29.Lesser Evil

139 7 4
                                    

Natatawang kumaway si Bing kay Doc Wilmer ng paandarin na nito ang sasakyan pagkatapos siyang ihatid.He was a good company.Bentang benta sa kanya ang jokes nito.In fairness,hindi siya nagsisisi sa pagtanggap ng imbitasyon nitong lumabas sila.Pangatlong labas na nila ito ngayong buwan.Isa pa wala din naman siyang ginagawa,nagsawa na siyang manood ng netflix sa laptop niya.

Binubuksan na niya ang gate ng apartment ng may magsalita sa likod niya.Muntik na siyang sumigaw kung hindi lang niya naaninag na kilala niya ito.

"Parang enjoy na enjoy ka sa date mo at ngayon lang kayo nakauwi ah."Pasimpleng sabi ni Anthony na nakapamulsa ang mga kamay.Gwapo na sana ito kung hindi lang antipatiko.

"Ba't ka ba nang-gugulat diyan!Saka pakialam mo ba?Bakit ka andito?Stalker ka ba?"Nakataas ang kilay na singhal niya sa lalaki.

"Excuse me!Wag kang ma-feeling,ako?Stalker?Hindi siguro.I have other important things to do than to stalk you ang your doctor boyfriend who looks very much gay."Seryosong sagot ni Anthony.

"O,eh ano ngang ginagawa mo dito?Alas otso ng gabi nasa ibang bahay ka?Hindi ba stalker iyon?"Bing was mad.Kating-kati na siyang sampalin ang lalake sa sinabi nito. Important things to do pala ha!Bwisit!

"Your brother just asked me to get the hard driver he forgot here.Tintawagan ka daw niya pero hindi ka sumasagot.He needs it early tomorrow.Tamad na siyang pumunta dito kaya pinadaan niya sa akin."Parang nababagot na sagot nito kay Bing.

Medyo napahiya si Bing sa lalaki. "May kailangan ka pala bakit di mo sinasabi sa akin agad ng makalayas ka na!"Nakapasok na siya ng apartment.Sumunod na rin ang lalaki kahit hindi niya pinapasok.

Paglabas niya galing ng kwarto para kunin ang hard drive ay naabutan niyang nag-ka kape na ang lalake.

"Wow,parang feel at home kayo sir ah?Baka gusto niyo pang samahan ng tinapay yang kape niyo.Nakakahiya naman sa inyo."

"Well,I'd like that.Pahingi naman.I'm starving.Kakagaling lang namin sa La Union nina Jan at Spike.May inaayos kami doon.Umulan ng malakas kay hindi na kami nakapag-stop over."

Medyo tinablan ng awa si Bing ng makita na seryoso ang lalaki.She decided to open her fridge and heat her left over sinigang na baboy.Mabilis siyang naghain ng kanin at ulam saka inilagay sa harap nito.

"No,no,bread and coffee is enough."Tumatangging sabi nito.

"Wag ng maarte.Alam kong nagugutom ka.Kain na,don't worry walang lason iyan.Sa next ko na ilalagay."Pasupladang sabi niya sa lalake na ikanatawa niyo ng bahagya.

Tahimik na kumain si Anthony na halos masaid ang laman ng rice cooker.Bing smiled deep inside.Alam niyang nagustuhan ni Anthony ang luto niya dahil medyo maselan ito sa pagkain.

Katatapos lang nitong kumain ng biglang mawala ang kuryente.Napasigaw si Bing.She may look tough and all pero ang pinaka-ayaw niya sa lahat ay ang madilim.Madalas kasi siyang takutin noon ng yaya niya at pinapatay pa nito ang ilaw pag hindi niya ito sinusunod.Isa pa may tsinismis sa kanya ang kapitbahay niya.May mga nagpaparamdam daw sa mga ito nitong nakaraang linggo.Hula daw ng mga ito ay iyong nagbigti noong nakaraang buwan pa na kapitbahay nila.Katulad daw kasi ng suot ng nagpapakitang multo ang paboritong suot ng namatay.Biglang nagtaasan ang mga balahibo niya sa naalala.Paborito pa naman siyang batiin ng nagpakatay na kapitbahay.

Naramdaman na lang ni Bing na nasa tabi niya si Anthony at yakap siya. "Hush,it's okay.I didn't know you are still afraid of the dark."Pagkatapos ng ilang sandali ay lumiwanag ng kaunti sa tulong ng flashlight ng cellhone ng lalaki. Nakakapit na siya ngayon sa  braso nito dahil sa takot.Napasama tuloy siya ng sumilip ito sa bintana.

"Pati kapitbahay nawalan.May mga kandila ka ba o emergency light?Tara sindihan mo na,baka matagal pa bago ibalik yan."Sabi ni Anthony na nakatingin sa kanya.Nagtataka siguro kung bakit kapit na kapit siya dito.

Napahiya naman siya ng marealize ang pagkapit niya sa lalaki.Agad niyang binuksan ang cupboard kung saan niya tinatago ang kandila.Ng masindihan ang isa kahit papaano ay kita na ang kabuoan ng kusina niya.Nakita niyang tumitingin sa relo ang binata.

"May lakad ka?"pasimpleng tanong niya dito.

"Wala naman,balik lang uli ako sa condo.I'm tired.Wala ako sa mood lumabas,saka may lakad uli kami ng mga Kuya mo bukas."Humikab pa si Anthony habang nagsasalita.

Pinagana ni Bing ang utak.Takot talaga siya.Ayaw niyang maiwang mag-isa dito sa apartment niya ngayong walang kuryente.Napaka-tsismosa kasi ng kapitbahay niyang isa,bakit pa kasi nito sinabi sa kanya ang tungkol sa gumagalang multo.Bwisit!

"Uhm,baka gusto mong matulog na dito?I-i mean,since pagod ka na,kaysa mag-drive ka pa ng isang oras pauwi di ba?"Nahihiyang anyaya ni Bing sa binata.Kaaway niya ito pero in times of need choose the lesser evil.Ito na lang kaysa 'yung mumu ng dati niyang kapitbahay!Yiiieeh!

Halatang nagpipigil ng tawa si Anthony.Umigkas pa ang usang kily nito. "Wooah,and since when did you start caring about me again?Talaga bang ayaw mo akong mapagod o takot ka lang?Hulaan ko,may nanakot na naman sa iyo ano?Ikaw talaga Bing,eversince."He started to chuckle.

Napasimangot si Bing sa lalake. "Excuse me.Concern na nga sa iyo ang taoeh kung ano pang iniisip mo.Bahala ka.Kung ayaw mo eh di umuwi ka.Hmmp!"

"O,eh bakit ka galit?Bing,Bing...You're so funny.Do you think you can fool me.Sabihin mo na lang kasi na "Anthony,pogi,baka pwedeng samahan mo naman akong matulog dito kasi matatakutin ako,please" ganun lang naman kadaling makiusap Babe."

Sasagot sana siya dito ng marinig na naman niya ang pusa na kagabi pa nag-iingay sa may veranda niya sa kwarto.Akala niya batang umiiyak kagabi.Muli na naman siyang inatake ng takot.Bahala na!Bing,choose the lesser evil.

"O,eh yaman din lang at sinopla mo ako eh payag ka bang dito matulog?Alam mo naman palang matatakutin ako eh inaasar mo pa."Nagdadrama na siya dito.Sana lang umepekto.

"Okay!"Mabilis na sabi ng lalaki sabay tanggal ng sapatos at nahiga sa sofa niya sa sala.Ang dali naman pala nitong kausap!

"Bakit nahihiga ka diyan?"Tanong ni Bing.

"O,di ba nga sabi mo samahan kita kasi takot ka?"Naguguluhang balik tanong nito.

"Oo nga.Pwero hindi dito.Sa taas.Halika na.Baka makalusot kasi 'yung mumu.Tabi tayo sa kwarto.Bilis!"

Agad na bumangon si Anthony na ang lawak ng ngiti. "Whoah,nothing gets better than this."Sabi nito sabay akbay sa kanya habang paakyat sila ng hagdan papunta ng kwarto niya.

"O,eh bakit kailangan mo pang umakbay?Tsansing na ata yan?"Naninitang sabi ni Bing.

"Ikaw din,sige bahala kang umakyat mag-isa.Feeling ko pa naman may nakasunod sa atin.Nakapula saka may cap na black."Seryosong sagot ng hudyo.

Nanlaki ang mga mata niya.Siya na ang yumakap kay Anthony,paano ba naman ang binggit nito sakto sa paboritong get-up ng namatay na kapitbahay niyang nag mumulto daw. Choose the lesser evil!Yieeeh!

Chasing Love Again (Brent Boys 2)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon