5

15 2 0
                                    

"Lesth!, Lesthea!Cecelesthea wohooo!"pangungulit naman ni Georgina."Huyyyy painumin mo nga ng Gloxi yun baka sakaling tumalab pa."

"Girl si Short Prince m---!"tili nya, at buti nalang ay mabilis kong natakpan ang bibig nya.

napalingon naman si Zach dito, Pero Ni hindi man lang nagbigay pansin.

"Mukhang LQ kayo ah anyare?"

"Hindi ko alam."Diretsong tugon ko, Maraming tanong sakin, bat nya kami iniwasan?Naniwala ba sya sa principal namin?

"Lika na nga Lesth, start na Classes natin.."hinila naman ako ni Georgina patungong Classroom.

"Hi Zacharias!" tili naman ni Georgina.

"Hi."maikling tugon nya,tinignan nya lang ako ng saglit at muli ng tumutok sa hawak nyang libro.

Umupo nalang ako agad sa aking upuan, at hindi nalang sya muna kinausap, Agad namang dumating ang unang prof namin, at ginawa ang nakagawaing pagkain sa umaga, pero napansin kong hindi man lang kumilos si Zach at patuloy parin sa pagbabasa.

"Class? Our teambuilding will be next week, This is only on our Section, Girls Vs Boys."

Kinalabit naman ako ni Georgina," Lesth baka hindi kita payagan sa ganyan."

"Im okay."nakangiting sagot ko.
nakita ko naman ang pasimpleng tingin ni Zach dito, pero agad nya naman tong iniwas nang masaktuhan ko sya at muling tumutok sa ginagawa nya.

" Listen, the leaders from the boys will be Mr. Zacharias then for the girls will be Ms.Fortemela." nagulat man ako pero hindi ko na ito binigyang pansin pa.

Dumating ang P.E class namin
dumeretso naman muna ang lahat sa kanya kanyang locker para makapagpalit.

Nagvolleyball muna kami, at ang mga gantong gawain ay napakalaking puntos ang naiaambag sa grado mo, kaya kailangan mo talagang pagpursigihan, unang lumaban muna ang mga lalake.

"Ang pogi kaso maliit."nagulat naman ako sa nagsabi non,
"Yun lang hayaan muna atleast, May itsura naman eh."

Hindi ko nalang ito pinansin, Opinyon nila yun.

Tinawag na ang kanilang mga pangalan upang magsimula.

Naghanda naman ang dalawang grupo at nagsipakitang gilas ang bawat-Isa, pumwesto naman sa likod si Zach para sa pagtira ng bola.

"oohhh, ang liit nya pano yan."

"bro, pwepwesto ba yan dyan kung walang ibubuga."

"sabagay nga naman."
lalaki naman ngayon.

"Wooooooooo!!!!"sigaw ng mga babae, dahil sa galing nito sa pagspispike ng bola,napahanga rin ako dun at sunod sunod namang maganda ang atake at pagblock ng grupo nila, pansin kong Si Zach talaga ang tagabuhat sakanila, Dahil ang mga kasama nya ay mga Varsity namin, nasa Basketball lang talaga ang mga galing nito,
at sa dulo sila rin ang nakakuha ng mataas na puntos.

"Next will be the girls, be ready."

"Lesth?wag mong pipilitin ang sarili mo ah."sabi ni Georgina bago ako tumungo sa aming pangkat, sa kasamaang palad hindi ko kagrupo ito.

unang tumira ang kalaban namin, agad naman itong nasalo ng aming kakampe ngunit sablay mabilis ko naman itong na dig at pinagpala naman ako dahil maayos ang pagsalo ko rito, nablock naman agad to ng kalaban at mabilis na napunta agad saamin, paulit ulit na ganto ang nangyare, aaminin kong magaling ako sa pagdidig ng bola, kaya ako ang gumagawa noon, at ng dahik din dito ay grabe ang hingal at pagod ko. nanalo naman kami, pero may bakas paring lungkot sa mukha ni Georgina, 20 Points kasi ang pinaka total, ang matatalo ay makakakuha ng 15 points ang mananalo ay magkakamit ng 19 points, magandang nakakinse kayo, pero sayang nga naman yung disinmwebe, kung ako rin naman ay manghihinayang din ako dahil sa lapit nito sa perfect points.

bigla namang nanginig ang tuhod ko,nanlambot na naman mabuti nalang at mabilis naman akong nadaluhan ni Georgina, Napatingin naman si Zach pero mabilis naman syang lumingon sa iba at lumisan.

Pinaupo muna ako ni Georgina.

"Sa susunod wag kang magpapagod na babae ka, pag talaga minulto ako ng magulang mo."

"Pakimasahe nalang."

"sige lang."pagsasang-ayon nya.

ngayon ay ang huling asignatura namin, hanggang ngayon ay todo iwas parin sya, siguro kakausapin ko nalang ayoko namang may kaaway pa.

"Oh Ms.Fortemela?mukhang may nagising na."kumuyom ang dalawang kamay ko, Oo nga, mukhang naniwala na.

lumingon naman ako kay Zach, Kitang kita ko ang pag-igting ng bagang nya, pero mukhang nagagalit sya dahil binabalik ng principal ang topic ng tungkol sa ginawang paninira sakin nito, na pinaniwalaan nya.

nagtakip ako ng libro sa aking mata at nagsimulang tumingin na sa bintana at pinagmasdan nalang ang malalayang maya na lumilipad, at tumitig muna sa puno dahil sa berdeng taglay na kulay nito na nagpapagaan ng pakiramdam.

"Oh, Mr. Zacharias, see you tomorrow, I love the day today."hindi ko man lang namalayan na tapos na ang klase, nakatitig lang naman ako sa labas, babasahin ko nalang sa bahay ang mga hindi ko napakinggan,swerte talaga kapag sa likod ka nakapwesto, pero depende parin sayo.

nagsitayuan naman silang lahat, ganon narin si Zach, nagmadali naman akong isarado nalang ang zipper ng bag ko at binitbit nalang ang librong pinantakip ko kanina, dahil sa bilis nyang paglalakad palabas.

"Lest--"matang yan na naman.

"Sumunod ka nalang may aayusin lang."

"Kaya nakuu may balak-----."biglang nawala.

lumabas nakong hindi nalang binigyang oras sya pakinggan.

luminga linga pa ko dahik sa rami ng tao na nagsisilabasan,at nakita ko narin sya, banda sa may gate na..

Tinakbo ko naman iyon. palabas na sya..

"Excuse me,
Sorry, Excuse me."winiwika ko habang tumatakbo ng may madaanan.

"ZACH!!!!"sigaw ko.

humarap sya pero iba ang tingin nito, malamig, walang emosyon, iba.
tatalikod na dapat sya ng binato ko sya ng libro.

"Tinatawag kita wag mo kong tatalikuran."

"anong kailangan mo?"bigla akong kinilabutan sa boses nya na iyon, nanginginig man ako ay hindi ko pinanaig ito.

"Bat ka umiiwas?"walang paligoy ligoy na tanong ko.

"Hindi mo na kailangang malaman." at mabilis syang tumalikod mabilis ko namang hinawakan ang balikat nya, salamat sa mahahabang biyas at mabilas kitang maabutan.

"Bitawan mo ko."direstong tinging saad nya.

"Sagutin mo muna."

"Layuan mo ko."diin nya sa salitang ito.

nanlaki ang mata ko, nanghina ang pagkapit ko sa balikat nya. naniwala nga siguro, sabagay hindi nya naman ako kilala. siraan ka ba naman ng alam mong mas nakakataas sayo, syempre mahirap kana paniwalaan non, ni hindi narin ako nanghingi ng anumang paliwanag o sagot.

natigilan man ako, pero mas lalo ko nang hinigpitan ang pagkakahawak ko.
at bigla nalang bumuka ang bibig ko na hindi man lang napigilan banggitin ang salitang yun.
"Sure."na alam kong halos magpapabago ng lahat pero wala na akong magagawa.
"T-thank you."bulong ko na lang.

Thank you readers
-C O S M X S








I'm TALLER than Him (0n-going)Where stories live. Discover now