4.Escort

158 9 0
                                    

"Mommy,am I allowed to choose my own escort for the my debut?"Tanong ni Bing sa ina habang nagmemeryenda sila.

Sinadya niyang wala ang kapatid para madiskartehan niya ang mga magulang.Feeling niya kasi ay tututol ang kapatid pag sinabi niyang si Anthony ang gusto niyang makapartner sa 18th birthday niya.His brother is so protective of her,lalo na sa mga manliligaw niya,kahit pa sa mga kabarkada nito.

"Bakit?Akala ko ba sabi ng kuya mo ay siya na lang?"Sagot ng ina.

"Mom,ang awkward naman na kapatid ko ang magiging partner ko,sige na Mom."

"Mahal,just say yes.Naku nag-ka-crush ata ang baby natin kay Mr.Stanley ah.Pagbigyan mo na!"Her dad smiled teasingly.She smiled back at him.Buti pa ito at sinusuportahan siya.

"Okay,then,sabihin mo sa Kuya mo,saka kung papayag si Anthony.Alam mo namang kakabalik lang nun kaya busy sa pagtatraining sa branches nila ng hotels.May plano ng ipasa sa kanya ang pamamahala,after all he is the only child.

"Thank you Mom!Okay I'll tell Kuya Jan."Masayang sabi niya.

————————-
Surprisingly,Jan agreed without any fuss.Ewan niya kung dahil iyon sa pagiging busy ng kuya niya sa preparation ng Engineering board exam.Nevertheless ,she was ecstatic.Tinawagan pa ng kuya ni si Anthony na kasalukuyan nasa La Union,pumayag naman agad ito na maging escort niya.Sinabi na lang niya ang motiff ng debut,ito na daw ang bahala sa susuotin.Kaya naman ganado siya sa pagpasok sa school.

"Labreaaan!Yes!He agreed,pumayag si Anthony na maging escort ko sa debut."Kinikilig na sabi niya sa kaibigan.Naging kaklase niya ito simula first year pa lang sila.At dahil block section ang nursing sa Saint Louis University ay hindi pa sila naghihiwalay kahit ngayon second year na sila.Mabuti na lang at hindi siya sa Brent pumasok noon,nakumbinse niya ang mom niya na Science Highschool siya pumasok kaya gumraduate na siya ng highschool ng sixteen years old.Hindi katulad sa mga kuya niya at kaibigan nitong nasa international school kaya 18 pa natatapos sa k-12.

"O?Buti naman ,naku excited na akong makita yang si crush mo,nakakaintriga,kung pogi ba talaga yan."Sagot ng kaibigan sa kanya.

"Oo nga,patingin kung mas gwapo pa yan kay Dennis na super hunk naman pero inaayawan mo."Naiintrigang dagdag ni Ada.Naging malapit din ito sa kanila ni Labrean dahil kalog ito.Iyon nga lang may pagka-luka kuka minsan.Parang laging lutang.She was also the most outgoing one in their group.Ito ang pasimuno ng kabalbalan.

"Hundred times better,naku wait till you see him."Kinikilig pa siya habang iniisip si Anthony.

"Sabagay,walang itulak kabigin sa mga kaibigan ng kuya mo,puro mga pogi,saka mayayaman pa."Hindi mapigilang sumabat uli ni Ada kahit punong puno ang bibig ng clover chips.

Naiiling na lang si Labrean dito.

———————
They were rehearsing for her debut at kanina pa siya pinupuna ng choreographer nilang member ng third sex.Si Twinkle.Kanina pa kasi siya nagkakamali dahil nako-conscious siya kay Anthony.Paano ba naman,ang gwapo nito kahit simpleng black shortsleeved polo at faded jeans ang suot nito.Aside from that,nakaka-distract talaga ang amoy nito.Swabe sa ilong.He smells of expensive perfume na gamit din ng kuya niya.Hindi niya lang matandaan ang brand ng pabango.Kanina pa niya pasimpleng sinisinghot ang lalaki pa hindi ito nakatingin sa kanya.

She said sorry and tried to concentrate.Dalawang linggo na lang bago ang debut niya at ikatlong practice na nila ito.Kailangan na niyang makabisado dahil magiging busy na siya sa final nito na masasabay next week  kaya sa final practice na uli niya ito makakasama. 

"You okay baby?O baka pagod ka na?We can rest for a while."Sabi ng lalaki saka sinenyesan ang ang binabaeng ckoreographer nila na break muna.Tumango naman ang kilig na kilig na bading.

Baby?!Oh my gosh!Ang sarap  namang pakinggan. Nagpipigil ng kilig na naisip niya.

"A-ah okay sige.Eto o tubig..."Mabilis niyang iniabot dito ang water container niya.

"Sige,after you."Nakangiting sabi nito.

Kiming uminom siya mula sa lalagyan at nag-aatubiling iniabot pa kay Anthony ang lagayan.Mabilis namang kinuha iyon ng lalaki at walang anumang tinungga hanggang sa maubos.

"Thank you,naubos ko pa.Bilhan na lang kita mamaya ha?"

"Naku hindi na,okay na ako."Sagot niya dito,she was so kilig.Feeling niya nag-lips to lips sila.Hindi man lang nandiri ang lalaki na uminom sa ininuman niya.

Mabilis na natapos ang practice.Gusto pa sana niyang umisang round pa kung hindi niya lang nakitang pagod ang mga entourage niya. Sayang naman,more time pa sana,more chances of winning...

Sinabayan pa niya ang lalaki palabas ng venue na nirentahan ng mga magulang niya specifically for practice.

"Hey,pauwi ka din ba ng village?Pwedeng sumabay?Hindi kasi ako masusundo ni Manong Lito,may pinuntahan sila ni Daddy."Nagpapaawang sabi niya dito.

"Uhhm,It's okay,i can drop you home,tatawagan ko na lang si Cherry na mala-late ako."Nag-aalangang sabi nito.

"Oh!O,sorry hindi ko alam na may lakad ka pala,hindi,sige na mag-tataxi na lang ako."Nadismayang  sabi niya at saka pilit ngumiti.Naglakad siya ng konti palayo dito para mag-abang ng bakanteng masasakyan.Cherry who?Hmmp,may kadate pala.Hindi niya naririnig ang pangalang iyon sa mga kwento ng kuya niya.

"Hey,Bing...It's okay,halika na ihahatid na kita.Malapit na rin atang umulan,mas mahirap mag-abang ng taxi."Saka nito hinawakan ang braso niya.Mukha itong seryoso.

"Napipilitan ka lang yata,okay lang talaga ako.Sige na,baka malate ka pa sa date mo.."Hindi niya alam kung napansin nito ang bahagyang ismid niya pagkasabi sa date.

Natawa ito ng konti at napailing."No,I insist.Come on baby..."Nakangiti na ito ngayon.

Hindi naman siya nagpakipot pa at nagpatianod sa kaibigan ng kapatid. Neknek ng Cherry na yan.Hmmn.Bahala siyang maghintay.Akin muna si Anthony. Umiral na naman ang pagkamaldita niya.Hindi bale hindi naman nababasa ng lalaki ang mga iniisip niya.

Basta sasamantalahin na niya ang mga chance na makasama ito.Lumalalim na talaga ang nararamdaman niya dito,mahal na ata niya ito.Wala pa siyang karanasan sa pag-ibig pero alam niyang iyon na ang nararamdaman.And she really hopes that one of these days Anthony would feel the same for her too....

Chasing Love Again (Brent Boys 2)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon