Madalas nagtataka ako kung bakit hindi kasi ako kasing guwapo ng dalawa kong kapatid. Nagtataka talaga ko. Medyo kulot ang buhok ko, sila straight. Maputi ako samantalang sila ay kayumanggi. Tinutukso tuloy ako ng mga kalaro at kaklase ko na anak daw ako sa labas.
Isang araw, hindi na ako makatiis sa aking nararamdaman, kinausap ko na ang nanay ko tungkol dito. Tinanong ko siya kung talagang anak ako sa labas. Natigilan nang matagal ang mommy ko, mangiyak-ngiyak at maluha-luha ang mga mata niya sabay sabi na hindi daw. Hindi daw ako anak sa labas. Huwag daw akong maniwala sa mga kaklase ko, huwag daw ako maniwala sa mga kalaro ko. Hindi daw ako anak sa labas. Ako raw ay isang ampon!
Masaya naman ang aking childhood years. Ang mga naging kalaro ko ay ang mga kapitbahay namin sa Malabon. Nandiyan sina Bhoy Laki, Bhoy Liit, Ahlex, si Ilhong, Evelhyn, Ahbner, Jhun at ako na leader nila na kung tawagin nila eh si Buddha. Ewan ko ba kung bakit gustong gusto nilang lagyan ng letter H ang mga pangalan nila.
Budhha ang tawag nila sa akin dahil chubby ako at may collection kasi ang nanay ng mga buddha na ang buong pag-aakala ng mga kalaro ko ay self-portrait na pinagawa ng nanay ko.
Madalas kaming maglaro ng wrestling. Lagi kaming nanonood tuwing linggo ng Wrestling Superstars sa TV. Ginagaya namin ang mga moves ng favorite naming mga wrestlers nung panahon na yun. Favorite namin sina Hulk Hogan, Undertaker, Bret Hart, at si Ultimate Warrior. Ang favorite kong gayahin ay si Undertaker, isa siyang wrestler na mukhang zombie. Minsan "ti-numbstone" ko si Bhoy Liit, ang favorite na finishing move ni Undertkaer.
Nagulat na lang ako nang ang lahat ng mga kalaro ko ay nagsigawan. Ako naman ay tuwang-tuwa at ang akala ko ay nagalingan sila sa ginawa kong Undertaker move. Yun pala tumama ang ulo ni Bhoy Liit sa bato. Dito ko naalala ang lagi at maya-mayang commercial pag nanonood kami ng wrestling, ang "Please Don't Try This At Home". Napagalitan talaga ako ng aking mga magulang dahil sa pangyayaring ito. Hindi na ako pinayagang manood ng wrestling at siyempre, sila ang nagbayad ng lahat ng pagpapa- ospital kay Bhoy Liit. Buti na lang at hindi grabe ang nangyari sa kanya.
Sa mga kalaro ko rin natutunan ang tungkol sa mga birds and bees. Hindi gaano napapag-usapan sa aming bahay ang tungkol dito kaya kung anu-ano ang mga natutunan ko tungkol sa sex na hindi naman pala totoo.
Nung mga panahon na yun ay nagtataka ako kung bakit nagkakaanak ang isang lalaki at isang babae. Ang sabi sa akin ni Bhoy Laki ay kung hinalikan mo sa lips ang babae nang isang minuto, ito ay mabubuntis. Kaya dapat daw ay smack lang ang gawin pag hahalik ako ng babae. Hanggang grade four ata e yun ang paniniwala ko. Nagkaroon ako ng phobia tuwing ako ay ki-kiss sa aking mga tita, titser at sa kahit na sinong babae lalong lalo na sa lola ko. Sabi ni Bhoy Laki ay hindi na daw mabubuntis ang lola ko kasi pag puti na daw ang buhok ng babae, hindi na daw ito mabubuntis.
Nung minsan tinawag kami lahat ni Bhoy Laki at pinapunta sa bahay nila. Wala daw ang mga magulang niya at manood daw kami ng X-rated na betamax. At dahil wala akong kamuwang-muwang sa mga bagay na yun, sumama ako sa kanila. Tandang tanda ko pa ang title: Taboo at Little Girls Blue.
Isinalang ni Bhoy Laki ang "Taboo" sa betamax at nagulat ako sa aking mga nakita. Ilalarawan ko sa inyo ng scene by scene ang aking napanood. Sa unang scene ay ipinakita ang isang seksing nanay na nag-aayos ng kaniyang buhok habang nakaharap sa isang salamin sa loob ng isang bed- room at kumatok ang kaniyang anak na lalaki. Tapos, !@#$ #$%$^%^ &&*&&(*( !@#@# @#.
Oooooppsss! Inedit ng editor. Hehehe sorry po.
May lesson naman pala akong natutunan sa panonood ko ng x-rated ng mga panahong yun. Pwede ko palang halikan nang halikan ang isang babae kahit buong araw at buong gabi at ito ay hindi mabubuntis. Hindi pala nakakabuntis ang HALIK!
Madalas akong ilarawan ng nanay ko bilang "honest boy" na hindi marunong magsinungaling. Pero may mga situations talaga na kailangan mong magsinungaling. Nung nasa ospital si Bhoy Liit dahil sa pagkaka- tombstone ko sa kaniya, sinabi niya sa aking na sana ay gumaling na siya, para makapag-basketball na siya. Paglaki niya daw, eh magiging sikat na basketball player daw siya.
Sabi ko eh, mag-isip-isip siya kung sisikat siya na basketball player, kasi parehong pandak ang mga magulang niya, wala pang 5 ft. sila pareho at siya lang ang nakita kong bata na hindi tinatablan ng Growee at Cherifer. Mukhang dinamdam ito ni Bhoy Liit at inabot pa siya ng dalawang linggo sa ospital, hindi dahil sa bukol at pilay niya kundi sa depression na naramdaman niya ng sabihin kong wala siyang pag-asang maging basket- ball player.
At nung minsan din na birthday ng lolo ni Bhoy Liit, nagpadala ng mocha cake mula sa Goldilocks ang mommy ko. Ako mismo ang nag- abot ng cake sa lolo ni Bhoy Liit.
Lolo: Next year iho, pakisabi sa mommy mo na chocolate cake naman ang dalhin niya, peborit ko kasi yun.
Jay: Opo Lo, magdadala ako ng chocolate cake next year, pag buhay pa kayo.
Kaya siguro white lies ang tawag sa mabuting pagsisinungaling kasi pag puti na ang buhok ng kausap mo, eh dapat mag-tell-a-lie ka na.
BINABASA MO ANG
The Kikiam Experience
HumorThis book chronicles the real-life adventures (and misadventures) of Jay Panti. Ang mga walang kakwenta-kwentang pangyayari na nangyari sa buhay ko.