#7

2.1K 28 3
                                    

AYOKO NA

Alam kong masakit
Kung sa kanya manggagaling
Mga salitang di ko kayang marinig
Katagang di ko kayang tanggapin

Kala ko kami ang para sa isat isa
Yun pala meron pang iba
Akala ko nasuklian ko na
Di ko alam kulang pa pala

Napakasaya ko na nakilala kita
Pero bakit ikaw gusto na kong isumpa
Mga masasakit na salita aking ininda
Pero para sayo balewala lang

Gusto ko ng sumuko
Pero di pa buo ang loob ko
Nagiipon ng lakas ng loob
Masabi lang ang nararamdaman ko

Mahal AYOKO NA
Napakasakit na
Gusto ko ng makawala
Sa relasyon nating walang kwenta

Gusto ko pa sanang magpatuloy
Kaso binigyan mo ko ng dahilan para sumuko
Labag man saking loob
Pero di ko na kayang mahulog pa sayo

Tama nang minahal kita nang lubos
At magpakatanga sayo sa loob ng dalawang taon
Para kusa kong sabihin sayong
Mahal AYOKO NA 

Young Love PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon