#9

508 7 0
                                    

NILISAN NG WALANG PAALAM


req: ateh ara ❣️

Mahal asan kana
Akala ko ba hanggang dulo tayo'y magkasama
Pero bakit tila nagbago ang takbo ng isip
Sana lahat ng ito'y isa lang masamang panaginip
Masaya tayong bumubuo ng mga alaala
Ngunit ako'y nagulat nang ika'y biglang nawala
Hinanap kita sa kung saan
Mahanap lang ang iyong kinaroroonan
Pumunta ako sa lugar na lagi nating pinupuntahan
Nagbakasaling andoon ka
Hindi nga ako nagkamali
Dahil andoon ka at tila di mapakali
Akala ko'y gusto mo lang akong makita
Pero mali pala ang aking akala
Dahil andoon ka upang lumisan
Lumisan ng walang paalam
Andoon ka upang ako'y sulyapan sa huling pagkakataong tayo'y magkikita
Dahil sa oras na ika'y maglakad papalayo
Ang landas natin ay hindi na magtatagpo
Ang sakit isiping basta mo na lang akong iniwan
Iniwan na para bang ako'y wala lang
Pero ang mas masakit
Ang lumisan ka ng walang paalam

Young Love PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon