DEDICATION BOOTH

603 1 1
                                    

Salamat sa lahat ng tumulong sa akin sa paggawa at pag-publish ng book na 'to. Alam n'yo na kung sino kayo. Para sa inyong lahat ang librong ito. Bumili na kayo, 'wag kayong mag-alala at ililibre ko din kayong lahat sa "eat-all-you-can" kikiam restaurant.

Ang librong ito ay dini-dedicate ko sa isang babae na talagang nakapagpabago ng buhay ko (hindi nanay ko, pero para sa kaniya rin ito). Higit sa sampung taon din kaming naging mag-on ng babaeng ito at talagang sinamba ko siya na parang covergirl ng FHM. Siya si Stephanie, ang super beautiful, super cute (hindi siya matangkad, hanggang nipple ko lang), super sexy, super boobsie, super tambok-pwet na (sniff) ex-girl- friend ko. Oo, tama – EX – meaning ito ay tapos na, end na, break na, wakas na.

Kung nasaan man siya ngayon, kung sino man ang bagong boyfriend niya, kung anumang bagong model ng cellphone ang gamit niya ngayon, isa lamang ang hinahangad ko, sana ay maging masaya siya sa bago niyang buhay na wala ako. At sa palagay ko ay masaya nga siya ngayon dahil nung minsan ay nakita ko siya sa Greenhills na bumibili na naman ng cellphone kasama ang bago niyang boyfriend. May sakit sa cellphone si Steph, dapat bago ang phone niya every two weeks – cellphone meningitis ba tawag dun? Madalas tuloy ay nauubos ang pera ko dahil dito at ang hindi alam ni Steph ay kikiam na lang ang madalas na inuulam ko para pantustos sa bisyo niyang ito.

Madalas ko tuloy isipin kung ano pa kaya ang gusto ni Stephanie sa buhay niya bukod sa cellphone at pinagpalit pa ako sa ibang lalaki inspite ng mga sakripisyong ginagawa ko para sa kaniya. Mas mahaba naman ang buhok ko sa bagong boyfriend niya. Mas matambok naman ang puwet ko. Mas matigas naman ang muscles ko. Siguro lang nga, mayaman talaga ang bago niyang boyfriend. Di ko talaga siya kayang ibili ng bagong cellphone kada two weeks at suplayan ng load kada linggo.

Kung minsan tama talaga ang kanta ni Andrew E. Dapat sana sinunod ko na lang ang payo niya mula nung umpisa pa lang. Dapat ay humanap na lang ako ng pangit na babae. Ang hilig-hilig ko kasi sa mga sexy at magaganda. O, e di ano nga daw ang napala ko? Eh di wala nga!

May naging girlfriend ako na may malaking boobs noong high school. Ewan ko ba pero ito yata ang weakness ko sa mga babae - ang mga "futuristic" girls at hindi pa ako mahilig kumain ng kikiam noon, siopao ang kinahihiligan ko noong mga panahong iyon. Pero yung naging girl- friend ko nung high school, ewan ko ba pero wala akong romance na naramdaman sa kaniya. Hindi rin siya sweet. Mahilig pa naman akong manood noon ng mga romantic movies na rated R. Sa tingin ko nung mga panahong iyon ay kailangan ko ng isang babae na romantic dahil siguro sa impluwensiya ng Romeo and Juliet.Nakipag-break din agad ako sa kaniya. Kahit na malaki ang boobs niya, umiral pa rin sa akin ang pagiging romantic.

Nung college na ako, nagkaroon ako ng romantic na girlfriend pero masyado naman siyang emotional. Kahit na mga walang kakwenta- kwentang bagay ay iniiyakan niya. Dinalhan ko siya ng chocolates minsan at agad siyang umiyak dahil sa buong buhay niya raw ay noon lang siya nakatanggap ng chocolates. Nung Valentine's Day ay binigyan ko siya ng flowers. Umiyak din siya dahil noon lang din daw siya nakatanggap ng flowers sa buong buhay niya. At nung monthsary naman namin, binigyan ko siya ng card na may nakalagay na "I Love You". Umiyak na naman siya at ang sabi niya ay pareho-pareho lang naman daw kaming mga lalaki na bolero dahil sa 12 na naging boyfriend niya bago ako, eh lagi daw "I Love You" ang mga sinasabi.

Nakipag-break din ako sa kanya. Sa tingin ko ay hindi ko kailangan ng girlfriend na emotional. Malungkot na nga ang buhay ko, eh iiyakan niya pa ko araw-araw.

Matapos ang isang buwan, nakakita ako ng girlfriend na hindi nga emotional pero ubod naman ng boring kasama. Hindi siya na-eexcite sa kahit na anong bagay. Para siyang bato. Para tuloy kaming si Spongebob at Patrick na walang ka-kwenta-kwenta lagi ang mga pinag-uusapan.

The Kikiam ExperienceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon