na lang ako. Sigurado naman akong hindi niya sasabihin sakin. Ganyan kaming magbest friend. Puro sikreto. XD

"Everyone. Pumila na kayo sa labas ng classroom. By twos ang pila. First row, mauna na kayo." narinig kong sabi ni Mr. Lorenzo - ang Physics teacher namin.

Nagsimula ng tumayo 'yung mga nasa 1st row at pumila sa labas. Since 10 students per row, ibig sabihin, may 5 pairs bawat linya. Bigla akong kinilabutan nang may marealize ako. Napabuga na lang ako ng hangin. Malas ba ako? O malas talaga ako?

I really hate alphabetical arrangements. Lalo na kung ang katabi mo ay isang jerk na katulad ni John. Hindi pa ba sapat na magkatabi kami ng walong oras sa loob ng isang araw? Pati ba naman sa lab magkapartner pa rin kami? Grabe naman talaga oo!

"Ms. Patricio. Get in line."

Lumingon ako sa paligid at bigla akong napatayo nang mapansin ko na ako na lang pala ang hinihintay ng row namin para makapila sa labas. At ang damuhong si John, patay malisya pa! Nakatingin lang siya sakin. Ni hindi di ako tinapik or sinabihan man lang! Grrrr! Nakakairita!

Nasa lab na kami pero nakasambakol pa rin ako. Sa lahat na lang kasi ng bagay, ang Juan na to ang kapartner ko. Mula sa filipino, sa english, sa PE, at eto ngayon pati sa physics. Kung yung ibang classmates namin nagkukumahog na maging kapartner siya, pwes ako hindi! Kung pwede lang talaga, more than willing pa akong makipagpalit sa kanila.

"Ms. Patricio. Are you with us?"

For the second time in a span of less than 30 minutes, ako na naman ang napagbalingan. Napabuntong hininga ako. Simula talaga ng pumasok sa school naming tong lalaking to, wala ng nangyari sakin kundi kamalasan.

10 Things I Hate About You (T)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon