#5

2.4K 30 0
                                    

ITO NA NAMAN

Ito na naman
Bumalik na naman ako sa dati
Na sa kanya umiikot lagi
Na para bang nanghihina ako sa tuwing di siya open

Kapag nag o-online laging siya ang gustong makita na nagsend ng message
Pag nalulungkot picture niya ang medisina
Pag naboboring memories nyo ang lunas
Excited pumasok sa paaralan kasi andun siya sa room niyo

Lagi na lang bang ganito?
Lagi na lang ba akong aasa sayo?
Lagi na lang ba akong magpapakatanga para sayo?
At lalong lalo nang
Lagi na lang ba akong mafre-friendzone ng dahil sayo?

Ito na naman
Umuulit na naman ang araw kung kelan ako nasaktan
Akala ko ito na ang huling araw na masasaktan ako
Babalewalain lahat ng paghihirap ko
Pagtitiis ko sa sakit na binibigay mo
Pagsisikap na mapansin mo
Pa pangangarap na mahalin mo din ako


Pero lahat ng yun ay AKALA ko lang
Dahil hanggang mahal pa kita
Paulit-ulit parin akong magpapakatanga
Paulit-ulit parin akong aasa
Paulit-ulit parin akong magtitiis
Paulit-ulit parin akong mangangarap
Na sana tayo na lang sa bandang huli
Na sana di ako magsawang ika'y mahalin
Na sana mapansin mo din ang halaga ko na matagal mo nang di pinapansin
At sana maramdaman mo rin ang iniinda kong sakit

Young Love PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon