Ako po si Jeremiah Panti, single at kung nabasa n'yo ang unang mga pahina e malalaman n'yong kaka-break ko pa lang sa girlfriend kong si Stephanie. Twenty eight years old na ako at kasalukuyang nag-ma-man- age ng isang maliit na internet cafe sa may harap, sa bandang dulo ng Ateneo. Nag-elementary at high school ako sa isang sikat na private school sa Malabon, at nakapag-college sa UST sa course na Engineering.
Bakit daw "The Kikiam Experience" ang title ng book na 'to? Walang dahilan. Gusto kasi ng publisher ko na medyo catchy daw dapat yung title ng book ko para mas makatawag pansin daw sa mga bookstore. Kung ako kasi ang masusunod, ang gusto ko sanang title e ang mga sumusunod na talagang makakaagaw pansin pero mukhang ayaw ng publisher.
1. Ponkan King
2. Melon at Papaya
3. Kweba ni Stephania
4. Kikiam, Yum Yum!
5. 2-Balls
6. Biyakin Mo ang Kastanyas Ko
7. Kung Bakit Nanamlay Si Doggy
8. MATH: Square-rootin Mo Ako
9. Uyy Santa .. Bigboy Ka Pala!
10. Zipper Mo Bukas
11. Puerta Rica
12. Day Off sa Luneta
Inaamin ko na nakakahiya at pangit pakinggan ang pangalan ko. Ewan ko ba naman kung bakit sa dinami-dami ng mga pangalan sa 7,107 islands sa Pilipinas during low tide, eh minalas pa at ito ang kinuha at pinili ng mga ninuno ko. Sa palagay ko nung binigyan sila ng apelyidong Panti ay hindi nila naintindihan ito at tinanggap na lang nila ito nang basta- basta. Buti pa sana kung naging Amerikano ang mga ninuno ko, e di sana Jeremiah Underwear ang pangalan ko ngayon.
Sa school, pinagtatawanan ako lagi ng mga kaklase ko pag tinawag na ng titser ang pangalan ko. Pag may nakilala akong isang babae, hindi ko sinasabi ang last name ko at siguradong tatawa yun pag narinig niya. Maraming nakakahiyang mga pangyayari ang laging nagaganap dahil sa pangalan ko kaya pinalitan ko ito nung nag-aral na 'ko sa UST. Nagpatulong pa 'ko sa isang attorney. Ginawa ko na lang itong Jay Panti para mas madaling matandaan. Jay ang tawag sa akin ng lahat ng mga nakakakilala sa akin kahit na noon pa man.
Laging sinasabi ng nanay ko na nasa abroad daw ang pag-asa ko. Nagpahula pa daw siya sa Quiapo. Pagka-graduate ko, wag na daw akong maghanap ng trabaho dito sa Manila kasi hindi din naman daw makakabuhay ng pamilya ang magiging suweldo ko. Baka hindi pa nga raw mabawi ang pinuhunan nila sa pag-aaral ko. Lalo ng yung kurso kong Engineering na wala naman gaanong demand dito sa atin at baka maging taga-linis lang daw ako ng mga baradong kanal, taga-aspalto ng lubak-lubak na highway natin, taga-linis lang ng mga bintana ng mga building sa Makati at kung malas-malasin ay paakyatin sa mga billboard para maglagay ng mga tarpaulin ads.
Ilang milyon na nga naman sa mga kababayan natin ang mga nag- abroad. Naging entertainer sila sa Japan, nag-nurse sa Amerika, nag-DH sa Europa at lahat ay kumikita na ng dollars. Kung dati ay wala silang pambili ng TV, ngayon ay mapapanood mo na silang lahat sa "Wowowee" na may hawak pang sign na "Hello from California!" at kumakanta ng Boom-Tarat-Tarat.
Di ko alam kung paano ko uumpisahan ang umpisa. Paano kaya ako makakapunta sa Amerika para makapagtrabaho (at para na din makahanap ng pampalit kay Stephanie).
Ayokong magtrabaho sa Japan kasi madaming Hapon dun at galit sa lahat ng Hapon ang lola ko. Pero kung pakakainin mo sa Saisaki ang lola ko ay siguradong hindi ito tatanggi. (I love you lola!). At dahil din dun sa mga napapanood kong mga x-rated DVD na gawa ng mga Hapon (ang tawag sa mga babaeng tampok dito ay AV idols), e talagang mawawalan ka ng gana sa mga pinaggagawa nila dun na madalas naman ay bitin dahil sa pagpi-pixilate na kanilang paraan ng pagse-censor
May mga natutunan na din naman akong mga bagong Japanese words:
Is this your underwear? - Jakimoto? Speechless - Wasabhe.
What are your thoughts? - Kurokuromo? Are you a regular customer? - Sukikaba?
Pero sa totoo lang, dalawang beses na akong nag-apply ng Ameri- can Visa at dalawang beses na din akong na-deny. Nung unang beses, sa tingin ko ay hindi ko na-prove sa consul na babalik ako dito sa Pilipinas. Tanong kasi sa'kin ay: "What will you be doing in America?"
"I will be touring the West Coast with my girlfriend." sabay pakita ng picture ni Stephanie.
"Your girlfriend is so beautiful, does she already have a US visa?" "Yes, she does."
"OK. I'm sorry."
Ganun lang kaikli ang interview sa akin and denied na agad ako. Sabi ng mga kaibigan ko baka daw napagkamalan akong driver o alalay ni Steph dun sa picture na pinakita ko kaya hindi naniwala ang consul.
After less than a year nag-try ulit ako. Tawag ulit sa embassy, pa- schedule ng interview, bayad ng necessary fees, biyahe sa embassy at iba na ang dahilan ko.
"So what will you be doing in America?" "I will be touring the West Coast." "Alone?"
"No. I'll be going with my soon-to-be wife... uhmm I'm sorry I didn't bring a picture of her."
"So you'll be getting married soon?" "I hope."
"OK. I'm sorry."
Nak ng tinapa talaga! Hindi man tiningnan ang pinagawa kong mga bank statement, ang mga land titles na dala ko. Buwiset talaga! Gusto ko sanang tanungin yung nag-interview sa akin ng "What's your problem? Aside from your face, What's your goddamn problem?!"
Di mo talaga maintindihan ang mga nag-iinterview sa US Embassy. Sagutin mo sila ng totoo, denied ka. Magsinungaling ka, denied ka pa rin. Oh well. Sana man lang ay tinanong ako tungkol sa dala kong mga bank statements, sa mga dala kong titulo ng bahay namin, mga diploma ko, ang mga awards ko... bwisit talaga.
Plano kong mag-apply ulit for the third time at ang isang payo ng aking best friend na isang writer sa isang tabloid, na aking kinokonsider, ay ang gumawa daw ako ng isang libro na nakalagay ang pangalan ko na ako nga ang author nito. Respetado daw ng mga Kano ang mga "literary authors" sa bansa nila. Gumawa ng walang ka-kwenta-kwentang libro yung bestfriend ko at nabigyan siya agad ng visa.
Kaya eto ako ngayon, ang respected author kuno nitong libro na ito. Sana ay magustuhan n'yo ang kwento ng aking buhay at mga karanasan. Sana ay mapaniwala ko ang mga Kano na magaling tayong mga Pinoy... magaling lumusot. Magaling ang Pinoy. Alam ba ng mga Kano na mas masarap ang squid balls kesa fishballs lalo na kung medyo papausukan mo ito sa tambutso ng mga jeepney at kung sabay-sabay nating ida-dunk ang ating mga tuhog sa sawsawan? Maraming hindi alam ang mga Kano sa buhay nating mga Pinoy.
Kaya nga isinulat ko din sa Filipino itong book na ito ay para di na din makita ng mga Kano sa U.S. Embassy na puro kalokohan lang ang mga nakasulat dito. Pero siyempre pag tinanong ako kung tungkol saan ang book na ito, sasabihin kong it's about the Philippine culture and how we Filipinos handle our everyday life. O diba, ang gandang pakinggan. Mabuhay ang Pinoy! Gagawin ang lahat para lang makakuha ng US visa. At sana magustuhan n'yo din ang librong ito dahil sa kung hindi man ako mabigyan ng visa ay nakapagbigay aliw naman ako sa inyong lahat sa pamamagitan ng pagsusulat ko.
Wala akong balak na sumikat sa paglikha ko ng book na ito. Si Sadako lang ang alam kong laging sikat. Alam n'yo ba kung bakit sikat si Sadako? Kasi lagi siyang lumalabas sa TV.
Pag nagkaroon ito ng book 2, siguradong denied na naman ang pag- aaply ko ng visa at sasabihin ko sa mga mag-iinterview sa US Embassy na "Kainin n'yo mga kikiam n'yo!"
BINABASA MO ANG
The Kikiam Experience
فكاهةThis book chronicles the real-life adventures (and misadventures) of Jay Panti. Ang mga walang kakwenta-kwentang pangyayari na nangyari sa buhay ko.