45.

212 10 2
                                    

Kanina pa nakahiga si Bing dahil sa sakit ng ulo.Wala pa naman siyang mautusan dahil sa apartment siya umuwi.

Damn hangover!Ayaw ko na talagang uminom.Bwisit kasi yang Anthony na iyan..

Inot inot siyang bumangon at nagtungo ng kusina para gumawa ng kape.She popped a tablet of painkiller for her headache.

She just sat on the kitchen table contemplating.Andami niyang gustong itanong sa lalaki.Lalo na ang sinabi nitong kaya siya nito hiniwalayan ay dahil sa Kuya niya.Parang imposible naman dahil nasa America na ito ng hiwalayan siya.She's so confused!Ang daming hindi malinaw sa kwento ng binata.Pati na ang rason kung bakit bigla na namang hindi nagpakita ang binata sa kanya sa ikalawang pagkakataon.What could have been his reason for that?Alangan namang Kuya na naman niya.Lagi na lang siyang iniiwanan ni Anthony pero magkaganuon pa man ay alam niyang hindi kailanman nawala ang pagmamahal niya dito.Maaring ipinakita niya ang katigasan ng loob sa binata pero iyon ay dala ng sama ng loob lamang.

Ang Kuya Jan naman niya,bakit wala man lang itong nasabi sa kanya.Para siyang tanga na tago ng tago dito tungkol sa kanila ng binata pero alam na pala nito.May inis na bumangon sa dibdib niya para sa nakakatandang kapatid.Alam niya na super protective ito sa kanya pero hindi niya inakala na pati ang lovelife niya ay pinakialaman nito.

Mas lalong sumakit tuloy ang ulo niya sa pag-iisip.Kakausapin niya ang kapatid pero saka na.Sa ngayon ang dapat niyang pag-ukulan ng pansin ay ang balak nila ni Alex.Kailangan niyang mabawi si Anthony.She would keep her promise,she would do the chasing now.Just like what he did.

Maya-maya lamang ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Labrean.Papabinyagan daw agad ng mga ito si Blue sa susunod na Linggo bago umalis ang mga magulang ni Spike papuntang States.As expected Ninang siya kasama ang mga kaibigan ng asawa nito.

That night Alex called her.They talked for almost twenty minutes...

——————————

"Relax,halatang kinakabahan ka.Papaano maniniwala si Anthony niyan.Let's show them we're in love.Come on.Best smile!"Sabi ni Alex kay Bing habang nag-pa-park ito ng sasakyan sa simbahan.Gaya ng usapan nila ay magpapanggap sila bilng magkarelasyon para pagselosin si Anthony.This was their original plan,ayaw sana niyang ituloy kaya sinubukan muna niya itong akitin pero hindi nagtagumpay at hindi man lang siya naka-first base.Naging desperada na siya ng sabihin ni Alex na nagpunta si Anthony sa isang sikat na jeweler ng may asikasuhin ang mga ito sa HongKong.Alex said he bought something for Eliah.And he said it might be an engagement ring.Doon na siya nag-panic kaya nagkasundo sila ni Alex sa naunang plano nito.

Alam niyang may sariling agenda din ang ksama ngayon.Alex was trying to ward off Bloom.Pinagkasundo kasi ang dalawa pero dahil ayaw pang matali ni Alex ay gumagawa ito ng paraan para madismaya ang babae na halatang may pagtingin dito.Imbitado din si Bloom sa binyag ni Blue dahil magkakakilala ang mga magulang ni Bloom at nina Spike.She also came from a known family dito sa Baguio.

Alex opened the car door for her.Medyo nanginginig ang tuhod niya.Mabuti na lang at naalalayan siya ni Alex.

Nararamdaman niyang nakatingin sa kanila ang mga tao sa labas ng simbahan dahil magka-holding hands sila.It may be a first for everyone.

Lumapit sila kina Labrean at Spike na kausap ang mga kaibigan ng huli.

"Hello everyone.Hindi kami late."Parang wala lang na sabi ni Alex habang hawak pa rin ang kamay ni Bing. Nagsilingunan sina Richard,Jan at Anthony.Nagsitaasan ng kilay ang mga ito ng mapatingin sa kamay nilang magkahugpong.

"What the heck?Alex is this a joke?"Hindi napigilang sabi ni Richard.

"Why?"Pa-inosenting tanong ni Alex. "O,you mean this."Sabay taas sa kamay nila. "People,I would like to inform you that Bing and I are dating.Nagpaalam na kami kay Jan."

"What the f- Jan,are you nuts?Pinayagan mo taaga 'tong baliw na ito?"Gulat na tanong ni Spike na sinasaway ni Labrean sa gilid.Relax lang ang kaibigan niya dahil nasabihan na niya ito tumgkol sa plano.

Seryosong sumagot ang kapatid niya. "Matatanda na sila.Bahala sila sa buhay nila."

Nakita ni Bing na umigkas ang kilay ni Anthony at parang hindi makapaniwalang tumingin kay Jan.Saka tumingin kay Labrean ng masama.Shr saw him took deep breaths.Mabuti na lang at pinapasok na sila para sa seremonyas.

Magkatabi sila ni Alex hanggang sa natapos ang seremonya.She would occasionally glanced at him na nasa pinakagilid ng inuupuan nilang pahabang kahoy.Seryoso ito at halos di maipinta ang mukha kaya kahit paano ay nagdidiwang ang puso niya.

He's still affected!It means may pagtingin pa ito sa kanya.All she has to do is to give her best acting skills.

Ginanap ang reception sa function room ng hotel na pag-aari nina Anthony.As expected mas maraming tao sa kainan kaysa sa simbahan.She looked for their designated table.Pagdating niya ay nakita niyang nakaupo na si Alex doon at ngumiti ng makita siya..Katabi nito si Bloom na parang maiiyak sa hindi malamang dahilan.

"Babe,halika upo ka dito.Antagal mo.Kanina pa kita na-mimiss."Alex sounded OA.Halatang pinaparinig nito kay Bloom.

Hindi pa man siya nakakaupo ay nakita niyang tumayo si Bloom. "Excuse me.I need to go to the bathroom."paalam nito bago mabilis na naglakad palayo sa mesa nila.

"What did I miss?Anong ginawa mo kay Bloom?"

Umingos lang ang lalaki. "'Yaan mo siya.Para tigilan na niya ako."

"Hay naku.Bad yan!Sige ka,baka sa kakatulak mo kay Bloom eh mabaliktad ang sitwasyon.Baka isang araw makita mo na lang siya na hawak ng iba..."

Napangisi ang lalaki. "It will never happen.She's not my type.Noon pa yan nagpapapansin sa akin pero wala talaga."Sabi nito na umiling pa. "Teka nga,iyang mga words of wisdom mo yat eh parang sobrang relate ka.Ganyan ka din kay Anthony?"

Hinampas niya  ito sa braso.

"Speaking of the devil.Prepare yourself."Si Alex.

"Why?"

"Sa likod mo.Anthony's coming,with Eliah.Dito din sila naka-assign na table."Tukoy nito sa bakanteng upuan sa mesa nila.

Bago pa siya makasagot kay Alex ay may nagsalita na sa likod niya. "Hi,i guess this is table 8.I'm starving!"

Boses ni Eliah!

Chasing Love Again (Brent Boys 2)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon