#2

4.5K 59 1
                                    

Friendzone

Isang salita na napakasakit
Sa taong nagmahal na dulot ay hinanakit
Aarami nang nabiktima ang salitang ito
At isa na ko dun

Kala ko di ako masasaktan sayo
Pero mali ako
Kasi nang dahil lang sa isang salita
Lubos akong nagdusa
Iniisip ko kung karma ko ba to
Sa mga taong nasaktan ko
o Sadyang di ikaw ang tadhana ko?

Alam mo bang dahil sa pagmamahal ko sayo
Nakasakit ako nang tao
At ang malupit pa dun
Ay mga taong napaka importante sakin
Di ko napapansin na nakakasakit na ako ng damdamin ng iba
At dahil lang yan sa pagmamahal ko sayo ng sobra sobra

Pero nang dahil lang sa binitawan mong salita
Lahat ay nagbago na
Dun ko lang narealize na ang tanga ko

Kasi kahit parang sirang plaka na paulit-ulit kong naririnig
Na 'were just friend' na galing pa sayo
Naka support parin ako
Alam kong ang tanga ko pero sayo lang ako naging ganto.

Young Love PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon