50.Bibingka

193 6 4
                                    

"So,kamusta naman ang katulad kong taong bahay na?"Kakatapos lang patulugin ni Labrean si Blue eksaktong pagdating ni Bing sa condo ng mag-asawang Spike at Labrean.

"Eto bored!Hindi ako sanay ng walang ginagawa.Nakakaloka!"Halos isang linggo na pagkatapos ng kasal nila ni Anthony.Masasabi niyang maayos naman sila.Lalo na pag gabi.Pero pag sa araw ay parang may kung anong nakapagitan pa rin sa kanila.Alam niyang kailangan nilang pag-usapan ng asawa ang tungkol sa mga inilihim nito noon pero nagpapakiramdaman pa rin sila.

"Ganyan din ako noong una.Masasanay ka din.Or better yet,magpabuntis ka na para mas masaya!Para may mapaglibangan ka din,katulad ko."Nakangiting sabi ng kaibigan.Pumayat ito pagkatapos nitong manganak pero makikita mo ang saya sa mukha nito.

"Gaga!Ginawa mo pang libangan ang pagbubuntis.."Natatawang sagot niya.

"Eh asan nga ba kasi si Anthony?Bakit mag-isa ka?Dapat nagkukulong pa kayo sa kwarto ngayon."Labrean was teasing her.

"Di ba nga sumama kina Kuya Jan at Spike sa San Fernando.Chineck na naman 'yung gusto nilang patayuan ng project nila."Eksaktong tumunog ang cellphone niya.Si Anthony,nag-aaya daw ng isang round ng beer si Alex kaya baka dumeretso ito sa may session kasama sina Spike at Jan.Uuwi din daw agad ito.Nainis siya bigla sa asawa,alam naman nitong mag-isa siya sa condo nito eh nagpapagabi pa.

"Nakasimangot ka diyan..."Si Labrean.

"Wala,may nakakainis lang na nagtext..."Sagot niya saka iniba ang usapan bago pa siya tuluyang mabwisit sa asawa.

After thirty minutes,Spike came in the door.He was a picture of a doting husband when she kissed Labrean.Bigla tuloy siyang nainggit sa dalawa.May pasalubong pa itong bibingka
na pareho nilang favorite ni Labrean.

"Hoy!May tao dito,excuse me!Mamaya na iyan,nakakaloka kayo!Ilang oras lang kayong hindi nagkita,parang isang taon na kung umasta kayo."Pang-aasar niya sa mag-asawa.

"Inggit ka na naman diyan Baby Bing!"Sabi ni Spike saka lumapit sa kanya at nagbeso.He's one of the few ones na tumatawag sa kanya ng ganoon.Para na rin silang magkapatid dahil nga bestfriend ito ni Jan.

Inismiran niya ito. "Bakit maaga ka?Akala ko ba mag-bebeer kayo nina Alex?"

"Oo nga,isang round lang kaya umuwi na kami."Sagot ng lalaki.

"O,e si Anthony?"Bing asked.Sinasabayan niya ng kuha sa bibingka na dala ni Spike.

"Umuwi na ata,nauna lang akong umalis.Akala ko ikaw ang tinatawagan niya kanina.Baka nasa bahay na iyon.Uwi ka na kasi.Saka huwag mong ubusin yang bibingka ni misis.Meron ka din,bumili si Anthony kanina ng dalawang box."Inilayo pa nito ang kahon sa kanya.

Naiinis na nagpaalam siya sa kaibigan at agad na dumeretso pauwi.Pagdating ng condo ay wala png bakas ang asawa.Naka-shower na siya at lahat ay wala pa ring dumarating dito o kahit man lang sana ang bibingka na paborito niya.

She was on the kitchen eating when he arrived an hour later.Parang nadismaya pa siya ng makitang wala itong kahit anumang dala.Walang bibingka katulad ng sinabi ni Spike.Mukhang napagtripan siya ng asawa ng kaibigan!

"Hi,sorry ngayon lang.Ang kulit kasi nila eh,one round lang ang usapan eh humirit pa.Bihis muna ako."Sabi ng lalaki pagkatapos siyang halikan sa noo.Parang hindi ito makatingin sa kanya.

May kung anong bumangon na pagdududa kay Bing sa gawi ng asawa.Gayunpaman hindi niya pinahalata. "Ahh,sige.Kumain ka na ba?"

"Oo,kakatapos lang namin."

"Ah,eh di kauuwi din lang ni Spike at Alex ngayon?"Pasimpleng subok niya.

Mukhang natigilan ang asawa bago sumagot. "O-oo sabay sabay kami.Shower muna ako."Parang umiiwas na sagot nito.

Nangngingitngit si Bing.Nagsisinungaling ang asawa niya.He must be hiding something from her.Hindi siguro nito alam na nanggaling siya kina Spike at halos magdadalawang oras mula ng umuwi ito kay Labrean.

Kinabukasan ay nagulat pa si Bing ng makitang hindi nakabihis ang asawa.He was wearing his sweats and on his cellphone.Naabutan pa niya itong nakatalikod at seryosong nakikipag-usap sa kung sinuman.Napansin nitong paparating siya,in a matter of seconds he finished the phone call.Mas lalong nagatungan ang hinala ni Bing sa asawa.Padabog na kumuha siya ng pinggan at walang pakialam na kinain ang nakahandang pagkain sa mesa.She can sense he was observing her.Pero wala siyang pakialam.Galit siya,naiinis siya.Maraming dahilan,kaduda-duda si Anthony at...at ang bibingka.Na hindi man lang nakarating sa kanya.Punyemas na Spike kasi,paasa!

Kumalma na siya bandang tanghalian.Hindi pa rin umaalis si Anthony na hindi niya kinikibo.Nabubwisit siya dito.Napagdesisyonan niyang magbukas ng instagram.Pag-scroll pa lang niya sa
Story ay may nakapagpainit ng dugo niya.May post si Eliah kagabi,it was a picture of of her favorite bibingka.Dalawang box pa.Ang caption ng babae-Pleasant Surprise!Thanks sa pasalubong.May bonus pa itong heart emoji.
Kaya naman pala walang nakarating sa punyemes na bibingka na yan na na-press release ni Spike sa kanya.Hindi naman pala talaga sa kanya ibibigay ng talipandas niyang asawa kundi sa ex-fiancee nito.

Gigil na kinuha niya ang magazine sa harap at ibinato sa pader.It created a loud noise when it hit the concrete wall.Sinabayan pa niya ng tili.

Agad na napasugod si Anthony sa kinaroroonan niya. "Hey!What's wrong?Are you hurt?"Nag-aalalang tanong nito.Hawak pa nito ang isang floor plan.

"What's wrong?!Nothing is wrong!!"Pasigaw na sabi niya sabay psok ng kwarto.Nanggagalaiti siya lalo sa mukha nito.He looked so clueless.Eh ito mga ang may kasalanan kaya siya nagkakaganun.

He followed her. "Ano ba talagang problema?Kahapon ka pa ganyan?May ginawa ba ako?Tell me?"Parang nauubusan na din ito ng pasensya sa kanya.

"Problema?Marami!Wala!Wala kang ginawa!Iyon ang problema!"Na-activate na naman ang beast mode switch niya.

"Stop it!Stop!Please...I'm confused!Hindi ko na alam ang gagawin ko.It's like I'm walking on eggshells..."Sumusukong sabi ni Anthony. "Okay...okay..I get it now!Maybe it's time for us to talk about the past.The things that I haven't told you about....But please promise me,after thos talk we'll try to work things out...Please..."Nagsusumamo ang boses nito habang nakatingin kay Bing.

"Yes!Please tell me about the things you lied about...Mabuti naman at ikaw na ang nagkusa na pag-usapan iyan..."Matigas na sagot niya dito. "But I won't promise to work things out..Hindi pa..Kailangan ko munang marinig ang lahat lahat ng mga bagay na inilihim mo sa akin...Just because I don't deserve what you did.You owe me the truth Anthony...You know
that..."

Chasing Love Again (Brent Boys 2)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon