#8

732 9 0
                                    

HINDI NA MULI

suggested by:alyssa mae

Mga araw na tayo'y magkasama
Lubos ang sayang nadarama
Walang mapaglagyan ang nadaramang saya
Kaya akin itong ipinadama
Dumaan ang panahon
Na ika'y biglang nagbago
Nagbago ang lahat sa isang iglap
Na sa sobrang bilis
Di ko matanggap
Gusto kong malimutan ang mga alaala
Mga alaalang kasama ka
Alaalang binuo nating dalawa
Binuo ng masaya at walang iniisip na iba
Gusto kong umasang maibalik ang nakaraan
Upang bumalik din ang ating pinagsamahan
Umaasa akong parehas tayo ng inaasam
Ngunit mali ang aking pagkakaalam
Hindi na pala ikaw ang dati kong kakilala
Kakilalang akala ko kilala ko na
Akala ko hanggang dulo na
Yun pala may hangganan pa
Tiniis ko lahat ng iyong ginagawa
Ginagawang paglimot sa ating alaala
Hanggang sa dumating ang araw na ako'y nagsawa na
Nagsawang intindihin ka
Natauhan ako sa aking katangahan
At pinangako sa sariling
HINDI NA MULIng aasa pa
Aasang ika'y makakaalala pa
Makakaalala sa ating nakaraan

Young Love PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon