3.After 5 years,Anthony is back

180 8 0
                                    

Naistorbo ang afternoon nap ni Bing dahil sa ingay na naririnig.Kanina pa nagtatawanan ang mga kabarkada ng kuya niya ng pagkalakas lakas.Puyat na puyat pa naman siya dahil nilamay niya ang research paper para sa isan major subject hanggang madaling araw.Maaga din siyang pumasok sa school kaninang umaga dahil nga kailangan niyang ipasa ang pinag-puyatang output,mga alas onse na siya nakauwi kaya dadalawang oras pa lang ang tulog niya.

Napagdesisyonan niyang bumaba para pagsabihan ang mga ito.Dumeretso siya sa may entertainment room.Pagbukas niya sa pintuan ay bumungad sa kanya ang mga nagtatawanang kalalakihan.Nakita niyang nag-iinuman ng beer ang mga ito.Napalingon si William sa may pintuan at nakita siya.Ngumiti ito bago tinawag si Jan,na nagtaas lang ng kilay sa kanya.

"Kuya,can you please tone down your voices.Even just for two hours,para makabawi lang ako ng tulog."She said in an annoyed tone.

"Come on Baby Bing,ngayon lang naman.It's our reunion.Pagtiyagaan mo na ngayon lang naman kami nagkikita kita,alam mo namang every sembreak lang nakakauwi 'tong si Spike saka welcome party din ni Anthony."Pakiusap ng kuya niya.

Parang natigil ang paghinga niya sa pangalang binanggit ng kuya niya.Si Anthony!Umuwi si Anthony?Oh my gosh!!!

Iginala niya ang paningin at nakita ang taong limang taon na niyang hindi nakikita.He was sitting on the single sofa.Hindi niya ito napansin kanina dahil natatakpan ito ng ibang mga kaibigan nito.

Kumabog ang puso niya.There he is,laughing heartily,looking so handsome in his black v-neck shirt and faded Levi's jeans.Sporting a man bun,which suits him well.Mas gumanda ang kutis nito,kung dati ay maputi ito,dahil nga mestiso,ngayon ay mamulamula na.Hindi pa rin nagbabago ang reaksiyon ng katawan niya sa bawat pagkakataong nasisilayan ito.Her feelings never changed kahit umalis pa ito ng mag-aral sa ibang bansa.

His father sent him to the States to study.Umalis ito ng magtapos sa Brent when he was 18.Grabe ang iniiyak niya ng mga panahong iyon.It was a time when she started learning about crushes and boys,kaya naman nasaktan siya ng umalis ang itinuturing niyang first love.He didn't even visit the Philippines dahil ang mga magulang nito ang pumupunta sa states.

Bigla siyang naconscious at pinasadahan ng kamay ang buhok na nagulo mula sa pagtulog.Eksakto namang napatingin si Anthony sa gawi niya.

It was like a scene in a romantic movie.Pakiramdam niya ay silang dalawa lang at namute ang paligid.She didn't even smile back ng ngumiti ito.Para siyang naengkanto at nanatiling nakakapit sa hamba ng pintuan.Gosh!

Lumapit ito at yumakap sa kanya saka ginulo ang buhok niya.

"Oh,hi Bing,you're all grown up now.Dati hindi ka pa ganyan kataas ah!How old are you now?"Nakangiti pa rin ito sa kanya.

"H-hi Anthony!I'm glad you're back...Yes,I'm turning 18 two months from now."

"Wow,time flies so fast,you're a lady now.A beautiful one..."Her heart skipped a beat when he gave her a boyish grin.Hindi talaga siya nasasanay sa mga ngiti nito kahit ilang taon pa ang nagdaan.

"Uy,Anthony,wag kang masyadong magpapacute diyan sa kapatid ko.Baka mainlove pa sa iyo 'yan eh ngumawa nga yan ng matindi noong umalis ka."Buska ni Jan sa kanya na ikinapula ng buong katawan niya.

Bwisit ka Kuya!Panira ng moment.

"Stop it Jan,namumula na si bunso o,'yaan mo na,ganyan talaga,first crush niya si Anthony kaya na-i-starstruck pa siya,lalo na at matagal niyang hindi nakita yan.."Natatawa na ring sabi ni Spike.

Tinaasan niya lang ng kilay ang dalawang urot at muling tiningnan si Anthony na umiiling lang sa pang-aasar ng mga kaibigan."Uy,tama na iyan,napapahiya na ata si Bing.Isa pa,baka may boyfriend na yan sa school,maybe her age."

"Sus,wala pa ano!May mga nanliligaw diyan na pero hindi pa pwede.Alam mo naman ang mga lalaki ngayon,they just want something from girls."Sumeryoso amg kuya niya.

"Sus,galit ang babaero sa kapwa babaero.Ganyan din naman kayo ah,ako lang ang hindi."Alex shouted from the other side of the room,he even winked at Bing.

Binato ito ng ilang kaibigan ng kuya niya."Ulol,ikaw siguro!Bakit ba apektado ka sa sinabi ni Jan."Sabi ni John na kasalukuyang naglalaro sa billiard table.

"Bakit hindi niyo ba alam na may crush itong matandang si Alex kay baby Bing!Jan oh.."Pambubuko ni William sa lalake na biglang namula at nagsimulang magprotesta.

Natatawa na lang si Bing sa usapan ng mga ito.

"It's okay,saka crush lang naman.Ibang usapan na pag ligaw.She's still young and wag naman kapatid ko mga pare,magkakakilala na tayo uy!I know all you're secrets saka yung mga kalokohan niyo sa babae,iba na lang!"Tumatawang sabi ni Jan.

"Hay naku,ewan ko sa inyo,sige na I'll go ahead na,ang iingay niyo."Nagpaalam na si Bing saka ngumiti kay Anthony na nakasandal sa pader malapit sa kanya.Ngumiti uli ito sa kanya saka sumaludo.

Gosh,bumalik na naman ang familiar feeling na kay Anthony niya lang nararamdaman,pero ngayon may kakaiba.Hindi niya maipaliwanag,but there is something more,sigurado siya,mas higit pa sa crush,kahit pa sabihing ngayon niya lang uli ito nakita....

Chasing Love Again (Brent Boys 2)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon